Prologue
Ang paunti-unting patak ng mahinang ulan sa manipis na bubong ang tanging maririnig sa katahimikan ng buong bahay.
Walang nais magsalita sa magkapatid; ang mga katawan ay naging tuod sa magkabilang dako ng sala. Nagtatalo sa pamamagitan ng matalas na tingin. Maraming gustong isatinig, isisi, at isumbat na matagal nang inipon, ngunit naroon pa rin ang kagustuhang pakinggan ang isa't isa at umintindi.
Maraming nangyari sa ilang araw lang na pananatili sa bahay na iyon, ngunit ngayong gabi ang pinakamalala sa lahat.
“Rose, where were you?”
Walang tugon ang kapatid na nakayuko na ngayon at pinaglalaruan ang mga daliri, tahimik na humihikbi. Tinatapunan ng tingin ang gilid ng pintuan kung nasaan ang mga paper bag na may iba't ibang logo.
“I… I’m sorry,” hikbi nito. “I didn’t mean to tell it.”
“Tell what?”
Walang tugon, o mas mabuting isiping ayaw na nitong sabihin ang itinatago. Maya-maya pa ay parehong napatingin ang magkapatid sa pintuan dahil sa mahinang paghuni ng isang pamilyar na kanta.
Mula sa pamilyar na boses.
Nagtinginan ang dalawa.
“He’s… He’s here,” bulong nito.
Napaigtad ang dalawa sa napakalakas na kalampag ng pintuan—walang tigil, walang awa sa paghampas na tumagal. Sa bawat kalabog ay awtomatikong umaatras ang kanilang mga paa hanggang sa mapasandal sa lababo. Nang tumigil ang ingay ay saka ito nagsalita, sa tono na napakagalak.
“Papa’s here.”