First love
Mikaella Vergara
Hayst natapos din sa mga dapat gawin. Naayos ko na rin ang mga gamit ko sa kwarto so maliligo nalang ako at matutulog!
Tok
Tok
Tok
Napa-irap ako. Padabog akong dumiretso sa pinto ng kwarto ko sabay bukas ko nang pinto.
Bumungad sakin ang gwapo este bwiset na mukha ni Ace
"Oh! Ihahatid ka ni Reinz bukas sa school na papasukan mo pero hindi ka nya masusundo sa uwian. May gig kasi kami. Eto pinabibigay ni Jaydee. Ticket yan. Mahal yan ingatan mo. Punta ka. Aantayin ka namin" sabay alis nya.
Sinara ko naman ang pinto.
Hmm. Kung ganon ang swerte ko pa rin pala! Mahal tong ticket so swerte ko nga! Ano kaya kung ibenta ko na lang to sa may gusto? Tapos mamimili nalang ako ng maraming damit at make-up!
*Tango*
*Tango*
*Tango*
Tapos magkakaroon na ko ng maraming collection ng make-up! Tas after non bibili ako ng condo at iiwan ko na sila!
Brilliant Idea Ella!
Charot lang! After all, gusto ko na rin naman ulit silang mapanood ih. But still, I hate them.
Tinignan ko yung ticket. Hmm mukhang mamahalin nga!
Tok
Tok
Tok
Lumapit ulit ako sa pinto at binuksan ko ulit ito.
Akala ko si Ace ulit pero nagulat ako na ang bumungad sakin ay ang seryosong emosyong ipanapakita ni Jaydee.
"Eto. Mga magazines, albums, movies, dramas at pictures ko. May mga pirma ko na yan"
Napatingin ako sa hawak nya.
Anong gagawin ko dyan? Ipangsisiga nya ba sakin?!
"Eh? Para san yan?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Kung sakaling magiging fan kita. Swerte mo no?" sabay abot nya sakin ng mga dala nya tas sya na rin ang nag sara ng pinto.
Pero nagulat ako ng wala pang isang segundo ng buksan nya ulit ito. "And one more thing. Goodnight and please have a sweetdreams and also don't forget to lock your door for your safety young girl" sabi nya sabay kindat staka sya umalis.
Halos mapatulala ako sa ginawa nya.
What the hell?!
Umupo ako sa kama ko at isa isang tinignan ang mga pictures nya. Hmm bat ba ang gwapo nya talaga?
Meron syang pic sa magazines na half n***d! Just what the heck?! Ang gwapo! Ang hot!
Inakap ko ang pictures nya tsaka ako nag pagulong gulong sa kama ko.Waaa! OMG! ang gwapo nya!
Napa upo ako.
Teka ano ba tong ginagawa ko? Hoooh! Ang init! Bat pinag papawisan ako?! Ang init ng pisngi ko. Wah! Ano ba tong nangyayare sakin?! Hey Micka hinga!
Eto kasing si Jaydee ih!
Sa bagay in the first place I'm one of your fan eversince. Dati lang pinasasalamatan mo pa ako tas ngayon isa nako sa mga fans mo? Sa mga fans nyo?
Hayst. Okay ng hindi mo alam kung sino ako. Wala ka rin namang pake. At wala na rin dapat akong pake. Years past and lets just move on.
***•••***
Maaga akong gumising para magluto ng makakain namin. Alam nyo na, para di ako mapagalitan ng may-ari ng bahay.
"Hmm. Ang bango" unang bumaba si Razzel
"Wow. First time tayong hindi nag pa- deliver sa umaga ha" sumunod naman si Reinz.
"Mukhang masarap yan ha" Vixen said ng makababa sya.
''Tsk. Solve na ko sa thankyou. Tama na ang pagpuri. Lets eat" pag-aaya ko sa kanila.
Nasanay din kasi ako sa states na kami ni Mama ang naghahanda ng pagkain namin.
"Oo nga. Sure ako mamaya pa magigising sila Ace at DJ. As always" sambit ni Razzel.
Napatango naman ako.
Nagsimula naman na kaming kumain.
"Grabe! Ang sarap talaga pag lutong bahay" masayang sabi ni Vixen.
