Chapter Two

1099 Words
Pagkamulat na pagkamulat ko ng mga mata, ang una kong ginawa ay kapain ang cellphone ko na nasa ilalim ng unan ko. Twenty-three messages and six missed calls—mula sa iba't ibang lalake sa buhay ko. Walang interesting sa mga nag-text so I decided to delete all those messages. Matapos mag-inat ay pinatay ko muna ang aircon bago dumiretso sa banyo para maligo. Past eleven na ng umaga kaya nagrereklamo na ang mga alaga ko sa tiyan. Pagbaba ko ng kusina ay awtomatikong napasimangot ako nang maabutan ko doon si Aimee—anak ng bagong kinakasama ni Daddy. My mom died four years ago and just this year; my father decided that he needed a new woman in his life—at iyon nga ang mommy ni Aimee. I'm eighteen and Aimee's nineteen pero hanggang balikat ko lang siya. She's so pandak, mana sa mommy niya. And no, she's not just pandak. She also has this strong facial features kaya nagmumukha siyang maldita na wala sa hulog. "What?" nakatikwas ang kilay na tanong ko sa kanya nang makita kong sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos. "Nasaan ba si manang Fe? Kahapon ko pa siya hindi nakikita dito sa bahay." Si manang Fe ay ang nag-iisang katulong namin dito sa bahay na siya na ring naging yaya ko noong baby pa ako hanggang sa magdalaga ako. "Nag day-off at umuwi sa kanila," sagot ko lang. Pero ang totoo, pinauwi ko talaga si manang Fe dahil simula nang pumisan sa bahay namin itong mag nanay na 'to ay napansin kong nagpi-feeling senorita itong si Aimee. Lahat na lang halos ng bagay ay iniuutos kay manang Fe kahit kaya naman niyang gawin ang mga 'yon. Kaya ang ginawa ko kahapon bago ako umalis ay inutusan ko manang Fe na mag-empake ng ilang damit at sinabihan kong umuwi na muna sa kanila para na rin makasama niya ang pamilya niya. Hindi niya day-off pero binigayan ko pa rin ng perang panggastos niya. Hindi na rin naman kasi iba sa akin si manang Fe. Simula nang mamatay si mommy ay siya na ang tumayong pangalawang ina ko. "Hindi pa naman niya day-off, ah? Saka bakit umaalis siya nang hindi man lang nagpapaalam?" reklamo pa rin ni Aimee. "At baka nakakalimutan mo ring hindi ka niya boss kaya hindi niya kailangang magpaalam sa 'yo. And okay, hindi nga niya day-off, pero pinauwi ko na muna siya kasi napapansin ko panay utos kang bruha ka." Buhat sa sinabi ko ay bigla na lang lumapit sa akin si Aimee at ihinagis ang damit na hawak-hawak niya. Halatang bago pa ang damit dahil may tag price pa na muntik sumawsaw sa iniinom kong juice. "Dahil ikaw naman pala ang nagpauwi sa pesteng matandang 'yon, ikaw ang maglaba niyang damit ko. Kailangan ko 'yan mamayang gabi." Sumulak yata ang lahat ng dugo ko papunta sa ulo ko dahil sa sinabi niya. Walang salitang dinampot ko ang damit at dumiretso sa laundry area. Naramdaman kong sumunod sa akin Aimee at marahil ay iniisip na nagwagi siyang pasunurin ako. But she's so wrong. Nilagay ko sa isang planggana ang damit na 'yon ni Aimee at bago pa man siya makapag-react ay buong gigil ko na iyong sinabuyan ng Zonrox. "Anong ginagawa mo?!" nanlalaki ang mga matang tanong ni Aimee habang patuloy ko namang pinapaagos ang zonrox sa damit niya. Ang puting tela ay unti-unting nagkaroon ng puting marka. Parang Dalmatian lang. "Ayan! Next time, matuto kang gumalang sa nakatatanda. Sa susunod na tawagin mong peste si manang Fe, 'yang bibig mo na ang bubuhusan ko ng Zonrox!" "Isusumbong kita kay mommy at daddy!" nanlilisik ang mga matang turan nito. Ang kapal ng mukha! Hindi pa nga kasal ang mommy niya at daddy ko, nakiki-daddy na. Yuck! "Eh, 'di, magsumbong ka. Gusto mo samahan pa kita? Hoy, Aimee, baka nakakalimutan mong sampid lang kayo ng mommy mo dito sa pamamahay na 'to? At kahit magpakasal pa ang mommy mo at ang daddy ko, mananatili ka pa ring sampid sa bahay na 'to. You know why? Because this house belongs to me dahil pamana sa 'kin 'to ng mommy ko. Kaya please lang, ayusin mo 'yang pag-uugali mo kung ayaw mong damputin ang mga gamit mo sa labas ng gate." Kalmado pa ako sa lagay na 'to. Naglakad na ako pabalik sa loob ng bahay at nang tumapat ako kay Aimee ay sinadya ko pa siyang banggain sa balikat. Ang akala siguro ng bruha ay masisindak niya ako. It was the first time na pinamukhaan ko siyang sampid lang siya sa bahay na 'to. Paano'y laging ipinapaalala sa akin ni daddy na maging magiliw ako sa kay Aimee at sa bago nitong kinakasama dahil baling-araw daw ay magiging isang pamilya kami. Sabi pa ni daddy ay huwag ko raw ipapaalam, lalong lalo na kay Aimee na ako ang may-ari ng bahay na 'to. Yes, this house belongs to me. Lately ko lang din nalaman mula sa maternal grandparents ko na ngayon ay nagbabakasyon sa Amerika na bago pala magpakasal sina mommy at daddy ay nagkaroon sila ng prenuptial agreement. Nagmula kasi sa isang mayamang angkan si mommy samantalang si daddy naman ay nagmula lang sa isang average na pamilya. When mommy died, all her properties, including this house and all of her jewelleries were turned over to me. This year ko lang nakuha ang mga alahas dahil kaka-eighteen ko lang. My dad isn't poor naman but it's safe to say that I'm richer than him now given what my mom has left me. Wala naman talaga akong balak na ipangalandakan kay Aimee kung ano siya dito sa bahay na 'to, pero sumusobra na siya, eh. And she crossed the line when she called manang Fe "pesteng matanda." Pagbalik ko sa kwarto ko ay mabilis na nagpalit ako ng maiksing shorts na mas mahaba pa ang bulsa kesa sa mismong tela. Fitted t-shirt naman ang sinuot kong pang-itaas at sneakers ang suot ko sa paa. In less than thirty minutes ay dina-drive ko na ang Toyota Wigo ko leaving my badtrip feels at home. Humantong ako sa paborito kong restaurant at doon na 'ko nagpasyang mag brunch. Later ko na iisipin kung saan ako tatambay sa araw na 'to. Its summer kaya hindi ko mahagilap ang mga friends ko. Speaking of summer, I guess kailangan ko nang mag-plan para sa summer getaways ko. I'd rather plan a trip somewhere than stick my butt at home. Ayokong makasama si Aimee at ang nanay niyang alam kong plastic naman ang pakikitungo sa 'kin. Nang i-serve ng waiter ang pagkain ko ay napangiti ako. "This is great!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD