CHAPTER 23

1499 Words
CHAPTER 23: Let's Spy “H-Hannah, p’wede ba ako sumama sa ‘yo mamaya? Sige na kasi pupuntahan ko lang naman si Maki…” Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para tumigil sya. Minadali ko ng kopyahin ang activity na pinagawa sa amin ni ma’am. Mabuti na nga lang ay okay na pakiramdam ni Aki aba’y kung hindi kanino kaya ako mangongopya nito. “H-Hannah, nakikinig ka ba?” Siniko niya pa ako kaya mas binilisan ko na lang ang pagsusulat at ng maibalik ko na ang notebook niya. “Saglit lang malapit na ako matapos..” asta ko sa kanya ng sikuhin niya ako ulit. Kung hindi pa rin siya titigil ay baka mabatukan ko na siya. Bago pa makapasok ulit si ma’am sa room namin ay naibalik ko na agad kay Aki ang notebook niya. “H-hannah, gutom na ako may p-pera..” “Nagmumukha ba akong may pera ah? Kanina ka pa ang ingay mo, una na ako sa parking lot doon ko na lang hintayin si Andrei.” Kung hanggang nga’yon ay wala siyang balak sabihin o ikwento ang nangyari ay hindi ko siya papansinin. Kung hindi lang talaga kailangan kanina ay hindi ko talaga siya kakausapin. “Ito na sasabihin ko na. Hannah! Hintay sasabihin ko na!” Bigla akong lumingon sa kanya at nagpumewang sa harap niya. “Bilis na kasi, Aki..” naiinis sa singhal ko sa kanya. Para siyang batang kumag kung umakto nga’yon at isali pa ang mga pasa niya sa mukha para tuloy siyang pulubi o ginahasa. “Bukas ko na lang sasabihin, Hannah. Gusto ko sana sumabay sa inyo pag-uwi, okay lang ba?” may halong lungkot na tanong niya. Gusto ko man maawa sa kaniya pero hindi p’wede kasi alam kong hindi nya talaga sasabihin ang nangyari kanina lalo kapag pinapaboran ko siya. Napa pandyak na lang ako dahil sa inis. Bakit ba kasi binanggit pa ni Karl na may kinalaman raw ako sa nanagyari kay Aki, ayan tuloy parang gusto ko siya patayin ng maaga. Isa pa ‘tong si Aki ayaw pang sabihin kung ano ang totoo at kung ano ang kinalaman ko. Kung papayag ako na sumabay sya sa amin ni Andrei pero hindi p’wede kasi dederetso kami sa warehouse or sa bahay nila Ginno. Alam ko din naman na gusto niya lang din sumama kasi ay ewan ko ba. Tigas pa rin ng ulo niya sabing hindi siya p’wedeng sumali sa grupo nila Ginno na walang kwenta. ***************** “Hindi na ako hahanapin ni Andrei mamaya. Sa laki at dami ng sinulat mo Aki siguradong mababasa niya ‘yon.” Napairap ako ng wala pala siya sa tabi ko. Haysst ito na lang si bato ang kakausapin ko. “Okay na, Hannah pinaalam ko na rin kay yaya na hindi lang ako muna ako magpapasundo.” Tinago niya ang cellphone niya sa bag at may bigla akong napansin na parang familliar pero hindi ko na lang iyon inintindi. Gamit naman siguro ‘yon ni Aki kaya hindi ako p’wedeng mangialam. “Tara na baka makita pa tayo na Andrei dito.” Kinalabit ko na siya at mabilis a luamabas sa parking lot. “Doon, Hannah bilis!” Hinila niya ako sabay tago sa likod ng puno. Masyado siyang maarte. Bakit ba kasi ayaw niya pang sabihin? Agad akong sumilip sa kinaroroonan ng naririnig kong ingay. Huwag niyang sabihin isa sa mga grupo ang nangbugbog sa kaniya, kung sakaling gano’n hindi ako p’wedeng makialam lalong lalo na uuwi na si Kuya Ginro. Apat na lalaki ang lumabas at namumukhaan ko sila. Tama sila ‘yong pilit na may hinihingi sa isang estudyante. Ano nga pangalan n’on? “Naalala mo pa ba ‘yong si Lawrence na tinulungan natin noon? Silang apat ‘yon na pinagtulungan siya-” Oo si Lawrence nga ‘yon naalala ko na pero ano naman ang kinalaman ng mga bumugbog sa kanya? “Madali naman akong kausap, Aki sabihin mo lang kung sila rin ba ‘yong bumogbog sa ‘yo at susugurin ko na sila. Humanda sila! Lulumpuin ko sila kung sakali man..” Napatigil naman ako ng bigla niya akong siniko. Pansin ko rin kanina niya pa ako sinisikuhan. “H-Hindi naman kasi gano’n, makinig ka muna sa akin..” “Ehh, ang hirap mo kausap bahala ka nga d’yan susugurin ko na sila. Manood ka rito, Aki kung ano ang gagawin ko sa kanila.” Akmang lalabas na ako rito sa piangtataguan namin pero biglang may dumating na naka uniporme. Namukhaan ko siya. “H-hindi ko kasi alam kung ano ba ang lagi nilang hinihingi kay Lawrence kaya lumapit ako sa kanila rito kaninang umaga,” paninimula niya pero bigla na akong sumabat. “Lumapit ka sa mga ‘yan para lang do’n? Aki naman ba’t hindi ka nag-iisip, eh malamang isang suntok nila sa ‘yo tumba ka agad!” naiinis na singhal ko sa kanya. “Huwag ka muna maingay-” Pareho kaming tumahimik ni Aki na marinig ang ingay na nagmumula do’n sa mga lalaking tinutukoy niya kanina. Wala namang binatbat ang mga ‘yon no’ng inupakan ko. “Hannah, tingnan mo bilis kung ano ‘yong inabot ni Lawrence sa kanila.” “Ewan ko sa ‘yo! Pera yon malamang, matagal ko na ‘yong alam tsaka hindi ba alam mo na rin ‘yon?” Nagkamot naman siyang ulo sabay ngiti ng pilit. ************** Dumidilim na kailangan ko ng umuwi. Paniguradong mapapagalitan ako ni Andrei at baka masuntok pa ako ng isang ‘yon. “Bilisan niyo naman kasi maglakad.” Humarap ako sa kanila at simaan ng tingin si Aki. Hindi ko alam kung bakit parang sobrang nag-aalala siya kay lawrence. Ang hirap na nga ng sitwasyon niya tapos pinapalala niya pa. Alam kong may mga bagay na hindi sinasabi ni Aki sa akin. Nahahalata ko naman ‘yon noon pa siguro simula no’ng sumama siya sa akin na mag cutting class at pinipilit niyang sumali sa grupo nila Ginno ay parang nag kanda leche-leche na. “H-Hannah..baka naman kasi may balak kang tulungan ako..” “Akin na nga,” naiinis at labag sa kalooban kong sabi. Ngumisi lang naman siya at nauna nang maglakad. Puro pasa na naman siya pero bago ko pinagmasdan ang mga sugat at pasa na natamo niya ay tiningnan ko ulit ang name tag niya, hindi naman sa sinisigurado ko kung si Lawrence nga ‘to pero hindi ko alam kung bakit inuna ko talagang tingnan ang pangalan niya. “Ang lalim ng iniisip mo, Hannah p’wede mo sabihin sa akin kung ano man ‘yon.” Nagbibiro ba siya? Kita niya naman na nahihirapan ako dito sa pag-alalay kay Lawrence. Kung mag-kaibigan na silang dalawa eh sana labas na ako dito sa kung anuman ang problema ni Lawrence. “Saan mo balak idala ang isang ‘to, Aki? Kailangan ko ng umuwi baka masuntok ako ni Andrei,” may halong biro kung sabi. “Sa warehouse niyo-” Bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay pinahinto ko na siya. “Hindi p’wede do’n, Aki. Alam mo naman na darating na si Kuya Ginro. Ako na naman ang malalagot–” “Iiwan na lang natin siya do’n sa may bridge tapos takbo na tayo kung makatulog na siya.” Hindi ko maintindihan ang sinabi niya pero ang gusto niya iwan namin kung saan itong si Lawrence. Sabay naman kaming tumawa ni Aki sa naisip naming plano pero sa huli hindi namin ginawa. Ikinuwento ni Aki sa aking kung bakit niya laging binabantayan si Lawrence. Sabi niya pa nagdududa raw siya na nagbebenta nga ng drugs si Lawrence, nabatukan ko pa siya sa wala sa oras. Sa tingin ko ang layo naman ng mga hinala ni Aki, hindi naman mukhang naghihirap itong si Lawrene sa pera. Oo, nga pala manghihirap pala si Mat ng pera sa akin. Magtatago na lang ako at sa gano’n hindi ako ang mahihiraman niya ng pera. “Maaga naman akong nagigising kaya mapupuntahan ko agad siya rito, Hannah.” “Okay, basta aalis na ako. Ikaw na ang bahala Aki!” Mabilis akong nagpa-alam kay Aki at umalis na rin ako. Kakaiba ang mga kinikilos ni Aki kaya alam kong seryoso ang mga pinagsasabi nya. Spy daw siya at kung makahanap siya ng ebidensya tungkol kay Lawrence ay ipapaalam niya raw agad ito sa mga pulis. Nakakaawa tuloy siya bakit niya naman gagawin ‘yon? Akala ko pa naman no’ng una ay nag-alala siya kay Lawrence tapos gano’n lang pala. Alam kong nagbibiro lang si Aki pero kusang gumagalawa ang mga paa ko at hinahanap ang apat na kumag kanina na nanbugbog kay Lawrence at maging sa kanya rin. Na-cu-curios rin tuloy ako kung ano ba ang balak ng mga tukmol na ‘yon. Matatawa kaya si Aki kapag nalaman niyang nagiging spy na rin ako. Ano ‘yon spicy foods? Pero basta spy na. “Hoy! Mga babaeng maingay may kilala ba kayong Han-Han ang pangalan!?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD