Lost
Mickaella Vegara
"Teka. San na ba kasi tayo pupunta? Dika ba napapagod? Eh parang pare-pareho lang yung dina-daanan natin oh. Baka naman kasi naliligaw na tayo?" tuloy tuloy na tanong ko ulit kay Jaydee.
And yah! I'm with Jaydee. Pagkalabas ko nang gate kanina nandun sya sa labas ina-antay daw ako. Na-badtrip pa nga kasi ang tagal ko daw. Bwiset sya!
Pagka-baba nang sasakyan, puro puno na ang nakikita ko tas idagdag mo pa nang napapaligiran kami nang madilim na paligid. Tsk! Baka naman kasi naliligaw na kami tas ayaw lang netong sabihin ni Jaydee sakin para diko sya sisihin.
Kung ganon? Huwaaah! Baka ma-stock kami dito. Tas tirahan pala to nang mga zombies?! Waaah! Edi kakainin nila yung mga lamang loob ko?! Gosh yak! Ganon kasi yung mga nababasa at napapanood ko ih. Malay mo totoo!
Pero hindi naman siguro. Edi sana kanina pa natataranta tong si Jaydee. E hindi naman. Pachill-chill nga lang sya ih.
Hayst san ba kasi kami pupunta?!
Hindi sya sumagot sa tanong ko. Tuloy lang sya sa paglalakad.
Hay! Buhay! Oo! Sige! Wala akong kausap!
Napahinto ako sa paglalakad nang may maramdaman ako.
T-teka. P-parang may kung ano sa paa ko?!
"Huwaaah! Palaka!" sigaw ko tsaka ako nagtatatakbo. "Ahh!" napa-pikit ako dahil sa pagkaka-alam kong babagsak ako.
Teka. Teka. Babagsak ako sa damuhaaan! Huwaaah!
"Are you alright?" Huwaaah! Bat ang tigas? Pero di masakit. Napa-kapa ako sa paligid dahil sa takot kong makita at maramdaman ulit yung palaka. Ehh? Bat ang tigas naman? "Hey? Are you alright?"
Napamulat ako nang marinig ko ang boses ni Jaydee. Sinalo nya ko? Waaah! Agad ko syang yinakap.
"Huwaaah! Nakita mo yon?! Sh*t! May palaka sa paa ko Jaydee" napa-pikit ako habang yakap ko sya.
Ang bilis ng heartbeat ko! Gusto kong umiyak dahil sa takot ko sa bwiset na palaka na yun. Pano kung kainin nya yung paa ko diba?! Pano?!
"Shh wala na. Okay na" mahinahong sabi ni Jaydee.
Napalayo ako sa kanya nang konti pero naka-pulupot pa rin yung braso ko sa balikat nya.
Napatingin ako sa kanya, ganon din sya sakin. Nakakunot ang mga noo nya. I don't know why but, mukha syang concern at talagang nag-aalala. Pero totoo nga ba?
Lalong bumilis ang t***k ng puso ko habang nakatitig sa kanya. Ano ba to?
Napalunok sya. Bumangon na naman sya nang mapansin nyang nagkakatitigan na kami. "Tara na"
Napa-yuko ako. Nai-ilang din ba sya gaya ko? Hayst. Akmang tatayo na rin sana ako gaya nang ginawa nya nang biglang napatumba ako. Kasabay ng pagpikit ko sa kirot na naramdaman ko sa paa ko. Hayst! Ang lampa ko kasi. Yan tuloy!
"Why?" napansin kong nakahinto na rin pala si Jaydee at nakatingin sya sakin ng direkta. Sunod ay tumingin sya sa mga paa ko.
"A-ah mauna ka na. Susunod na lang ako. Masakit yung paa ko pero mawawala din to agad---Teka! Anong ginagawa mo?!" natatarantang tanong ko sa kanya.
Bigla ba naman kasi syang lumapit sakin tas tumalikod sya tsaka nya tinap yung shoulder nya. Na-gets ko naman yung ibig nyang sabihin, kaya nga nagulat ako ihh.
"Come on. Ipapasan na kita" di ko alam kung anong sumapi sa king kaluluwa dahil literal na nag-init ang pisngi ko sa sinabi nya. Kasabay non ang lalong pag bilis ng heartbeat ko. What the heck is happening to me?!
***•••***
Nanatili ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"J-Jaydee?" tawag pansin ko sa kanya.
Kanina pa sya naglalakad habang pasan ako.
At alam kong pagod na sya. Pinagpa-pawisan na kasi sya. But I found it hot.
Shems! Seryoso. Ang hot nya tignan.
Napailing-iling ako sa inisip ko.
What the heck Ella?! Seriously?! Sa oras na to naisipan mo pang hot si---
"Hmm?" rinig kong tanong nya.
"San ba tayo pupunta?" napalunok ako nang mapansin kong halos magka-lapit na pala yung mukha namin habang pasan nya ko kaya medyo dumistansya ako.
"I don't know" simpleng sagot nya.
"Ahh--What?! Seriously?!" gulat na sabi ko.
Just what the fudge?! Dinala nya ko dito tas hindi nya naman pala alam kung san kami pupunta?!
Argh!
"The f*ck! Minimize your voice" napa-yuko ako.
"Ibaba mo na nga ako"
"No"
"Ano ba? Okay na nga ako"
"I said no."
"Isa" pagbabanta ko.
No response.
Napabuga ako sa hangin.
"Fine. Care to explain?" tanong ko na lang sa kanya.
"Plano ko sanang dalhin ka sa isa sa mga resthouse ko. Hindi alam nila Ace yon."
Napakunot-noo ako.
"Eh si Ace yung nagsabi sakin na ina-antay mo daw ako sa labas ng campus" paliwanag ko sa kanya.
"Sinabi ko lang sa kanila na ako ang magsa-sabay sayo pauwi"
Napatango-tango naman ako.
"Ahh. E anong konek non? Akala ko ba sa resthouse mo? Eh bat tayo nandito ngayon?"
"Nasiraan yung kotse ko habang tulog ka. I tried na tawagan sila Ace pero no signal. Na-isip ko na baka may matu-tuluyan tayo dito. Baka may bahay dito na pwede nating paki-usapang maki-tuloy muna. That's why we're here" mahabang paliwanag nya.
Napatango-tango ulit ako.
Mahabang katahimikan na naman ang namutawi saming dalawa.
Hanggang sa makaramdam ako nang basa galing sa taas.
Napatingala ako. Padami nang padami ang patak.
"Jaydee umaambon"
"Yah. Just wait" binilisan nya ang paglalakad.
Nanlaki ang mga mata ko nang may makita akong pwedeng makatulong samin.
Basang-basa na kami.
"Jaydee look! May bahay sa banda ron!" sabay turo ko sa madahong parte nang gubat.
Napatingin naman sya don tsaka sya nagsimulang maglakad papunta don.
Isang bahay. Maliit lang sya pero okay na rin.
Bumaba muna ako sa likod ni Jaydee tsaka ako naglakad papunta sa pinto.
Shems. Ang lamig.
Tok
Tok
Tok
"Tao po? Tao po?"
Tok---
Bumukas yung pintuan at bumungad samin ang isang gwapong lalaki.
Ka-edad ko I think.
"A-ano pong kaylangan nyo?"
"A-ahh. Pasensya na sa abala. Pero kasi naliligaw kami nang kasama ko. Hanggang sa abutan na kami nang ulan. Pwede ba kaming makituloy kahit saglit lang?" mahabang paliwanag ko.
"Ahh. Ganon ba? Sigi binibini. Pasok kayo. Nay, Tay may bisita po tayo" nakita ko sa isang kahoy na mesa ang isang matandang babae at isang matandang lalake na nagku-kwentuhan at nagtatawanan.
Napahinto sila sa pagtatawanan nang bigla nila kaming makita.
"Naku iha, iho basang-basa kayo. Halika pasok" sabi samin nang matandang babae.
"Carlo kumuha ka nang mainit na kape don" utos naman nang matandang lalaki don sa lalaking nag-bukas nang pinto samin.
"Opo tay" tsaka sya pumasok sa isang pinto na tingin ko kusina nila.
"Naku! Magkaka-sakit kayo nyan. Mamaya na kayo magkwento at magbanlaw muna kayo" sabi nang babae samin.
"Salamat po sa alok pero wala po kaming dalang damit" sagot ko naman.
"Ayy naku! Ako nang bahala don iha. O sya pano ba yan? Isa lang ang cr namin dito. Pero meron don sa labas kaso madilim na" mahabang paliwanag nung babae.
Tumingin naman ako sa katabi ko.
"Go on. Use the cr here. Ako na sa labas" sabi ni Jaydee.
Buti naman. Dahil swear. Takot ako sa madilim.
Nginitian ko na lang sya.
Tinuro sakin nang ginang yung cr.
Maliit lang yung cr pero malinis tignan.
Hinubad ko na yung uniform ko tsaka ko ito piniga. Basang-basa.
Tsaka ko kinuha yung tabo na may tubig atsaka ko ito binuhos sa sarili ko.
Hinayaan kong umagos ang tubig sa katawan ko.
Geeez! Ang lamig.
***•••***
Saktong pagtapos kong maligo ay biglang may kumatok.
"Iha?" binuksan ko nang maliit yung pinto at nakita ko si ginang na may dalang damit. "Eto. Gamitin mo muna" sabay abot nya nang damit sakin.
"Salamat po"
"Dalian mo at kakain na tayo" sabi pa nya.
***•••***
Pagka-suot ko nang bestida na bulaklakin ay lumabas na rin ako.
Above the knee yung bestida kaya di naman ako nag-mukhang manang.
Naiilang ako. Unang beses ko palang mag suot nang ganito
Nagsuklay ako nang buhok at nag-ayos nang mukha ko kaunti.
Tsaka ko napag-desisyunan na pumunta na sa hapag.
Nang makalabas ako lahat sila ay nakatingin na sakin.
Nandun na rin si Jaydee. Nakatingin sya sakin na parang gulat pero napalitan eto nang ngiti kaya medyo nailang ako.
Ginantihan ko rin sya ng ngiti bago ako tumuloy sa paglalakad.
"Aba iha! Bagay na bagay sayo yung bestida nang anak kong babae" masayang sabi nung ginang.
"S-salamat po" nahihiyang sambit ko naman.
"Aba wala yun. Halika na't maupo ka na. Nang makakain na tayo" alok nung ginang.
Katabi ko si Jaydee at nasa harap naman namin ang dalawang matanda at si Carlo.
"Kumain kayo nang marami" sabi nung ginoo.
"Salamat po" sabi namin ni Jaydee.
"Ano nga bang ginagawa nyo at napadpad kayo dito? Nag-away ba kayo? Magkasintahan ba kayo?" sunod-sunod na tanong ni ginang.
Napalunok ako.
Kami?!
Magkasintahan? Ha. Ha. Ha.
Never!