bc

Call Boys Series 1: Before It Ends (Free-to-Read | Filipino | On-going)

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
dark
forbidden
one-night stand
family
friends to lovers
independent
drama
tragedy
bxb
bisexual
lighthearted
serious
office/work place
prostitute
naive
civilian
like
intro-logo
Blurb

(This is a BL Story) If love finds you right before the end... would you still choose it? Twenty five years old and gay Danny thought he had all the time in the world. But everything changes when he's diagnosed with leukemia. Sa pangungulit ng matalik niyang kaibigang si Karla na sulitin ang buhay bago pa mahuli ang lahat, Danny steps into a world he's always been afraid of such as bars, hookups, and reckless nights. And that's where he accidentally meets Erwin, a call boy who has long stopped believing in love and carries scars from a tragic past. What starts as a one-night desperate attempt to experience his first taste of intimacy turns into something deeper that he never saw coming. But time is ticking and so his life. Pipiliin pa rin ba ni Danny ang magmahal... kahit alam niyang may hangganan na?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"I'm so sorry to have to share this news with you, Mr. Bautista. But your test results indicate that you have leukemia. We'll need to run some additional tests to determine the specific type and stage, but I want to assure you that we'll do everything we can to support you through this. We'll discuss treatment options, which may include chemotherapy, targeted chemotherapy, or other approaches..." Nakatulala si Danny sa loob ng kanyang apartment habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isipan niya ang sinabi ng doktor tatlong araw na ang nakararaan. Hindi niya maunawaan kung paanong sa isang iglap, nabaligtad ang takbo ng buhay niya. May sakit siya. Leukemia. Sabi ng doctor ay hindi pa raw alam ng mga ito kung anong klaseng leukemia ang meron siya. May kaba at takot na namumuo sa dibdib niya, pero pilit niyang kinakapitan ang pag-asang hindi ganoon kalala ang sakit na meron siya. Dahil kung malala man, mananalangin siya sa Diyos na huwag muna siyang mamatay. Dalawampu’t limang taong gulang pa lang siya, pero pasan na niya ang responsibilidad ng isang buong pamilya. Bilang panganay, siya ang sumasalo sa lahat ng gastusin sa bahay ng magulang at pag-aaral ng dalawa niyang kapatid. Masasabing isa siyang breadwinner dahil kaya niyang isakripisyo ang lahat ng pangarap niya para lang sa kanyang pamilya. Ang ina niya ay kakarampot lang ang kinikita sa paglalabada. Ang ama naman niya, na noo’y isang mangingisda, ay hindi na makapaglaot dahil sa katandaan nito. Siya pa itong nakatapos ng pag-aaral at nagtatrabaho ng marangya kaya kailangan pa niyang mabuhay para sa kanyang pamilya. Bukod doon, ayaw rin niyang mamatay na virgin. Ayaw niyang mamatay nang hindi pa nararanasan mahalin ng isang lalaki. Oo—bakla si Danny. At hindi niya iyon kailanman itinago. His name is Daniel "Danny" Bautista. Danny for short. Kitang-kita sa kilos at pananalita niya ang kulay-bahaghari niyang pagkatao at hindi niya ikinahihiya iyon. Kahit na isang ganap na bakla si Danny, he always feels respected as an individual lalo na sa kanyang tinatrabahuang kumpanya. Team Leader siya sa isang kilalang call center na pinagtatrabahuan. Sa office, kinikilala siya bilang isang respetadong tao, mahusay mamuno, at laging nangunguna ang team niya sa sales. Laging pak na pak ang natatanggap niyang awards dahil sa sobrang galing niya sa trabaho. Pero tila biglang nagbago ang maliwanag na buhay niya nang malaman na mayroon pala siyang cancer sa dugo. Halos maubos na ang luha niya kakaiyak buong araw. Kaya ngayong gabi, ang pagtitig na lang sa kisame ng kanyang apartment ang kaya niyang gawin. Nag-aalala rin siya. Ni isa kasi ay wala pang nakakaalam sa kanyang sakit, maliban na lang sa matalik niyang kaibigang beki na si Karla—na Carlo sa totoong pangalan. Isa itong transgender woman at kasamahan niya sa trabaho. Sinubukang alisin ni Danny sa kanyang isipan ang masamang balita. Ngunit hindi niya magawa. Mabuti na lang, biglang may kumatok sa pinto ng kanyang apartment. Sumisigaw ang nasa labas nito. Sa boses pa lang ay alam niyang si Karla iyon. Namamaga ang mga mata niyang bumangon mula sa kama, tinahak ang maliit na sala, at binuksan ang pinto. Bumungad kaagad sa kanya ang seksing-seksi na kaibigang si Karla. Nakapanlakad ito ng pananamit at may dala itong isang supot na naglalaman ng pagkain. "Bakla ka," bungad sa kanya ni Karla. Nakataas ang isang kilay nito. Hindi na napigilan ni Danny na umiyak sa harapan ng kaibigan at napayakap na siya rito. Parang automatic na yumakap na rin si Karla sa kanya upang damayan ito dahil alam niya ang pinagdadaanan ng kaibigan. Sinubukan niyang patahanin ito at unti-unti namang tumahimik sa pag-iyak si Danny hanggang sa nagpupunas na lang ito ng kanyang luha. "Dinalhan kita ng pagkain, Baks. Chat ako nang chat sa 'yo pero wala kang reply," pagrereklamo ni Karla nang makapasok na silang dalawa sa apartment ni Danny. "Sorry. Ang dami ko lang iniisip," humihingos na tugon naman ni Danny. Nilagay ni Karla ang dala-dala niyang supot na pagkain at hinarap ang kaibigan. "Tatlong araw, Bakla. Sa tatlong araw na iyon, nag-iisip ka lang?" Kahit na alam ni Danny na biro lang iyon, tumango siya bilang sagot. “May leukemia raw ako. Ano bang ine-expect mong gawin ko—mag-party?” Bumewang si Karla nang muli siyang kaharapin nito. “Hindi naman sa gano'n. Pero 'wag ka naman masyadong nega, Bakla. As far as I know, nagagamot na ang leukemia ngayon. Kaya may chance ka pa para mabuhay." "Hindi tayo sure. What if malalang leukemia 'tong meron ako, Baks? What if maliit lang 'yong chance na mabuhay ako? Ano'ng gagawin ko?" Ngumiwi si Karla sa sinabi ni Danny sa kanya. Naroon sa dibdib nito ang awa sa matalik na kaibigan. “Eh, ‘di wala ka nang matitikmang tite kung mamamatay ka, bakla ka talaga," pagbibiro ni Karla sa kanya. Hindi na nagulat si Danny sa sinabi nito kasi kilalang-kilala na niya si Karla. Walang preno ang bibig nito lalo na sa kabastusan. Pero dahil kumportable na sila sa isa't isa, parang wala na kay Danny iyon. Kung hindi nga lang siya nag-aalala sa kanyang sakit ay baka malakas pa ang tawa niya sa sinabi nito. Kahit na ganoon, nagawa pa rin niyang matawa sa kabastusang-biro nito. Sinabayan naman ito ni Karla kaya natawa na lang din siya kahit na tumutulo pa rin ang kanyang mga luha. "Bwiset ka talaga, Bakla!" nasabi na lang niya habang naluluha sa kakatawa. "Alam mo, kumain ka na lang. May dala akong pagkain dito. Pagkatapos mong kumain, mag-prepare ka diyan at may lakad tayo," sabi ni Karla. "Saan na naman ang rampa mo, Baks?" tanong ni Danny habang inaalis niya ang pagkain sa loob ng supot. "Friday night ngayon, hello. Magba-bar tayo." "Ha?" "Ano'ng 'Ha'? Isasama kita sa bar ngayon.” Nang makita siya nitong hindi sang-ayon sa gusto, agad itong nagsalita. “Ano, patuloy ka lang magmumukmok dito sa apartment mo at iisipin kung kailan ka mamamatay? Kung malala na talaga ang leukemia mo, dapat piliin mong maging masaya sa natitirang araw mo rito sa mundo. And if you're dying na talaga, at least die with glitter. Saka... gusto mo makatikim ng tite, 'di ba? May irereto ako sa iyo." "Bakla naman, kumakain ako," saway ni Danny habang ngumunguya ng pagkain. "At saka ayoko sa ganyan ‘no. Alam mo namang ayokong sumubok, 'di ba? Hindi ko gawain ang mga gawain mo, bakla ka." "Sus! Bumi-virgin ka lang, eh. Pero sa totoo lang, kidding aside, need mong magsaya, Baks. Mamaya mo na isipin ang sakit mo. Magsaya ka muna, okay? Ayokong nai-stress ka. Besides, gwapo at malaki ang notabels ang machu-chupa mo tonight. 'Di ba, gusto mo 'yon?" pumapalakpak pa nitong saad sa kanya. "Ikaw lang ang may gusto no'n. Hindi ako!" Halos mabali na ang ulo ni Danny dahil sa pagtanggi niya sa pagi-imbita sa kanya ni Karla. Ang totoo, ayaw niya talaga. Ayaw niyang pumasok sa ganyang kalakaran ng mga bakla—'yong naghahanap ng lalaki na pwede nilang mauwi sa lodge at magbayad para sa panandaliang saya. Ayaw niya ng ganoon, kahit alam niyang walang taong naniniwala sa kanya na hindi niya gawain ang ginagawa ng malandi niyang kaibigan. Natatakot kasi siya. Nababahala siya kasi marami nang nagkakaroon ng sakit na HIV dahil sa ganyang kalakaran. Ngunit naroon pa rin sa kanyang isipan ang pagnanais na gawin iyon. Tao lang siya. Masisisi ba niya ang kanyang sarili kung nauuhaw din siyang makipagtalik sa kapwa lalaki? Noong una ay meron siyang nakilalang lalaki sa bar na pinakilala sa kanya ni Karla. Ngunit tumutol siya nang bigla siya nitong hilain sa CR upang doon gumawa ng kababalaghan. Nanlamig ang buong katawan niya nang pilitin siya ng lalaki na makipagtalik. Pakiramdam niya ay hindi iyon tama. Hindi niya iyon gusto. Hindi rin iyon ligtas. Dahil sa malakas na pagtutol niya sa lalaki, muntik siyang makatikim ng sakit sa katawan nito. Mabuti na lang at malakas niyang naitulak ang lalaki. Natumba ito nang dahil sa kalasingan at kaagad siyang tumakbo papunta sa table ng mga kasama niya. Hingal na hingal siya nang makabalik, pero pagdating niya ay wala na roon ang mga kasama. Nasa dance floor na ang mga ito't nagsasayaw kasama ang iba't ibang lalaki. Nakita pa niya si Karla na may kahalikan sa dance floor. Hindi alintana sa dalawa ang ginagawang kalaswaan kahit maraming tao na mukhang walang pake sa dalawa. Imbes na humingi ng tulong sa kaibigan, binale-wala iyon ni Danny, kasi pagtingin niya sa kanyang pinanggalingan ay nakita niya ang lalaking gustong humalay sa kanya. Naisipan niyang lumabas ng club. Tumakbo siya nang makalabas. Hindi niya napansin na may lubak na semento sa kanyang paroroonan kaya bigla siyang natapilok. Natanggal ang suot niyang salamin at biglang lumabo ang kanyang paningin. Mabuti na lang may isang lalaking tinulungan siyang makatayo. Nahanap nito ang salamin niya at dali-daling ibinigay ito sa kanya. Hindi na niya napansin pa ang lalaking tumulong sa kanya dahil mabilis siyang tumakbo nang makitang lumabas sa club ang lalaking gustong humalay sa kanya. Tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa makasakay siya ng taxi papauwi sa kanyang apartment. Matapos ang masamang bangungot na iyon, naipangako niya sa sarili na hindi na niya uulitin ang gusto ni Karla. Apat na buwan na ang nakakalipas nang mangyari iyon, pero nilihim lang ni Danny ang nangyari sa kaibigan. Kapag kinuwento niya kasi ito, alam niyang bibiruin lang siya nito. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang makipag-make out sa iba’t ibang lalaking pinapakilala sa kanya ni Karla. Dahil baka mauna pa siyang mamatay sa panununtok ng mga ito kaysa sa malubhang sakit na meron siya ngayon. Pero kung tutuusin, sumagi rin sa isip ni Danny na may point si Karla. May sakit siya. At wala siyang kasiguraduhan kung hanggang kailan na lamang siya mabubuhay. Nakaka-stress kung patuloy siyang magmumukmok sa kanyang apartment at iisipin kung ano ang mangyayari sa buhay niya na sa gayong may leukemia pala siya. Baka magsisi siya dahil hindi niya na-experience na magsaya. Napailing na lamang si Danny habang tumatakbo ang kanyang isipan kasabay ng pagsubo ng kanyang pagkain. Hindi na niya naririnig pa ang mga sinasabi ni Karla. At kahit na ayaw ng kanyang sarili na sumama sa kaibigan, wala siyang nagawa kundi sumama na lamang dito. Dala-dala niya sa kanyang dibdib ang kanina pang kaba, galit, at pangamba na gusto niya ring maalis muna pansamantala.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
38.2K
bc

NINONG

read
394.0K
bc

NINONG II

read
652.2K
bc

Ang lihim ni Prof [SSPG]

read
22.8K
bc

NINONG III

read
423.7K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
56.7K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
322.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook