CHAPTER 8.2: Continuation
“Hoy! T-teka, anong sabi mo? Wala sa akin ah! Hintayin niyo ko, hoy! Bumalik kayo!–”
“Namumukhaan kita...” Nanlaki naman ang mata ko at agad na yumuko.
“‘Yong iba habulin ang mga tumakbo!”
A-ano bang ginagawa ko? Magpapakamatay ba ako? T-teka iniwan na ako ng mga lokong 'yon–
Bago pa makakilos ang iba na habulin ang mga kumag na ‘yon ay tumakbo na rin ako ng mabilis. Alam kong hindi ‘to papalampasin nila Kuya Ginro at mas lalo na ako. Sa tuwing iniisip ko ang p'wedeng mangyari mas nagiging mabilis ang takbo ko.
“Habulin sila!!!!”
Gaya nga ng inakala malakas din sila. Mas binilisan ko pa ang aking mga paa at masaya ako dahil maaabutan ko na ang apat na nauna.
“A-ang b-bilis– Hintayin mo kami–!!”
“Hoy, babae. H-huwag mo kaming iwan...”
“Nasa kaniya ang pera hindi niya binigay, dapat abutan natin siya...”
Huminto ako ng medyo malayo na ako sa kanila. Natatanaw ko sila at pinagtaka ko kung nasaan na ang mga...
“W-wala na ba sila?” tanong ng isa sa apat nang makarating sila kung saan ako huminto.
“Ang yayabang naman ng mga 'yon! Eh, hindi naman nila tayo kayang abutan.”
“Hoy, ikaw babae. Hindi ka namin kakampi, ibigay mo na ang pera at baka maabutan tayo nila.”
Kanina pa niya ako tinatawag na babae, nakakarindi na masyado. Wala naman akong balak na kunin 'tong nakolekta nila pero bago ko ibigay 'to dapat may makuha ako kahit 70% ng pera dito. 70%? Magkano kaya ang 70%?
“Akala niyo ha! Pero magaling kayo, ang bibilis niyo tumakbo.."
Pareho kaming apat nanlaki ang mga mata. Naabutan nila kami. H-hindi ako p'wede mapa-away sa kanila. A-alam ko na..
“Ohh, saan ka pupunta miss?” Napaatras na lang ako nang salubungin ako ng iba sa kanan. Pero sigurado? Dito sila dumaan, paano sila nagkasya lahat...
“W-wala kaming kasalanan, pakawalan niyo na kami,” pakikiusap ng apat na 'to.
“Hindi p'wede! Ang iba simulan na!" Masayang sigaw ng walang damit na lalaki.
“H-hello, sa inyo. Teka muna, babae ako kaya–”
“Hindi patas ‘yon..kasama namin ‘tong babae kaya simulan niyo na! Hindi kami natatakot sa inyo!”
“Oo, tama! Sekretarya namin ‘to siya ang taga hawak ng pera.”
“Halah, hindi ah! Huwag kayo maniwala m-mga sinungaling yan si–”
“Kita niyo naman nasa kamay niya ang pera, siya talaga tagahawak niyan eh. Pati naalala niyo ba ibibigay na sana namin ang pera sa inyo pero siya ang may ayaw.”
Napakamot ako sa ulo ko. Ang daldal ng mga ‘to. Hindi man lang sila marunong magpaka-gentleman, pero dapat makaisip ako ng ibang paraan.
“Oo, tama! Kaya wala kaming kasalanan, wala naman kaming ginawa sa inyo ha. Ang yayabang niyo–”
Pareho namang nagulat ang tatlo sa sinabi ng kasama nila. Sabay pa nila itong binatukan.
“Oh! ‘Di ba? Itong mga ‘to kasi kanina pa nila sinasabi sa akin na ang yayabang niyo kahit hindi naman,” panimula kong sabi. “Ang po-pogi niyo kaya tas ang ganda ng mga katawan. Ayiee.. in-love na ata ako sa inyo lahat.”
Binigay ko na ang lahat ng best ko para sa galawan na ‘to. Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa pisngi ko at nagpa-cute sa kanila sabay kisap-kisap ko rin sa aking mga mata.
Napatigil ako sa aking ginagawa nang may naglagay ng braso sa leeg ko.
“Huwag kayo lalapit kundi sasaktan namin ‘tong babae,” sabay na sabi ng apat at tumawa.
Ang bilis din nila makaisip pero hindi ko maiwasan ang tumawa sa isipan ko. Kahit kailan hindi nag-iisip ang mga ‘to!
“T-tutulungan niyo ako, parang awa niyo na. A-aray nasasakal a-ako–” nagmamakaawa kong sabi.
“Bitawan niyo siya! Ang babae hindi sinasaktan–”
Mabilis naman akong binitiwan at nagsitakbuhan sila pero nagsibalikan ulit sa pwesto ko.
Napaupo ako sa tabi at tinitingnan ang laban na nagaganap. Kung akala ng apat na ‘yon ay tutulungan ko sila, nagkakamali sila.
Akala nila kung sino sila mga malalakas kanina.
“Sige, tapusin niyo na ‘yan! Sa kabila! Sikmuraan niyo. Tama ganyan nga!” Mag-enjoy muna ako tas tatakas na.
“M-maawa ka n-naman...” Woohh..nagulat ako ng sobrang lakas ng pakakatilapon niya dito sa direksyon ko. Ako na lang ang tatapos sa isang ‘to.
Napatayo ako at agad na lumapit sa kaniya. Bigla na lang siyang parang nawalan ng malay. Teka, bu-buhay pa ba siya?
“Hoy, tumayo ka d'yan! Itutuloy ko ang pagtapos ng buhay mo kung h-hindi ka...” Hindi ko maramdaman ang pulso niya.
Nakita ko ang tatlo na patuloy pa ring sinisipa.
“Hoy! Itigil niyo na ‘yan! A-ano ba sabing tama na ‘yannnnn! Ayaw niyong tumigil ha!!”
Mas tumitirik ang araw at pagsabay noon ang pagbibigay ng mga tuhod ko. Wala na akong maramdamang lakas sa katawan ko. Matutulog na muna ako dito kasama ang apat na tukmol na ‘to, patay na ba ang isa sa kanila? ‘Wag naman sana, at paniguradong masasangkot pa ako sa pagkamatay ng mga ‘to!
Pero alam ko rin mga galawan namang 'to e. Malalagot talaga ako kina Ginno, pagnalaman nila 'to. Hindi ko naman kasi sinasadya. Oo, tama hindi ko sinasadya kong natamaan sila ng suntok ko e, iba naman kalaban ko.
Nakapikit na ang mga mata ko at tinitiis ang init ng araw. May narinig akong mga ingay sa apat na tong kasama ko.
Siguro, may lakas na sila kaya naisipan na nilang mag-ingay. Mas mabuti na ngang umalis na sila, kamalasan ang hatid ng mga ‘to. Mga mahihina sila na umaasa lang sa pangongolekta ng buwis sa mga nagtitinda. Ang iba sa kanila ay mga walang modo at namimilit pang manghingi ng pera kahit wala ng maibigay ang mga nagtitinda.
Akala ko sa bandang highway centre lang ang mga tulad nila. Mga wala tamad magtrabaho ang mga ‘to!