Napapangalahati ko na ang pagkaing in-order ko nang biglang may pumasok na matangkad na lalake sa loob ng restaurant. The guy is tall and obviously handsome. Pati nga 'yong ibang mga babae na nasa loob ng restaurant ay ay napapatingin sa bagong dating na costumer.
Habang nakatitig ako sa mukha ng lalake na ngayon ay nakapila na sa counter, it occurred to me na pamilyar ang lalake. Parang nakita ko na siya somewhere. I swear!
Mabilis na kinuha ko ang iPhone ko sa sling bag na dala ko at mayamaya pa ay swipe dito swide doon na ang ginagawa ko. Then dyaraaaan! Tama ang hinala ko, I know this good looking guy with a yummylicious biceps.
His name is Lucas—vocalist ng bago at papasikat na banda sa university namin na kasalukuyan ring boyfriend ng ex-best friend kong si Tahlia na ngayon ay mortal enemy ko na.
Tahlia used to be my closest friend, my confidante, my julalay and I even considered her like a true sister. Until she decided to f**k my then boyfriend Amiel who was a total asshole. Mabait sana si Tahlia at maaasahan din, pero may itinatago rin palang landi sa katawan. Kung nasaan man ang bruha ngayon, masagasaan sana siya.
Medyo matagal na rin ang insidenting panunulot ni Tahlia kay Amiel sa 'kin. Almost a year na rin yata. Kung sa ibang tao siguro nangyari 'yon, baka kinalimutan na lang nila ang bagay na 'yon. Unfortunately, hindi uso sa 'kin ang forgive and forget. Ano ako, bale? Lintik lang ang walang ganti. I won't let that b***h just get away with her wrongdoings. Someone's going to pay. And that someone is Tahlia.
Hindi ko na tinapos ang pagkain dahil nakita kong bitbit na ni Lucas ang isang brown paper bag na naglalaman ng mga pagkain. Bago pa man niya tuluyang marating ang pinto ay nakatayo na rin ako at tinutumbok ang kaparehong direksiyon na tinutumbok niya. At halos sabay pa kaming napahawak sa doorknob ng door. Thank God the guard of this restaurant is MIA.
Dahil sabay nga kaming humawak sa knob ng door ay pumatong ang kamay ko sa kamay ni Lucas dahil nauna siya nang bahagya kesa sa 'kin. Pero siyempre style lang 'yon.
"Oh, Lucas! Ikaw pala 'yan. I'm sorry halos sabay pa pala tayong magbubukas ng pinto."
Napahinto ang lalake at tumingin sa 'kin. And I could say that he's pleased at was he is staring right now since he did smile at me.
"You know me?"
And I exactly know what this guy needs. Konting pambobola. Well, lahat naman ata ng lalake gustong binobola ng mga babae paminsan-minsan.
"Of course! We're of the same university, magkaiba nga lang tayo ng course. But I know you. You're a member of a band, right? And I heard that you're not just a pretty face. My friends told me that you also have this sexy voice."
"Really? Oh, how come I didn't notice at you at school?"
Oh, you're too busy hanging out with a b***h, gusto ko sanang isagot. Pero siyempre iba ang isinagot ko. "Well, our school is pretty big so maybe it's safe to say na baka magkaiba tayo ng tinatambayan? I'm Keira by the way."
Bago pa man matanggap ni Lucas ang pakikipagkamay ko ay may narinig kaming boses mula sa likod namin na tonong pagalit. "Excuse me, kung magkukwentuhan kayo huwag dito. Get a private place, guys!" At dumaan na ang masungit na babaeng mukhang pinaglihi sa sama ng loob.
Nang tumingin ako kay Lucas ay sabay pa kaming tumawa habang lumalabas ng restaurant. Nang humupa ang tawa ko ay muli akong bumaling sa lalake. "Itsura ni ate. Taray-taray hindi naman pretty."
Halatang ayaw pang umuwi ni Lucas lalo na nang mag-flip ako ng hair at pagkatapos ay ngumiti sa kanya.
"You're going home na?" Lucas asked me.
"Hmmmm, I dunno ayoko pa ngang umuwi, eh. I'm still figuring out what to do today. But don't worry, I'll be fine. You go ahead na," kunwari ay pagtataboy ko sa kanya.
"Why don't you just stay at my place? Tutal mukhang wala ka pa naman yatang naiisip na pupuntahan, eh. We can watch movie if you like."
I faked a wide and enchanting smile. "Really? That sounds nice," I said.
"So tara? Papara na 'ko ng taxi."
Bigla ko siyang hinawakan sa yummylicious bicep niya para pigilan. "Huwag na. I brought my car, eh." At magkasabay na kaming pumunta sa kinakaparadahan ng kotse ko.
Nakita ko ang pagkislap ng mata ni Lucas pagkakita sa sasakyan ko. Poor guy, he doesn't have a car yet. Pareho sila ni Tahlia.
At dahil tirik na tirik ang araw ay normal na mainit sa loob ng car ko kaya pina-andar ko muna ang sasakyan at itinodo ang aircon.
Tagaktak na ang pawis ko bago pa man lumamig ang loob ng kotse. Kinuha ko ang panyo ko sa bag at pinunasan ang mukha ko sa pawis bago humarap kay Lucas. "Pakipunasan naman ang likod ko, please?" sabi ko saka inabot sa kanya ang panyo at saka tumalikod sa kanya.
Naramdaman kong medyo nanginginig pa ang kamay ni Lucas habang pinupunasan ang likod ko. In fairness, hindi magaspang ang kamay niya.
"It's done," aniya makalipas ang ilang saglit at inabot sa 'kin pabalik ang panyo.
"Thanks, Lucas," I said then smiled at him.
Malapit lang ang bahay nina Lucas sa restaurant na pinanggalingan namin kaya wala pang fifteen minutes ay ipinaparada ko na ang kotse ko sa harap ng isang katamtamang bahay na nasa loob ng isang subdivision.
Their house was okay. It was modest and is probably just a little bit bigger than our entire living area. Walang ibang tao sa bahay nina Lucas dahil according to him, his parents are currently in Bohol. Makiki-fiesta or something yata. Sorry, hindi kasi ko masyadong nakikinig sa kanya. Paki ko ba sa parents niya?
"Your house is lovely," labas sa ilong na pagpuri ko habang umuupo ako sa sofa nila sa sala. Si Lucas naman ay dumiretso sa kusina na kita rin naman mula dito sa sala para kumuha ng plato at mga kubyertos.
Pagbalik ni Lucas sala ay niyaya ko siyang mag-selfie kami sa phone ko. "Sort of remembrance," sabi ko pa. Nakailang take rin ako ng pics. May wacky, may japan-japan at meron ding magkadikit na magkadikit ang mga mukha namin ni Lucas. "Kain ka na," sabi ko sa kanya pagkatapos.
Inalok niya akong saluhan ko siya pero tumanggi ako dahil busog na nga ako. So while he's eating, binutingting ko ang settings ng phone ko.
Mabilisan ang ginawang pagkain ni Lucas maybe he knew that I'm waiting... for the movie marathon. Ako ang pinapili niya ng movie so namili ako ng romantic movie siyempre. If I Stay ang napili ko.
Magkatabi kaming nakaupo sa pahabang sofa habang may kaunting distansiya pang naghihiwalay sa amin. Pero wala pa sa kalagitnaan ang movie ay magkadikit na kami habang nakaakbay si Lucas sa akin.
At nang maghalikan ang bidang babae at bidang lalake, awtomatikong napatingin ako sa katabi ko. There's no doubt na sobang gwapo ni Lucas. And hey, nakatingin na rin siya sa akin. Napatitig ako sa gwapo niyang mukha—particular na sa mga labi niya. Parang nag-aanyaya rin ng kissing scene.
At bago pa man magbago ang isip ko ay tinawid ko na ang pagitan ng mga mukha namin. The moment my lips touched Lucas' lips, I instantly knew that I'm better than Mia of If I Stay. Paano ba naman ay umuungol na agad 'tong kahalikan ko.
Naramdaman kong unti-unting bumaba ang mga labi ni Lucas papunta sa leeg ko habang ang isa niyang kamay ay nagsisimulang maglakabay papunta sa b**bs ko. His hand is gently caressing my left b**b.
At habang nagpapakasawa siya sa pagsimsim sa leeg ko ay abala naman ako sa pagpindot sa phone—without him knowing it. At bago pa man niya tuluyang maitaas ang damit ko ay biglang nag-ring ang phone ko.
Mabilis na naghiwalay kami ni Lucas pero nakikita ko sa mukha niya ang matinding panghihinayang. "Dad is calling," sabi ko sa kanya habang pinapakita ang phone ko. Tumayo ako para sagutin ang tawag.
"Yes, dad. I'm coming na. Okay, okay eto nga paalis na," iyon lang at tinapos ko na ang tawag. "I'm sorry Lucas but I need to go. My dad is already freaking out. I forgot na ngayon pala ang birthday ng lola ko." Dinampot ko ang bag ko na nasa center table at isinukbit iyon sa balikat ko.
Pero bago pa man ako makalabas ay hinila na ko ni Lucas and pinned me on the wall and kissed me once more. "I'll see you at school," sabi niya matapos ang halik.
"Of course," nakangiting sagot ko at pagkatapos ay lumabas na ng bahay nila. Habang lulan ako ng sasakyan ko ay hindi ko maiwasang mapangiti. It wasn't my father who called me. Just a friend na "Daddy.." ang nakalagay na name sa phone ko. It was all planned.
Nang huminto ako sa stoplight ay in-upload ko ang isa sa mga pictures namin ni Lucas sa IG at f*******: account ko. Ang caption: Thanks for inviting me at your house, Lucas.
At sigurado akong makakarating kay Tahlia ang picture na 'yon.
Sino ang may sabing masamang gumanti sa kapwa? Ang sarap sarap kayang gumanti. It feels liberating. Right? ^_^