Chapter 1

2146 Words
She tapped in 1-4-0-1-2-0 and hit Enter. Dumaan ang babaeng napakalakas ng boses at sinagi ang kanyang likuran. Nasa telepono ang atensyon nito. Pangalawa sa humahabang pila ang magkasintahang isang metro ang layo sa kanya. Naghihintay, nag-uusap tungkol sa tanghalian. Sa malaking entrada ng supermarket sa kaliwa, dalawang guwardiya ang bumabati. Isa-isang china-check ang mga bag. Tatango at ngingiti sa labas-masok na mga tao. Hindi mapirme ang kamay niya na nakapatong sa mainit na metal. Nanginginig, namamawis. Tumatama ang kuko ng kanang hintuturo roon habang naghihintay sa paglabas ng pera. Pangalawang withdraw na ito. Direktang tumatama ang sinag ng araw sa kanyang likod. Ang sariling silweta ang tumutulong upang makita nang mabuti ang mga numero sa screen. Malayang dumaloy ang malamig at malagkit na pawis mula pisngi hanggang dibdib sa malalim na paghinga. Sasakyan, estudyante, aso. Lahat ng makita niyang gumagalaw sa paligid ay 'di niya mapigilang 'di pansinin. Nagitla siya sa malakas na tunog ng cellphone. “Narito na ang tatay mo,” sa matiim na boses. Sakto ay lumabas ang pera. Mabilis niyang tinungo ang terminal ng bus na nasa likod ng supermarket. Mahabang lakaran kaya’t tinungo niya ang madilim na ukay-ukayan sa gilid. Kaliwa’t kanan ang mga taong nagtatawaran, at ilang beses siyang nakasagi. Yakap niya sa dibdib ang bag, at ang grocery bag sa kanang kamay; nakatungo siya sa puting baldosa at ilang milya ang tinatakbo ng isip. Mabilis niyang hinila ang nadaanang wig ng manikin pati ang headscarf nito. Walang lingon-lingon na naglakad. Walang tigil sa mga pagtawag. Ilang metro pa ay nakita niya ang mataong terminal. Ginalugad niya nang husto ang bawat taong naroon, sa bawat konkreto’t mahabang upuan na may kupas na mga pintura, hanggang sa makita niya ang pamilya sa dulo, malapit sa basurahan. Nakabukod. Napapagitnaan, at kung saan-saan lumilingon ang ina. Sa tabi nito ang bunso na nakasandal sa balikat nito, at may distansya ang isa nilang kapatid na may suot na earphones at nagdudugtong ang mga kilay. “Nay!” Mabilis na tumayo ang tatlong naroon. Tamad na tinanggal ng kapatid ang nakapansak sa tainga, inabot ang wig at pinatong sa kulot na buhok. Inayos ng ina ang headscarf nito. Agad niyang kinuha ang ilang bag at naghanap ng bus. Lakad, takbo, ginagalugad ang lahat ng patungong timog. Sa pangatlong bus niya itinapon ang mga gamit at naupo sa ikalimang upuan. Sunod-sunod ang malalim na paghinga ng ina matapos maupo sa kanyang tabi. Saka pa niya nakita ang ama na palinga-linga sa paligid. Hands in his pockets, a custom watch, and a shy smile. He scanned the people with his calmest face, sending a brutal spike of adrenaline straight through her veins. Pumasok ito sa pangalawang bus at inisa-isa ang mga silya roon. Ang mga tao ay naglilingunan sa matangkad at matipunong lalaki na kalmadong naglalakad sa aisle at nakikipagtitigan sa mga pasahero—kita niya sa mga bukas na bintana. Bawat galaw nito, bawat paghinto sa ilang kababaihan, interaksyon, kahit ang pag-angat ng sombrero ng isang pasaherong labis ang pagtataka ay sinundan niya. Nang makita ang kabuuan ng mukha ay nagtaas ng mga kamay ang ama at ngumiti. The passenger just nodded and waved his hands dismissively. Saka nito inayos ang sombrero sa ulo. Dalawang beses nagpabalik-balik sa dulong upuan, walang kinakaligtaan at saka bumaba na walang nagbago sa mukha nito maliban sa mga matang dumidilim. Mga tinging tinakasan ng kaluluwa, nakapinid ang mga labi at tuwid ang tingin habang hinahawi ang mga taong nakakasalubong nito. Larawan na nasisilayan niya sa pitong taon. Sumasayaw ang hawak na puting kurtina at namumuo ang pawis doon. Hinila niya ito pasara nang tumingin ang ama sa kanilang bus. Ang konduktor at drayber ay nagtatawanan, walang ideya na may pasaherong balisa. Sa muli niyang paghawi sa tela ay naipadyak niya ang mga paa at nais na niyang tumayo. Nasa harapan ng pintuan ang ama niya at nakapila sa mga sasakay. Nilingon niya ang ina na nakapikit at mapayapa na ang paghinga. Nababalot ang lugar ng panaka-nakang busina, sigawan, at pagbebenta, ngunit 'di pa rin nakatakas sa kanyang tainga ang tunog na iyon. Mahina lamang, ngunit napakalakas sa kanyang pandinig. Agad na nagising ang ina mula sa mahimbing na pagkakatulog. It was her father’s phone. Mabilis na nawala ang antok nito at hindi na mapakali sa inuupuan. Naglakad ang ama ng ilang metro at sinagot ang tawag. Taas-baba ang malapad na likod sa bakat na custom-fit suit jacket. Nang lumarga ang bus ay lumuwag ang kanyang hininga at dahan-dahang isinandal ang likod sa kutson. Hindi siya maaliw sa tanawin. Dalawampu’t limang taon nang kasal ang mga magulang kaya’t 'di niya maunawaan kung bakit humantong sa ganito ang pamilyang nagmamahalan naman noon. Nagsimula sa simpleng 'di-pagkakaintindihan hanggang umabot sa pagbabangayan, na nauwi na sa sakitan. Ito ang dahilan ng paglayo nila sa malaking bahay at maayos na pamumuhay. Palayo sa panganib, sa ama. Ang kanyang mga kapatid ay tahimik sa likod, at ang ina ay nakasandal na sa kanyang balikat at muling umidlip. Sinuri niya ang namumulang kamay nito. Namamayat, hindi uniporme ang gupit ng mga kuko. Nagtagal ang tingin niya sa palasingsingan. Her simple ring was tarnished. Sa kaputlaan, ay napakalinaw ng malaking pasa nito sa braso. Inayos niya ang hibla ng buhok sa likod ng tainga nito at pinagmasdan ang nangingitim na kaliwang mata at sugat sa gilid ng labi. She was broken beyond recognition. Nagising ito nang padaanan niya ng palad ang pisngi. "Go back to sleep, Mom, we're still in the city." Tumango ito ngunit 'di na muling natulog. Tulala, nakatingin na rin sa tanawin habang nakasandal sa kanya. Ilang kabahayan na lamang ang makikita. Umayos ito ng upo at binuksan ang supot ng mga nilagang itlog. Nanginginig ang mga daliri nito sa pagtanggal pa lang sa mahigpit na pagkakatali sa supot. “You know Ted can't stand the quiet in that house. Magtataka siya kung wala nang makikipaglaro sa kanya.” Kinuha niya ito at binalatan ang isa. “Ted will get used to it.” Ibinigay niya ito at isinandal ang braso sa bintana, nilanghap ang pamilyar na hangin at pilit na inaliw ang sarili sa bakanteng kalsada. “Naaalala kong 'di siya nakakatulog nang walang kasama.” Mahabang sandali ang lumipas, ang bakanteng daan ay napalitan ng malawak na palayan na pwede na yatang anihin. Sa malayo ay ang silweta ng dalawang magkatabing bundok. Nakakasilaw ang sinag ng araw. Ang langit ay purong asul; sa kanyang relo ay alas-nuebe na. “Kaka-promote mo lang." "I am fine, Mom." Hindi na ulit ito nagsalita. Ipinokus niya ang tingin sa nag-iisang puno ng matangkad at mabungang kapok sa gitna ng malawak na palayan at mariing kinagat ang hinlalaki. She wasn't trying to be brave. She was just doing whatever it took to keep them alive. ______________________ Lumiko ang bus at naglaho sa hilera ng mga puno. Inayos niya ang mga gamit na nagkalat sa basang damuhan. The silence is ringing in her ears. Not calm, aggressive. Pumapalibot ang nagtatayugang mga punong mistulang pader. Sa magkabilang dulo ng kalsada ay wala nang ni isang sasakyang naglalakbay, o tao. Balot ng makapal na hamog. Nanunuot ang lamig. Madilim kahit ala-una pa. Matagal bago pumasok ang ina sa gubat sa kanan. Maingat na hinawi ang mga sanga. Ang bunsong kapatid ay nakahawak sa laylayan ng blouse nito, suot ang Spider-Man na backpack. Ilang tanong ang sumagi sa kanya dahil sa kalmadong kilos ng ina. Binuhat niya ang dalawang nakarolyong maninipis na foam na kulay asul sa kanan at ilang gamit sa kaliwa. Sa kanyang leeg nakasukbit ang strap ng grey handbag at sa likod ang backpack na puro damit, at lumingon sa likod. “Great. Just great.” Ang kapatid ay nakatingin din pala sa kanya. Nakasimangot at kung ano-ano ang ibinubulong habang hila ang dalawang malalaking maleta na kulay itim. Sa pag-apak sa makapal na gubat, tila nagsitigil ang lahat ng naroon dahil sa mga bagong dating. No birds chirping, no nothing. The only thing that could be heard was her sister pulling the wheels that were stuck in the roots, followed by a string of curses. Lahat ng sulok ay madilim at walang hangganan sa kapal ang gubat; ilang puno ang nagtitirintas at balot ng lumot. Namamanhid sa lamig ang kanyang leeg sa pagtingala sa makapal na canopy na may kaunting liwanag na lumulusot. Mariin ang pagpikit niya at napaatras pa nang may tumama sa mata—isang malaking patak ng tubig. Sa bawat apak sa nabubulok na mga dahon ay lumulubog ang kanyang tsinelas sa putik. Pumapatak ang pawis sa bigat ng mga dala at nangangagat na lamig. Nasa isang daang metro ang nilakad nila papasok sa loob ng gubat hanggang lumiko muli sa kanan at doon na nakalabas. Tiningala niya ang nangingitim na langit. Ash gray. Nabalot ng amorsiko ang mga dala nang bitawan niya. 'Di na niya matiis. Namamanhid ang mga kamay niya at nangangati ang mga binti sa mga talahib na hanggang lulod ang taas. "Is there an end to this? Is there a way that we could go back to the city?!" Pilit nitong hinila ang mga gulong na sumasabit sa mga stolon. Ngunit mabilis itong natahimik. Sa labas ng kongretong bahay na nadaanan ay nagsisibak ng kahoy ang isang lalaking nasa singkwenta. Hubad ang itaas nito; sa likod ng bahay ay ang mga sinampay na damit na tumutulo pa. Sumisilip ang madilim na loob dahil sa maliit na awang ng pinto na tumawag sa kanyang kyuryusidad, at nilampasan na ng kapatid. Natigil ang lalaki sa ginagawa kaya’t inalis niya ang tingin dahil sa kakaibang pagkakatitig nito na napakapamilyar. Lakad-takbo ang paghabol niya. Tuwid lamang ang direksyon ng lakad nila. Sa hinuha niya ay nasa isang daang metro ang layo ng unang bahay sa pangalawa, at doon na nga huminto ang kanyang ina. Ang bahay ay napapalibutan ng iba’t ibang matatayog na puno. May isang puno na isang metro na ang lapit sa mismong pader. Ang liwanag ng langit ay halos 'di na tumagos sa kapal ng mga sanga. Sa puwesto ay wala ni isang bahay ang makikita maski ang unang nadaanan dahil sa mahahabang damo. Lahat ay berde. Lumapit ito sa pintuan at dahan-dahang binuksan. Wala siyang maaninag sa loob dahil sa dilim. “Halina kayo.” Ang bubong ay naghahalong pula at kayumanggi at nangingitim ang ilang parte. Ang bahay ay kongkreto. May dalawang bintana sa harap at isa sa gilid na gawa sa jalousie. Sumunod sa loob ang bunsong kapatid. Ang isa ay mabilis na binitawan ang dalawang maleta at kinuha ang cellphone sa bulsa. “What kind of middle-of-nowhere place is this?!” Naglalakad-lakad ito paroon at parito habang itinataas ang cellphone. 'Yun din ang tanong niya. Alanganin ang paglapit niya sa lumang pintuan. Dahan-dahang nilakihan ang awang ng pinto at sumilip. Growing up in the city, she was not expecting it. Mabilis na nasira ang mukha niya sa mainit na salubong ng hangin at alikabok. Ang amoy ay 'di pamilyar at ayaw na niyang alamin ang dahilan. Tatlong hakbang. Malawak ang sala dahil sa kawalan ng laman maliban sa isang lamesang gawa sa plastic. Ang kadiliman ay dahil sa makapal at itim na telang itinakip sa mga bintana. Nasa apat na metro mula sa pintuan ay ang lababo. Sa kanan ay may nakasabit na lumang salamin. At katabi nito ang isang pintuan na may kurtina. Sa kaliwa ay may tatlong nakahilerang pintuan, at sa unang pintuan ay may nakasabit na kalendaryo. Ipinatong niya ang mga dala sa mesa sa gilid. Nakasunod ang tingin sa mahaba ngunit manipis na bitak sa sahig. Ilang bilog ang nagpatingala sa kanya. There was no ceiling, and she saw tiny specks of light peeking through the roof. “Nay?” Sa unang silid, may kamang pang-isahan. Dalawa ang bintana na parehong may takip. Sa gilid ay may lumang Durabox na sira ang itaas na drawer. Mabilis siyang lumabas sa kalampag. Sa lababo ay naroon ang ina. Nilapitan niya ito at pinulot ang tumaob na tabo na may lamang tubig. “Nay, what is this place? Bakit dito?” “Forest basin. Montelago.” Nanginginig ang kamay nitong binuksan ang gripo. Lumabas ang malinaw na tubig at hinilod nito ang kamay. “Bakit dito? Pwede naman tayong mangupahan sa ibang lugar na mas maayos at mas makakagalaw. This seems to be a mistake!” “These are free cabins, Caroline. We have all we need here,” kalmado nitong tugon at yumuko. Ilang sandaling binabad ang kamay. Mabilis niya itong isinara sa iritasyon. “But what about my siblings? What about—” “The door is open.” Saka lang ito tumingin sa kanya. Tumaas ang kilay niya. Doon niya lang napansin ang isa pang pintuan sa likod nito at bukas nga 'yun. Ngunit naintindihan niya ang ibig nitong sabihin. Mariin siyang pumikit at dahan-dahan itong isinara, at inilock ang barrel bolt. “We won't leave you. I won't leave you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD