Chapter Ten

1261 Words
The next day ay mag a-alas-onse na nang magising kami ni Ken. Pagmulat na pagmulat ko ng mga mata ay ang gwapong mukha ni Ken ang agad na sumalubong sa `kin. Bahagya siyang nakasandig sa headboard ng kama habang nakaunan naman ako sa kaliwang braso niya. Pareho kaming walang suot na damit at natatakpan lang ang ibabang bahagi ng katawan namin ng kumot. “Good morning,” namamaos na bati ko sa kanya. Last night was like one of the most memorable nights of my life. After naming mag dinner ay naglakad-lakad kami sa dalampasigan habang pinapanood namin ang ibang mga turista na nagkakasiyahan. Possessive na nakaakbay sa `kin si Ken habang kuntento naman akong nakayapos sa bewang niya. We were like lovers enjoying the beach on our honeymoon. Except that we’re not lovers, you know. Nagyaya sina Hyori at Kenzo na mag bar kami pero tumanggi si Ken kaya naiwan na lang kami sa dalampasigan at pinagpatuloy ang paglalakad-lakad. Pero hindi pa kami nakakalayo ay nagyaya nang bumalik ng cottage si Ken dahil ilang beses rin akong sinitsitan ng mga lalaking nadadaanan namin. So to speak, bumalik nga kami ng cottage namin which is a good thing. Because we were able to spend more time together. We had s*x the whole night and we were both insatiable. Mag a-alas tres na yata nang makatulog kami. Just after our third round. Imagine that. “`Morning,” nakangiti ring bati niya sa akin bago ako hinagkan sa noo. That’s one thing na napansin kong hilig gawin ni Ken. Be it in private or in public. Hindi siya nahihiyang magpakita ng affection, which is a little bit strange to me. Simula kasi ng mag break kami ni Amiel, nakalimutan ko na kung paano maging sweet. Or maybe I am being sweet right now and I just don’t realize it. I dunno, really. I’m kind of confused. I brushed off the thought and started circling finger on his left n****e. “What’s our plan for today?” “I dunno. We can go swimming, ride the banana boat or maybe we could just stay here all day if you want?” nanunudyong sagot niya na hinihimas-himas ang isang braso ko. “Sayang naman ang ibinyahe natin kung mag i-stay lang tayo dito sa cottage. Although, the last thing you’ve said was a very nice idea,” pilyang tugon ko. “But I want to go snorkelling.” “Then we’ll go snorkelling,” masayang sagot niya sa akin. “But first, kailangan na nating mag breakfast para bumalik ang energy ko. Pinagod mo ako kagabi,” aniya sabay pisil sa pang-upo ko na ikinatawa ko naman. And yes, Ken is such a generous lover. I didn’t know that s*x could actually be fun, exhilarating and a lot more. Bagay na hindi ko naranasan kay Amiel noon. Oh well, bakit ko pa ba iniisip ang tarantadong `yon? I’m with a very handsome guy and I should be thankful for this moment instead. Sabay kaming bumangon ni Ken at sabay na rin kaming naligo kahit sobrang liit ng espasyo ng banyo. And of course, there were more teasing and touching and embracing habang nasa loob kami ng banyong `yon. Inabot yata kami ng mahigit isang oras sa paliligo dahil panay ang hantuhan naming dalawa habang sinasabon namin ang isa’t isa. Matapos maligo at makapag bihis ay pumunta kami sa cottage nina Hyori pero walang sumasagot mula sa loob. Halos kalampagin na namin ang pinto pero wala talagang sumasagot. “Baka nauna na silang mag lunch or something?” sabi ko. “Baka nga. Tara na. Tawagan ko na lang si Kenzo after nating kumain,” aniya at inakbayan na `ko. “I don’t like the way men looks at you.” Mayamaya ay bulong sa `kin ni Ken nang makahanap na kami ng restaurant na makakainan. Kakatapos lang naming um-order, actually. “Paano ba nila `ko tignan?” maang na tanong ko sa kanya. “It’s as if they want to steal you from me,” seryosong sagot niya na nakatitig pa sa mukha ko. At aaminin kong kinilig ako dahil sa sinabi niya. Pinagsalikop ko ang dalawa naming kamay at dinala iyon sa kandungan ko. “Don’t worry, Ken. They can’t steal me from you. I’m here to stay.” Biglang sumingit sa isip ko ang mga katagang “no-strings-attached” pero mas pinili kong itaboy muna iyon pansamantala sa isip ko. Can’t I be romantic even just for today? Nang isilbi ang mga pagkain namin ay parehong ganado kami ni Ken. We were both mindless of our food intake. Well, okay lang mapasobra ang kain namin, siguradong mag bu-burn rin naman kami ng fats mamaya—sa snorkelling! After the sumptuous lunch ay tinawagan nga ni Ken ang pinsan niya pero hindi raw sumasagot at unattended naman ang phone ni Hyori. Pagbalik namin sa cottage ay wala pa rin sila. “Hayaan mo na nga sila. Tayo na lang ang mag snorkelling,” sabi ko. Kumuha na `ko ng bagong swimsuit sa maleta ko at sa harap na niya mismo ako naghubad. Naglagay lang ako ng cover-up at pagkatapos ay nagpahid ng sunblock. Si Ken ulit ang naglagay ng sunblock lotion sa likod ko and I did the same thing to him. May kamahalan ang singil ng nagbabangka dahil dalawa lang kami ni Ken but I didn’t mind. Mas gusto kong i-enjoy ang bakasyong `to. Hindi rin pumayag si Ken na solohin ko ang pagbabayad sa Bangka. Moments later ay pumapalaot na kami. Malakas ang ihip ng hangin at feeling ko ay Jack and Rose ang peg namin ni Ken. Nakaupo siya sa tabling kahoy habang nakaupo naman ako sa pagitan ng hita niya. Mabilis na kinuha ko ang phone ko at agad na nag-selfie kasama si Ken. Napakaganda ng background namin—dagat at mga bundok. Kung may makakakita lang sa amin ngayon na kakilala namin, iisipin marahil ng mga tao na may relasyon kami. O `di kaya’y matagal na kaming magkakilala. Bahagya akong tumagilid paharap kay Ken at walang ano-anong hinalikan siya sa labi habang panay pa rin ang kuha ko ng selfie. “Perfect shots!” bulalas ko nang tignan ko ang pictures namin. Pero pinakagusto ko ay `yong magkalapat ang mga labi naming dalawa. Mayamaya lang ay huminto na ang bangka sa gitna ng dagat. Binigyan kami ni manong ng tig-isang goggles at lifejacket. Nang maisuot ang mga iyon ay sabay pa kaming nag dive sa tubig. “Wooooh!” sigaw ko nang muling umangat ang ulo ko mula sa tubig. Hinawakan ni Ken ang isang kamay ko at saka nagsalita ng, “Sabay tayong sumisid, okay?” “Okay!” masayang tugon ko. At sabay nga naming sinisid ang kailaliman ng dagat. The experience was really really nice. Lalo na at hawak-hawak ni Ken ang kamay ko habang sabay naming pinagmamasdan ang mga water creatures na halos abot-kamay na naming dalawa. Sabay rin kaming umahon ulit parang ay kung anong mainit na bagay na humaplos sa puso ko nang makita kong matamang nakatitig sa `kin si Ken bago siya nagpasyang tawirin ang konting espasyong naglalayo sa mga labi namin. After the kiss ay pinakiusapan ko si manong na kunin ang phone ko at kuhanan kami ng pictures. For souvenir. Para kung sakaling kailangan na naming bumalik sa kanya-kanya naming buhay, may magagandang alaala akong babaunin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD