CHAPTER 22: Aki and Karl
Hindi man lang nila ako sinabihan. Nakaka-inis naman, pero sa totoo dapat si Maki ang mas late. Hindi naman ako late ah, maaga kaya kami dumating ni Andrei dito.
Ang daya lang at iniba nila ang rules. But still okay lang naman. Hindi p'wede kung si Maki ang makakatanggap ng punishment.
“Si Maki ang wala rito,” announce ni Kit.
Lumapit naman sa kaniya si Karl at sinabi ang nangyari kanina.
“Okay. Hindi absent si Maki nagkaroon ng emergency kanina kaya sinamahan niyang dalhin sa malapit na clinic ang pinsan niya. Si Hannah naman ay kanina pa raw dumating kasama si Andrei ang kaso ay hindi man lang siya nakatapak o nakatungtong sa mismong harapan ng pintuan.” Mahabang lintaya ni Kit.
“At ang mas malala pa ay wala man lang naitulong si Hannah," dagdag niya pa.
Feeling ko tuloy may galit siya sa akin. Hindi ko naman siya inaano.
“Bakit si Karl nga din hindi tumulong ah,” reklamo ko.
“Mas nauna siyang pumasok sa 'yo dito sa loob at may pinulot siyang mga pako na nagkakalat.”
Napairap na lang ako at masamang tinignan si Karl.
“S-Sorry, Hannah. Hehe..” sagot niya.
“Pero nakakapagod kaya magbit-bit ng meryenda niyo alam mo 'yon!?” sarcastic na tanong ko kay Kit.
“'Wag ka na magreklamo dyan. P'wede mo naman ilagay 'yon dito sa loob,” naiinis na sagot ni Fed.
Akala ko pa naman kakampihan niya ako. Kanina pa siya nakatayo at nakikinig sa usapan namin tapos sasabat siya na wala namang ambag sa akin.
“Hannah, ikaw nga nagbitbit ng meryenda namin kaso tingnan mo 'tong tinapay oh, parang sinuntok ng sampung katao,” natatawang sambit ni Jet.
“Oo nga naman!” suwestiyon din ng iba.
“Punishment kay Hannah, siya ang maglilinis ng warehouse for 1 week!” sigaw ng kung sino.
“Hanep kayo! Edi, sana tinapon ko kanina 'yang kinakain niyo nga'yon. Galing pa ako sa bahay sa pagbitbit niyan tapos mapapagalitan pa kami mamaya ni Tita. Wala kayong awa sa akin.”
Hindi ko na sila pinakinggan at nag-walk out na lang. Lumapit ako sa tabi ni Brad habang kumakain. Hindi man lang ba niya ako tutulungan?
Sinulyapan ko si Andrei at ang loko busy sa pakikipag-usap kay Ginno. Itong si Ginno naman walang pinagbago lagi pa ring late. Hindi ko naman kasalanan kung sobrang tagal niya.
Ang unfair bakit kaya okay lang sa kanila na hindi tumulong si Ginno sa paglilinis at pag-aayos ng mga gamit dito. Isusumbong ko sila lahat kay Kuya Ginro.
“Bakit?” tanong ko kay Brad ng siniko niya ako.
Inalok niya ako ng kinakain niya pero umiling lang ako. Hindi naman kasi pagkain ang kailangan ko. Mukhang pinagtri-trip-an nila ako lalo na darating na si Kuya Ginro.
“Lahat naman may punishment na matatanggap hindi lang ikaw, pakikuha ako ng juice.”
Hindi ko naman hinihingi ang opinyon niya. Pinagsisihan ko tuloy kung bat pa ako lumapit sa kaniya nautusan pa tuloy ako.
Tumayo na lang ako at kumuha ng juice malapit kina Andrei. Kanina pa sila may patatawa-tawang dalawa. Anno! Forever na ba?
>AN-drei/ ginNO = Anno!
Nasalo agad ni Brad ang hinagis kong juice sa kaniya. Bumalik ako at umupo ulit sa tabi niya. Halahh, bago ko makalimutan same sila ng birthday ni kuya Ginro.
“B-Brad sa pagkakaalam ko same kayo ng birthday ni Kuya Ginro 'di ba?”
“'Wag mo akong tawaging brad at hindi kami magkapareho ng birthday ni Kuya Ginro,” seryosong sagot niya.
Kanina lang na parang gusto niya makipagkulitan tapos ngayon bigla na lang siya magseseryoso.
Hindi ko na lang siya pinansin pa at nauna ng lumabas ng warehouse. 7 na ng umaga kaya sunod-sunod din ang paglabas ng iba galing sa loob ng warehouse.
Kinalabit naman ako ni Andrei na kakalabas lang din kasama si Ginno. Napasapo ako sa ulo ng makita ang itsura niya. Hindi man lang pala siya naligo ng pumunta rito.
“Tara na!” sambit ni Andrei at nagsimula ng maglakad.
“H-Hindi papasok si Ginno?” tanong ko naman at hinabol siya.
“Susunduin nila si Kuya Ginro mamaya.”
“Ayaw mo sumama? Lahat naman tayo bibigyan daw ng punishment e–”
“May long quizze kami today,” maikli niyang sagot.
Tumahimik na lang ako at hindi na nagtanong pa. Pinagmasdan ko ang iba na naglalakad rin. Sa ditong gawing dereksyon rin sila. Ay, tama uuwi na nga pala si Kuya Ginro kaya dapat lang na pumasok na sila.
Nga'yon ko lang din ulit nakita ang iba. So, hindi sila um-absent nitong araw, takot lang? Gaya ng narinig ko kay Kit no'ng nakaraan ay nasa 21 na lang ata silang lahat ewan ko lang kung sinali ba nila kami ni Maki.
“Hannah!” Napatigil kami pareho ni Andrei ng may tumawag sa pangalan ko.
Gusto ko tuloy magtago o magsumbong na lang kay Andrei pero nakita niya na ako. Napasapo na lang ako sa ulo ng sumenyas siya. Mabuti na rin at kasama ko si Andrei.
Nagkunwari akong hindi siya maintindihan at sumenyas ng pabalik. Saan ba naman kasi ako kukuha ng 1k?
Mag-isa na lang ako ngayon sa dinadaanan ko. Mabuti na rin at hindi nagtanong si Andrei kung ano ang nangyari kay Aki. Hindi naman kasi sila p'wedeng makialam.
Kahit man ayokong puntahan sila ni Maki ay wala akong magagawa. Parang gusto ko na lang umiwas sa kanila. Kasalanan ko na naman ba? Nakakapagod na.
Una si Maki tapos ngayon si Akiro, sana naman walang kinalaman ang mga g**g ng kaibigan ni Kuya Ginro, iyong mga parang langgam sa sobrang dami na palaboy-laboy sa kanto.
Hinahanap ko ang sinabing clinic ni Karl kung nasaan sila Maki pero hindi ko mahanap. Naglalakad sa bandang dulo pero ang tabing tao.
Third-road to rito kaya dapat walang masyadong tao. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nalaman ko na may mga nagsusugal pala do'n at nagsasabong ng mga manok. Gusto ko sanang sumali pero wala naman akong pera pang pusta.
T-teka ito na ang tamang paraan para mapahiram ko ng pera si Mat. Tama! Mukhang masaya 'to.
Lumapit ako sa mamang nagtitinda ng balot. Akala ko ordinaryong nagbebenta lang siya pero nabigla ako ng sumigaw siya ng malakas kasabay din ng ibang nandito.
“Panalo na ang pula!” sigaw niya pa.
Napatakip na lang ako ng tenga. Kaya pala dito sila para iwas sila sa huli. 2000 pa naman ang multa kapag nahuli. Isumbong ko kaya tong mga 'to paniguradong may iiwan na pera rito kung sakaling magtakbuhan sila.
“Manong isang balot nga.” Tinakpan ko ang ilong ko ng bugahan niya ako ng usok ng sigarilyo niya.
Ang yabang niya naman. Kala mo mananalo manok niya.
“Hawakan mo muna,” utos niya sa akin at inabot ang itim na manok nya.
May patay ba ba't pareho silang naka-itim? Nilugay niya ang kaniyang buhok at tinali ito ng maayos. Bihira lang ang tulad niyang babaeng sumasali sa mga ganto pero ngayon ko lang din napansin na marami siyang kasamang mga babae rin.
Ang iba ay kasama pa ng mga asawa nila. Mga babae nga naman oh.
Nang matapos siyang kumain ng balot ay inabot ko na sa kaniya ang manok niya. Dinasalan ko pa 'yon ng kamalasan. Hindi man lang nya ako pinahiram ng pera kahit bente lang sana.
“Panoorin mo muna kung paano makipaglaban ang baby ko,” ma-angas na sabi niya at hinalikan pa ang manok niya.
Nakakawa naman may pa-baby pa siyang nalalaman tapos kung matalo paniguradong sa kalaha ang deretso ng manok niya.
Tumango na lang ako at sumunod sa kaniya. Sali na lang ako sa pustahan kahit wala akong pera, ramdam ko ang swerte ko ngayon at siguradong mananalo ako.
Nang magsimula ang unang round ay sumigaw na ako ng malakas.
“Sa itim o sa pula!? Malamang sa itim!” sigaw ko.
Nagsigawan naman sila pero hindi na ako nakaabot pa sa gitna ng laban ng may kumalabit sa akin.
“Anong ginagawa mo?” tanong niya.
Ngumiti na lang ako ng pilit at hinila siya. “Saan ba 'yong clinic na sinasabi mo?”
“Sinabi ko naman sa 'yo kapag may makita kang nagsasabog kumaliwa ka, tara dito ang daan.”
“H-Hindi ka ba papasok?”
“Pupuntahan ko muna si Maki. Pinaalam ulit ni Ginno na dapat lahat pumasok nga'yon at walang a-absent,” paliwanag niya.
“Talaga? E, paano ako o si Maki? Kailangan naming bantayan si Akiro. Hindi mo ba sinabi sa kaniya kung ano ang nangyari sa pinsan ni Maki?”
Binilisan ako ang paglakad at sumabay sa kaniya. “Hindi naman malala ang mga sugat ni Akiro ba 'yon? Siguro, nahilo lang siya at nawalan ng malay.”
Binatukan ko siya at tiningnan ng masama. “Anong nahilo? Nagsuntukan pa sila ni Maki tapos may kung sino pa ang dumagdag ng mga pasa niya sa mukha. Ano 'yon hindi malala?”
“Huwag mo naman akong batukan, Hannah. 'Yong jacket ko hindi mo pa sinasauli regalo pa naman 'yon ng girlfriend ko.”
Binatukan ko siya ulit sa sinabi niya. “At kailan ka pa nagkaroon ng girlfriend? Crush mo na hindi ka nga gusto.”
“Huwag mo na pag-usapan 'yan. Pero totoo sa kaniya ang jacket na 'yon.”
“Sige, isasauli ko na lang bukas. Tara na at baka tumakas pa si Aki, hindi pa naman sanay 'yon kapag na la-late.”
Naiwan ko nga pala ang jacket niya do'n sa kotse ni Andrei baka nabulok na 'yon doon.
“T-Teka! Karl, hintayin mo ako!” Mabilis akong tumakbo para maabutan siya.
“Hannah, nakikita mo ba 'yang kulay blue na–”
“Oo, nakikita ko nasa harapan nga lang natin eh!”
“Ikaw na bahala kay Aki, sabihin mo sa akin Hannah kung sino ang may gawa no'n sa kaniya kung sakaling gising na siya. Mauna na ako.”
“Hoy! Saglit lang. Karl–”
“Una na ako baka ako pa ang maabutan ni Kuya Ginro ako pa ang unang malalagot. Haha sige!” Tumawa pa nga siya ng malakas at mabilis na tumakbo paalis.
Totoong mabait si Karl kaya dapat hindi na ako magtaka pa kung ano man ang sinabi niya kanina. Pero teka, sa pagkakaalam ko first time nya ata makita si Aki or kaya first time niyang makausap?
Hindi naman nakapagsalita si Aki kanina no'ng lumapit sa kaniya si Karl ah.