"Mag-asawa kana kasi para lagi tayong makaka-kain ng lutong bahay" sagot sa kanya ni Razzel
"Loko ka ginawa mo pang personal chef yung future wife ko!" pikon na sigaw naman sa kanya ni Vixen.
Natawa naman kami ni Reinz sa inasal nilang dalawa.
"Ah Ella bilisan mo na dyan at ihahatid pa kita" bulong ni Reinz na katabi ko ngayon
"Teka wala ba kayong pasok?" tanong ko sa kanila.
Umiling-iling naman sila.
"Actually nag-aaral nga kami pero home study. Every thursday yon" sagot naman ni Razzel.
Ahh so nag ho-home study pala sila.
Nganaman. Kasi kung hindi malamang pinagkaguluhan na sila.
***•••***
Bumaba na ko pag tas kong mag-ayos ng sarili ko.
Dapat nga I ba-bond ko yung buhok ko gaya ng ginagawa ko dati kaso naalala ko rebonded pala yung buhok ko.
Bagong rebond, baka masira lang.
Atsaka bat parang masyado namang maikli yung palda ko. Ano to? Korean lang?
"Wow ang ganda mo naman sa uniform mo Ella" bigkas ni Vixen ng makababa ako.
"Anong mganda dyan? Eh ang ikli nga oh" nagulat ako sa pagka-irita ni Reinz.
"Haysst kahit kelan talaga ang gentle man mo eh noh? Ano ka ba? Natural lang yan sa mga nag aaral. Being fashionista ang trend ngayon" asar naman sa kanya ni Razzel
"Teka. Aalis ka na?"
Sabay-sabay kaming napatingin sa hagdan ng biglang sumulpot sila Ace at Jaydee
"Obvious ba? Bat ba kasi ang aga nyo? Nakakahiya nga ih baka nagising namin kayo. Psh! Anyways, may food dyan. Kumain na muna kayo at aalis na rin naman kami ni Reinz"
"Malay ko ba na ganito pala kayo kaaga" pag-dadahilan ni Jaydee.
Hindi ko na sya pinansin at dumiretso na ko sa may gilid ng sofa at may cabinet don. Binuksan ko yun at kinuha ko ang red cap ko. Bigay to sakin ni Rusty nung naglalakad kami sa initan noon.
Hayst. How I miss him. My Boy bestfriend.
"Ano yan? Magdadala ka nyan?" tanong sakin ni Jaydee.
Pagka-suot ko ng cap tumango ako sa kanya.
"Oo. Kasi diba sabi nyo di ako masusundo ni Reinz mamayang uwian? Maaga akong uuwi mga after ng second or third subject uuwi na ko. Dadalhin ko to para di masyadong mainit sa byahe" paliwanag ko sa kanila.
Lumapit naman sakin si Reinz.
"Edi susunduin na lang kita tutal maaga ka naman palang uuwi" umiling-iling naman ako.
"No need na. Gamitin nyo nalang yung free time nyo para makapag pahinga at makapag ready sa gig nyo" ngumiti ako sa kanila "Tsaka sure ako dadating don yung mga fans nyo. Asahan nyo pupunta ako don"
"Siguraduhin mo lang. Mahal kaya yung ticket mo" sabay ngisi ni Jaydee.
"Oo nga. VIP pa yan. Ang swerte mo talaga. VIP yan para Makita mo agad kami" sabi naman ni Razzel
"You know what guys, you always keep on saying that I'm so swerte, as if I am" I said sabay irap ko.
"Tsk you really lucky young girl and I bet pag napanood mo kami mamaya magiging one of my fans na kita" pag-yayabang ni Vixen
"Wow fan mo talaga ha" pang-aasar naman ni Razzel kay Vixen
"Kapal neto ni Vixen. Maniniwala pako kung si Jaydee o Ace o kay Reinz yun ih. Kaso ikaw? Ang labo. Wag mong igaya si Ella sa mga nagiging fans mo. Ampapanget!" dagdag pa ni Razzel
"That's enough. Mauuna na kami. Late na masyado" sabay atak sakin ni Reinz.
"Oh ikaw ng bahala sa Ella natin ha!" sigaw ni Razzel.
Ella natin? Wow ha! After what happened last night. Kung gano nila ako pahirapan at pikonin? Ella NATIN pala ha!
"Tsk! Crazy!" sigaw ko naman sa kanila.
"Ingat kayo" sigaw nila samin.
***•••***
"Isa to sa mga sasakyan ko. Yung pinaka luma yung pinili ko para hindi agaw pansin. Alam mo na, sikat tong kasama mo eh" napatingin ako sa katabi kong si Reinz na kasalukuyang nagmamaneho.
"Di mo naman kaylangang gawin to ih. Pwede naman akong mag commute nalang" tinanggal ko muna ang suot kong cap at nilagay ko to sa bag ko.
"It's Jaydee's rule" tsaka ulit sya nag focus sa pagmamaneho
"Masyado nyo syang sinusunod. Takot ba kayo sa kanya?"
Ngumiti naman sya sakin ng matamis.
"Hindi sa takot. Tawag don, respeto. He's our leader and as a member dapat lang na respetuhin namin sya"
"Ahh" napatango-tango nalang ako
''By the way hindi na ko makakasama sa pagbaba mo dito ha. You know why"
Tumango-tango naman ako "I understand"
"Hmm. By the way, do you have any friends here in the Philippines?"
Napalunok ako sabay tingin ko ulit sa bintana. I can say na friends ko rin sila Jamila at Zhyra pero iba talaga yung pinag samahan namin nila Rusty at Cassy. They are my childhood bestfriends.
"I had, they left" doon nako natahimik.
Lumayo sila. Iniwan nila ako without any reasons or words left.
"Then where they are?" tanong ulit ni Reinz
"I don't know. Siguro sa lugar na wala ako at masaya sila" I said without even looking at him.
I don't know kung bat ang gaan lang sa pakiramdam na magkwento kay Reinz ng mga bagag-bagay about myself kahit kahapon lang kami nag-kakilala.
"I don't think so. You're a kind person Ella" napatingin ako sa kanya.
"How can you say that? Kakakilala palang natin kahapon tas parang siguradong-sigurado ka nang kind ako?" I asked him.
Napangiti sya pero diretso parin ang tingin nya sa minamaneho nya.
"You trusted us, even though hindi mo kami kilala. You choose to trust than to judge. Alam kong may condo ka dito sa pilipinas, yung dati mo daw na tinitirhan. Pwede kang tumira don but still, pinagkatiwalaan mo ang kuya mo lalo na kami. Pwede mo kaming layasan at iwan don pero tiniis mo lahat ng pang-iinis at ugali namin sayo. Inaccept mo yung ugali namin. Inaccept mo kami. No wonder. You belong to a kind family Ella. We're blessed to have you and your family" napangiti ako sa sinabi nya.
Ang sincere ng pagkakasabi nya.
Nakaka-overwhelmed na ganon pala ang tingin nya sakin at sa pamilya ko "Ella. I don't know why but you look so familiar. Nagkita na ba tayo before?"
Ha? Namumukhaan nya ko? Kelan? Nung dati na inaya ako ni Jaydee sa gig nila? Impossible. Kay Jaydee lang ako nakatingin non tas madilim pa.
"I don't think so" sabay ngiti ko.
"Ah ganon ba? Teka alam mo na ba kung san ka mag aaral?" tanong sakin ni Reinz. Napangiti ako.
"Ofcourse! Eto yung hiniling ko kay kuya na school. My old school where my unforgettable memories built" napangiti ako ng maalala ko yung mga memories ko sa school ko before.
"Yah so here we are. You know what dito rin nag-aral si DJ dati ih. Next time may iku-kwento ako sayo tungkol sa naging first love nya dyan"
Napalunok ako. First love?
Napansin ko na nandito na pala kami. I missed this place. Humarap ako kay Reinz.
"Thankyou sa paghatid. Goodluck sainyo mamaya. Nandun ako bilang no.1 fan nyo ha? Babush!"
Bababa na dapat ako ng pigilan nya ko.
"Study well. Enjoy your day. Hope to see you later as my no.1 fan"
Pffft! Isa rin pala to! Parang si Vixen lang.
Kumindat ako kay Reinz "Don't worry. I am your no.1 fan. I am the no.1 fan of Paint it Black. Babye ulit!" sabay ngiti nya sakin tsaka na ko umalis.
Hayst. Something will change as I came to their life and they came to my life.
But I will surely accept what will happen next.