CHAPTER 8.1

1001 Words
CHAPTER 8: Mga Galawan  “Oh, ano? Sige, lalaban ka pa ba!?” Matapos kong pabaksakin ang apat na 'to ay kinuha ko ang school bag ko na nasa lupa at bago ko pa masuot ito ay ramdam kong tumatayo na naman ang isa sa kanila.  K*ngina naman, male-late na talaga ako ne'to. Binabalak talaga akong suntukin ng isang 'to kaya inunahan ko na siya.  “Hindi ba kayo titigil? Ang lakas din ng loob niyo ano!? Gusto ko lang sabihing mali kayo ng kinakalaban. Sige, una na ako sa inyo. Pagaling kayo ha!” Bitbit ang bag ko sa ay nagsimula na akong maglakad. Mabuti nga at sa second road ako dumaan. Kahit kailan walang pinagbago ang lugar dito. Maraming tao at maraming tindahan sa gilid, parang may fiesta lang araw-araw. Dito maganda makigulo at paniguradong magsasawa ang lahat.  “H-hoy! Tumigil ka b-babae...”  Napahinto ako sa aking paglalakad at hinarap ulit silang apat. Pareho pala silang nakatayo na ngayon. Huwag nilang sabihin na lalaban pa sila sa ganoong itsura. Haynaku! Ang mga 'to talaga!  “Ano naman ba mga, pare. Sinabi ng wala akong pera–”  “Humanda ka, parating na mga kasama namin.”  Wow, kapal naman ng mga 'to. Tumawag pa nga ng back up.  “Kayong apat baka gusto niyo lumpuin ko kayo? Oh, ano? Deal ba?”  Mahirap na at baka sakaling totoo nga ang mga sinasabi ng mga 'to na parating na mga kasama nila. Male-late na ako! Jusmiyo, ano na naman kaya ang gagawin kong palusot.  “Ahh, nandito lang pala kayo. Asan na daw ang kinolekta niyo, hinahanap na ni boss. Malilintikan talaga kayo mamaya!”  Hanggang ngayon wala pa rin akong maisip na palusot para mamaya. Umupo muna ako rito sa bandang may puno at pinagmamasdan ang mga kakarating na kasamang sinasabi ng apat kanina. Hindi pala mga kasama nila kundi isang kasama lang.  Grabe, confident nila kanina. Pero effective natakot nila ako, akala ko talaga mga isang daang porsyento ang darating. Isang butil ng bigas lang pala. “Wala kaming nakolekta dahil sa babaeng ‘yon oh...”  “Makakarating 'to kay boss. Hindi na kayo nadala puro na lang kayo pambabae pero hmmm...maayos kayo pumili ha..” sabi niya at tiningnan ako ng nakakadiri.  “H-huwag kang lumapit dyan, ibang klase! Lalaki ata niya eh tas nagpa-retoke–” “Hoy! Transgender tawag don! Maka retoke ka dyan akala mo naman retokada ako baka ipagkalat mo pa..”  Pero teka.. transgender ba tawag don.. Oo, 'yong parang nagparetoke. Ayy, iba nga sabi nga retoke sa transgender. Kahit kelan nahahawa ako sa kabobohan ng apat na 'yon kanina.  “Tama, na nga! Dami niyo satsat. Akin na 'yong pera ako na bibigay kay boss."  “Ano, hindi p'wede. Magmamagaling ka na naman. Kami ang nangolekta nito kanina...” Nakakarindi naman sila pakinggan. Ano bang ginagawa ko pa dito? Akala ko talaga may away pa, recess break na lang ako papasok mamaya.  Ano kaya p'wedeng gawin ngayon? Nakita ko naman na parang nag-aaway na ang dalawa sa kanila. Ang lakas din kasi makagago ng bagong dumating. Sipsip daw masyado sa boss nila. T-teka ba't ba ako nangingialam sa problema nila? Epekto nga naman kapag walang gagawin. May naisip tuloy ako. “Ano ba 'yang ginagawa nyo!?" Tumayo ako at lumapit sa kanila.  “Kayong dalawa d'yan na walang ginagawa, tabi muna kayo. Doon muna kayo sa gilid mga baby boy...baby damulag na walang ambag. Joke lang naman nagbibiro lang ako,” natatawang sabi ko sa dalawa.  Ayaw pa nilang sumunod sa akin kaya umaktong susugurin sila. Agad naman silang tumabi at ang dalawa natira ay nagtatalo pa rin at hawak-hawak pareho sa kanilang kamay ang pera na nakolekta raw.  Humarap ako at pinatigil muna sila. Dapat hindi masira ang iniisip ko na mangyayaring maganda ngayon.  “T-teka, muna kayo dalawa...” Hindi pa nabuo ang sasabihin ko ng sumabat sila.  “Ayaw ibigay ng isang 'to ang pera pero maghintay ka lang dyan miss beautiful sumama ka sa akin...”  “Hindi ko ibibigay ang pera na 'to, kami ang nangolekta–” “Baka gusto mo malintikan kay boss? Sasabihin ko wala kayong ginagawa kundi–” “Mas malilintikan kami kung nasayo ang pera na 'to–” “Tumigil muna kayo! Pinapa-stress niyo ko ah! Hindi na kayo nakakatuwa, ganto gawin natin!” panimula ko pero nagsalita naman sila.  Naubos ang pasensya ko sa dalawang 'to. Miyembro ba talaga sila ng g**g? O, baka budol g**g? Ay, basta pareho lang naman na g**g 'yon.  Sinuntok ko sila dalawa para tumigil sila at makinig sa akin. Biro lang. Ngayon, nakaupo na ako rito sa may ilalim ng puno. Kulang na lang ng popcorn kaso di mautusan ang dalawang walang ginagawa.  “Ano ba yan! Tumayo ka! Hindi pa tapos ang laban! Isa! dalawa, ako mismo ang tatapos sa'yo pag hindi ka tumayo!” malakas na sigaw ko at sabay tawa. Natakot siguro siya kaya mabilis na tumayo. Hindi naman ako nakakatakot. Sabi ko talaga may mangyayaring maganda rito.  “Hoy! Ikaw, kaliwain mo siya! T-tapakan mo ang paa niya tas kagatin mo 'yong kamay sabay balibag sa–” Napatigil ako wala sa oras na makarinig ng mga ingay na paparating dito.  Hindi ako nagkakamali, base sa yapak ng mga paa at ingay na nililikha nila ay siguradong nasa sampung katao sila o mahigit pa.  Mabilis naman akong tumayo at lumapit sa dalawa para itigil na ang laban nila na hindi nakakatuwa.  “Game over na! Times out! Itigil nyo na ‘yan,” nagmamadali kong sabi.  “Ako ang panalo akin na 'yong pera–”  “Woohh, nandito pala kayo! Inunahan niyo kami, mga kasama kilos na!”  Napaatras na lang ako nang makita ang nasa sampung katao. Kilala ko 'to, nakalaban to sila dati nila Ginno.  Kailangan ko ng umalis. Hindi maganda 'to! “Nasa babaeng ‘yan ang pera, kunin niyo sa kaniya! Malaki-laki rin ang perang 'yon, aabot ng one million!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD