bc

Fangirl Noticed

book_age12+
591
FOLLOW
1.6K
READ
submissive
inspirational
popstar
sweet
bxg
lighthearted
others
childhood crush
friendship
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

"Micka! Oh my God! Tanggap tayo bilang volunteer!" Napatingin ako kay Trisha nang magsalita sya, nakatingin sya sa phone nya.

Kumabog ng sobrang lakas ang dibidib ko kasabay nang panlalaki ng mga mata ko.

Oh my God! Tanggap kami! Geez! Tanggap kami! Matutupad ko na ang pangarap ko bilang isang fangirl! Sino ba namang hindi? Hello?! Ang makita ang sariling idol naming mga fangirls and fanboys ang tanging pangarap namin.

Pag nangyare yon, pwede na talaga akong matulog ng one whole year.

Nag register kasi kaming dalawa bilang isang volunteer para sa dadating na concert ng Paint It Black dito sa pilipinas.

Geez! Napaka-swerte naman namin! Kaylangan kong mag-ayos ng maigi!

"Oh sya! Maaga tayo bukas ha? Matulog ka ng maaga para di tayo ma late! Geez! Wala pa pero kinikilig na agad ako! This is our chance Micka!"

Hindi ko sya pinansin atsaka ako nagtalukbong at nagpapapadyak.

Hindi pa rin nagpa-process sa utak ko ang lahat! Ibig sabihin ba nito makakalapit na ko sa kanila?! May chance kaya na makausap ko kahit ang isa lang sa kanila? K-Kahit... Kahit si Jaydee lang.

Posible naman di ba?

Hanggang sa di ko namalayan nakatulog na pala ako.

I am Mickaella Vergara, at dito nagsimula ang lahat.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
CHAPTER ONE Mickaella Vergara Point of View "Welcome to our newly built auditorium! We've provided you all of the words you need to say and the character attributes you need to portray for the upcoming performance. This is where we will assess your acting ability, so please do your best. Ibang section ang makakapareho nyo. So, I hope na isa puso nyo ang every line na bibigkasin nyo. Good luck, PA students!" Sambit samin ng head teacher na lalong nagpakaba sakin. Napahinga ako ng malalim. Kinakabahan ako! I closed my eyes and tried to compose and calm myself. Inisip kong mabuti ang lines ko at minemorize ko ito ng paulit-ulit. Kanina ko pa to na kabisa dahil pinagpuyatan ko talaga to kagabi pero dahil sa kaba ko, mukhang mawawala lahat ng pinaghandaan ko. Woooh! Kaya ko to! "Okay last and I hope not the least, Ms. Mickaella Vergara and Mr. Jaydee Avila." Napamulat ako. Agad akong napahawak sa dibdib ko. Geez! Ang bilis ng heartbeat ko! Tumayo na ko at pumunta sa stage. "Kinakabahan ka?" Napatingin ako sa katabi ko ngayon, yung Jaydee. Sino bang hindi? Napatango naman ako sa tanong nya, pero nagulat na lang ako nang bigla nyang hinawakan ang kamay ko at dahil sa ginawa nya halos lahat napa 'Ayiee' Shocks! Nakakahiya! Ano bang trip nya? "Stay calm. Just think of me. Imagine that you love me. You really love me. We love each other unconditionally. But we need to have a break. We need to stop our relationship. You want to stop. You're tired of everything and you just want to stop and surrender all things about us, but because I really love you, I can't. I can't lose you." At first, napakunot noo ako at halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi nya, but when I saw his eyes, that's when I realized what he really meant. That is just for the show, for our show. Nginitian nya ko kaya napangiti na rin ako. Huminga muna ako ng malalim bago nag pahatak sa kanya papuntang ginta ng stage. Nang nasa gitna na kami tumingin muna kami sa isat-isa sabay bow namin. Tama! Dapat isipin ko yung character ko! "You may start now." Binitawan na ko ni Jaydee at lumayo sya ng kaunti sakin. Biglang naging malungkot ang itsura nya. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Is this because I'm nervous o dahil na to sa epekto ng presence nya sakin? Gosh Micka! What the hell?! "Ally..." Pagtawag nya sa character name ko. Napayuko ako. Yung script ko! "Ayoko na." Bigkas ko. Lumapit sya sakin at hinawakan ang kamay ko. Ramdam ko ang lamig ng kamay ko dahil sa init ng palad nya nung hinawakan nya ko dahilan para mapalunok ako ng paulit-ulit. "W-What are you saying?! Ally I love you... Mahal na mahal kita---" Hinigit ko ang kamay ko mula sa kanya. "Pero hindi nga pwede! Ampon lang ako ng mga Cruz at si ate Aira... Sya ang totoong anak. Sya ang ipapakasal sayo. Damien mahal kita, mahal na mahal, pero minsan... Minsan hindi sapat ang pagmamahal para magsama ang dalawang tao. Wag na nating pahirapan pa ang mga sarili natin." Woooh! Ang haba nun ha! Napahinto ako at halos makalimutan ko ang iba kong line nang mapatingin ako sa kanya. Biglang tumulo ang mga luha nya. Ang galing nya! "No! I can't. You know, I can't. Ikaw ang mahal ko Ally... Ikaw lang." "Pero hindi nga pwede! Tama na. Hindi lang tayo ang masasaktan, pati yung mga pamilya natin." Hinawakan ko ang mukha nya at pinunasan ang mga luhang tumutulo galing sa mga mata nya. "Mahal kita, mahal na mahal kita." Sambit ko. Geez! Nagki-cringe na ko sa mga pinagsasabe ko. Just what the heck?! Masyadong romantic! Kinikilabutan ako! I'm not a romantic type of person. I feel this weird sensation right now towards this guy, my partner. Pero baka dahil lang yon sa pag acting namin. I stopped and literally shocked when I felt his hands encircled in my waist. Kalma Micka, it's just an act! "Sorry. Sorry kung di ko na matutupad yung mga pangako ko. Sorry kasi di kita napaglaban. Tandaan mo to'. Habang nabubuhay ako, ikaw lang ang mamahalin ko." Humiwalay sya sakin, tinitigan nya ko sabay halik sa noo ko "Paalam mahal ko." Malakas na sigawan at palakpakan ang namutawi sa buong auditorium. ••• "Both of you, that's really great and amazing performance. Kayo ang may pinakamataas na score na nakuha. Grabe, naramdaman namin ang pag arte nyo. May talent kayong dalawa. Asahan nyo na ang mataas na makukuha nyong grades mula samin." Sambit samin ng teacher. "Salamat po." Nag bow kami sabay alis nung teacher. Pag-alis nung teacher, humarap sakin si Jaydee na nakangiti tsaka nya iniabot ang kamay nya. Masyado ata syang masaya? "Jaydee Avila. Nice to meet you." Naiilang akong iniabot ang kamay ko sa kanya. "Mickaella Vergara. Nice to meet you din. Ngapala ang galing mong umarte. I'm just go with the flow lang sa way ng pag acting mo. So, thanks." Staka ko sya nginitian. Laking ambag kaya ng pag arte nya sa performance namin. "Really? Thank you. By the way, magaling ka ring umarte. Actually, kanina may mga nag-sabi na may good chemistry daw tayo pag-dating sa pag arte." Seryosong sambit nya. Dahilan para mapa-ubo ako sa sinabi nya. Geez! Wala syang preno sa pagsasalita! Shocks! Nakakailang! "T-Thanks..." Thanks? Really Micka? Saan mo nakuha yung word na thanks? He said, you both have a good chemistry then thanks?! Great Micka, just great. "Ah nga pala." May kinuha sya sa bulsa nya at iniabot ito sa akin, kinuha ko naman iyon. "Ticket yan ng band ko, Paint It Black. Hindi yan gaanong kasikat pero gusto ko sanang makita ka mamaya sa gig ko. Salamat ulit. Mauna na ko Micka. Hope to see you later, bye." Sabay alis nya. Napangiti ako sabay tingin ko ulit sa ticket na bigay ni Jaydee. 'Paint It Black' "Witwiw! Ella! Ang galing nyo kanina! Yieee kinilig talaga ako! Kinilig ka rin no? Sino ba namang hindi? Te' ang gwapo, aminin mo." Pang aasar nya na nginitian ko lang. "Teka nasan na yung kasama mo?" Sambit muli ni Jamila. Di ko namalayan na nandito na pala sila Jamila at Zhyra. May mga lahi ba tong kabute? Geez! Kung san san sumusulpot ih. "Wala na, umalis na." Tipid kong sagot sa kanila. "Agad?! Sayang naman, di manlang kayo nakapag-picture." Zhyra said sabay pout. Sya na cute. Hmp. "Pero to be honest girl, mukha talaga kayong artista kanina. Sobrang galing nyo! Tatawa na sana ako nung nakita kong tulala at pokus na pokus sa inyo si Ma'am kanina kaso syempre pinigilan ko. Hello, mas mahalaga yung grade ko no!" "Kaya nga! Tas may pa-kiss pa sa noo si kuyang pogi ha! What is his name again?" Sabi naman ni Zhyra. Yah. Same-same. How come na sa gitna ng kaba ko sa stage ay may pa unexpected scene na ginawa yung lalakeng yon? Although alam ko naman na part lang talaga yon ng pag-act namin at naka-tulong naman. "Ah basta ako ang manager nyo ha?" "Baliw. But seriously ang galing nyo!" "Well. Ano ka ba? Ako lang to." Mayabang kong sambit sabay tawa ko. "Sige na. Tara na." Pag-aaya ko sa kanila. ••• Hmmm... Ano bang dapat kong suotin? Etong black? O etong red? "Hayst. Ano ba talaga?" Halos mapa-sabunot na ko sa sarili kong buhok dahil sa stress na dala ng pag iisip ko. Irita na ko kakaisip kung ano ba talaga ang mas bagay na suotin ko para dun sa gig ni Jaydee. "Yung black, mas bagay yon." Agad akong napatingin sa pinto ng kwarto ko at halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Rusty. A-Anong ginagawa nya dito? "R-Rusty?" "Pinabibigay ni Mama oh." Sabay lapag nya sa study table ko ng plastic na may laman. "Ha? Salamat pasabi." Tumango lang naman sya sakin. Si Rusty. Boy bestfriend ko kaso ang tagal na naming di nagpapansinan. Kunwari okay lang kami para hindi na magtanong yung mga magulang namin. Sila naman ni Cassandra yung lumayo kaya wala na kong pake. Fine. Hindi sa wala na kong pake. Cause in fact, lagi ko pa rin silang iniisip. Lagi ko pa rin silang na mi-miss and swear, kahit hindi ko na sila nakaka usap... Patuloy pa rin akong nag aalala sa kanila. Huminga ako nang malalim bago ko ipinag patuloy ang pagkilos ko. Pagkatapos nyang ilapag yung dala nya ay umalis na din sya. That's what I thought. Bumalik sya. "And please, learn to lock your door." After that umalis na sya. Emotionless... Napabuga ako sa hangin. Hayst. Nakakamiss naman sila. Teka nga, anong oras na nga? Kinuha ko yung itim na oversized shirt ko tsaka ko ito itinerno sa jeans ko. Hindi naman siguro malakihang gig yun no? Okay na siguro to? "Oh mas bagay ka daw sakin." Nakangiting sambit ko sa sarili ko habang nakatapat sa salamin. Pagkabihis ko tinignan ko naman ang dala ni Rusty. Ow yung favorite food ko! Adobo! Agad akong kumuha ng plato, kutsara at tinidor. Buti na lang at may sinaing ako. Pagkatapos kumain ay nag-ayos na ko ng sarili ko, syempre with my curly hair. Atsaka ako umalis. Perfect! Ganda ko talaga! ••• Wah! Nakaka-kaba pero nakaka-excite din! Isipin mo yun? Inimbita ako ng performer. Shocks! First time ih! Entrance pa lang ng venue ang ganda na. Nakakamangha, mukhang mga yayamanin yung mga tao dito. "Hey. You came." Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglaang pagdating ni Jaydee. Wait, namamalikmata ba ko? Ang gwapo nya! "Ah... O-Oo. Salamat sa ticket ha." Nawala ang kaba ko at napalitan yon ng ngiti nang bigla kong nakita ang pagngiti nya sakin. Geez! Ang gwapo nya! Lalo na pag ngumingiti! "Wala yon. Ako naman ang nag invite sayo and I'm so thankful that you're here. Ow by the way, eto oh. Thank you gift ko sayo." Nagulat ako nang pumunta sya sa likod ko at sinuot sakin ang silver necklace. 'MJ' yung nakalagay na pendant. Ang ganda. "MJ?" "Micka and Jaydee. You like it?" I don't know pero kung ako yung tipo ng tao na hindi mabilis maka appreciate ng mga ganitong klaseng bagay ay baka na kornihan na ko sa binigay nya. Kasi ang korni naman talaga tignan. Hello? Kakakilala pa lang namin and the fact na hindi ko sya kaibigan, lalong hindi ko sya jowa. And this is kinda weird. How come na ready talaga sya para sa pagbigay sakin netong necklace? Kanina lang kami nag-act at nagkakilala pero may kwintas na agad syang nakalaan sakin. Geez, ka-touch naman. "S-Salamat." "Shall we?" Tumango naman ako sa kanya, staka nya hinawakan ang kamay ko. Pagpasok sa loob bumungad sakin ang sobrang daming manonood. "Stay here first. Balik lang ako ng backstage. Later we will start." "Ah sige." Umalis na sya. Umupo ako sa may bandang dulo. Pero kitang-kita naman mula dito sa upuan ko yung stage. Inikot ko muna ang mata ko sa paligid. Grabe ang ganda. ••• Tumahimik ang lahat nang tumapat ang ilaw sa stage at lumabas bigla si Jaydee pati na ang grupo nya. Paglabas pa lang nila ay kanya-kanya nang tilian ang mga manonood. Sinisigaw nila ang pangalan ng bawat myembro ng banda lalo na ang pangalan ni Jaydee. Karamihan ay sumisigaw ng PAINT IT BLACK. Si Jaydee pala ang vocalist nila. "Good evening. Thank you for coming." "Ang una naming song na tutugtugin ay 'Perfect' ni Ed Sheeran and I want to dedicate this song to the woman I am so grateful for. Hey Micks, thank you." Napakunot noo ako sa dalang lito sa akin ng sinabi nya, pero kalaunan ay ngumiti na lang ako. Geez. Bakit ba sobra sya kung magpasalamat sakin eh pareho lang naman kaming nag-act noong presentation? May iba pa kaya syang dahilan? I mean, nagkakilala na ba kami dati at may utang na loob sya sakin? Pero wala talaga akong maalala. Wait up. Hindi ko naman sya stalker di ba? Wala pang ilang minuto nang nagsimula na silang tumugtog. "I found a love for me Darling, just dive right in and follow my lead Well, I found a girl, beautiful and sweet Oh, I never knew you were the someone waiting for me" "Cause we were just kids when we fell in love Not knowing what it was I will not give you up this time But darling, just kiss me slow Your heart is all I own" Grabe ang bilis ng heartbeat ko! P-Para sakin daw! "And in your eyes you're holding mine Baby, I'm dancing in the dark With you between my arms Barefoot on the grass Listening to our favorite song When you said you looked a mess I whispered underneath my breath But you heard it" Habang kumakanta sya mararamdaman mo talaga! "Darling, you look perfect tonight Well, I found a woman, stronger than anyone I know She shares my dreams, I hope that someday I'll share her home I found a love to carry more than just my secrets To carry love, to carry children of our own We are still kids but we're so in love Fighting against all odds" Tapos titingin sya sakin. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko ngayon dahil sa mga tingin nya pero alam kong delikado to. For me, and for my heart. "I know we'll be alright this time Darling, just hold my hand Be my girl, I'll be your man I see my future in your eyes Baby, I'm dancing in the dark With you between my arms Barefoot on the grass" Ang lamig ng boses nya! "Listening to our favourite song When I saw you in that dress Looking so beautiful I don't deserve this Darling, you look perfect tonight Baby, I'm dancing in the dark With you between my arms" Nakakapag-taka, bakit parang naiiyak sya? "Barefoot on the grass Listening to our favorite song I have faith in what I see Now I know I have met an angel in person And she looks perfect I don't deserve this You look perfect tonight" Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang mag vibrate yung phone ko. Kuya Vince Calling.... Lumayo muna ako ng kaunti para sagutin ang tawag. "Kuya napatawag ka?" "Kaylangan ka dito sa states, now na. May ticket ka na, pina-ready ko na tas naka impake na rin yung mga gamit mo. Dalian mo na." "What?! Seriously?! At this time? Really?! Is that urgent? Kuya naman, not this time please, just this day lang... Please---" "Ella need ka nila Dad dito right now." Then he ended the call. Bastos amp. Fine may magagawa pa ba ko? Aish! I really hate him! Pagkababa ng phone tumingin muna ako sa grupo ng Paint It Black lalo na kay Jaydee. "Babalikan ko kayo." Bulong ko. Hanggang sa malakas na palakpakan ang namutawi sa loob.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.1K
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.9K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

Wife For A Year

read
70.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook