CHAPTER 21.2

1077 Words
CHAPTER 21.2: Preparation “Hannah, 1000 lang naman 'yon eh!” sabi ni Mat. “1000!? Sigurado ka!?” nagtatakang tanong ko. “W-Wala naman akong utang kina Garry ah..” “Sabi sa 'yo daw eh! Hannah! Sige na, ngayon nga lang..1000 lang naman.” Huhu..saan naman kaya ako kukuha ng 1000 aber? Wala nga akong pera kahit ni piso. 1000 pa kaya!? Ang laki ng katawan niya tas dakilang mangungutang ang isang 'to. Ako pa niloko nila Garry. “M-Magkano na ba utang mo kay Andrei?” tanong ko. Ngumiti siya ng pilit at umupo sa tabi ko. “Nahihiya na nga ako kay Andrei eh, pero ayaw ko rin um-absent nga'yon.” May palungkot-lungkot pa siya sa boses niya, alam ko naman ang mga galawan ng isang ‘to. 18 years old a lang siya tas ang dami ng utang. Paniguradong sa sugalan siya mamatay. “Manghiram ka na lang kay Ginno," sagot ko sa kaniya. Kay Ginno pa nga. “Pinahiram kaya kita ng 50 pesos no'ng nakaraan 'di ba? Bayaran mo muna 'yon tas papautangin kita ulit.” “Wala ka ngang pera paano mo ko papautangin. Sige na, Hannah. Alam mo naman na kapag deal ay deal eh," pagpupumilit niya sa akin. Parang ako pa tuloy ang may kasalanan sa pustahan nila. “Sabi kasi nila Sonny ikaw ang huling pupunta rito, paniguradong tulog ka pa raw. Tapos dagdag pa ni Garry mga alas syete ka na raw nagigising at kakain na lang daw,” paliwanag niya. “Kaya ang ginawa ko sabi ko pustahan kami. Pinagmalaki at pinagtanggol kaya kita sa kanila na hindi ka tamad at maaga kang gumigising.” Napairap na lang ako sa mga sinasabi niya. Hanep naman, paano ko ba siya tatanggihan kapag ganto siya. Tas nagpa-pa cute pa siya. Nagmumukha siyang panda na malapit ng bawian ng buhay. “Hoy! Mat, Hannah, paupo-upo lang kayo dito sa labas. Tumulong naman kayo! Ikaw naman Jet, bilisan mo maglakad. Late ka na nga tapos mas mabilis pa si pagong sa 'yo! Ayaw niyo lang tumulong lagot kayo kay Ginno!” Ang aga-aga nanenermon si Kit. “Sige, Hannah! Salamat, hintayin ko hanggang mamayang hapon ah!" Tumakbo na siya papalapit kay Kit. Napasapo na lang ako sa ulo ko. Saan naman kaya ako maghahanap ng 1000, nito? “Hoy! Hannah!" Sigaw na naman ni Kit. Kainis naman, nag-iisip pa nga ako kung saan kukuha ng 1000 eh. Ibenta ko na lang kaya kidney ni Kit. “Hinihintay ko pa si Ginno! Tutulong naman ako,” sagot ko sa kanya. “Nagdadahilan ka pa, ililista ko pangalan mo!” Hindi na ako nakapagsalita pa kasi pumasok na siya sa loob. Bakit naman kaya mainit ang ulo no'n. “H-Hannah! Hinihintay mo ko no?” Lumingon naman ako sa kararating lang. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Lumayo naman agad ako sa kaniya at binatukan siya gamit ang bag ni Andrei na puno ng pagkain. Ay, pagkain pala ang laman nito. Imbes na si Maki ang bugbugin ko ay itong pagkain ang mabubog-bog. Tumigil ako at pinagmasdan siya. “S-Sinuntok ako ni Aki, ang sakit..” “Gago ka ba!? Si Aki? Susuntukin ka!? Kalokohan mo, napaaway ka naman no.” Nagkamot pa siya sa ulo niya at ngumisi. “Si Aki kasi lagi akong niyaya na magsuntukan raw kami,” panimula niya at tumawa pa. Ano naman kaya ang nakakatawa don? “Hannah, alam mo bang bugbog sirado siya sa akin. Ako pa ang hinahamon niya eh si Kuya Ginro kaya master ko.” Napairap na lang ako nang naging puro kayabangan na ang mga sinasabi niya. May band aid siya malapit sa kanang mata at malapit din sa labi niya. May benda rin ang kanang kamay niya. Imposible naman kung si Aki ang may gawa no'n. “Lagi niya akong niyaya na magsuntukan tapos gusto niya pa na ako ang maging master niya. Ayaw mo raw kasi na sumali siya sa dito kaya ako na lang daw ang tututol pero alam mo Hannah, sa tuwing magseseryoso ako at tatakutin ko siya ay bigla na lang siyang nadududwag. Nakakatawa 'di ba? Inamin niya rin na ako ang pinakamalakas makipaglaban sa buong mundo.” Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi niya.Pero kung totoo nga nagsuntukan silang dalawa ano naman kaya itsura ni Aki. Hindi naman imposible kung magsuntukan sila e, lagi namang yumayaya si Aki magsuntukan kasi gusto niyang sumali sa grupo nila Ginno. Patuloy pa rin sa pagkukwento si Maki. Tumango-tango na lang ako sa puro kayabangan na sinasabi niya. “Hannah!” Pareho kaming lumingon sa kung saan nanggaling ang boses na 'yon. Hindi naman ako nagkakamali at siya nga. Bago pa siya makalapit sa amin ay tiningnan ko ng masama si Maki. “H-Hannah, hindi ko alam kung paano niya ako nasundan pero promise sinusubukan kong ligawin ang dadaanan niya kaya nga late ako e..” Ngumuso pa siya at ngumiti ng pilit. Nagpa-cute pa siya at nagkamot ng ulo. Wala naman akong pake kung sundan siya ni Aki pero ang itsura niya na puro pasa ay hindi ko matatanggap. Hindi pa rin tama ang ginawa niya, siguro dahil hindi marunong makipagsuntukan si Aki ay magpapakitang gilas na siya. “H-Hannah, hindi gano'n. W-Wala akong alam sa itsura niya ngayon. Promise…” “Nagpapayabang ka kanina na bugbog sirado si Aki sa laban niyo 'di ba? Nga'yon ako naman ang–” “H-Hannah, hihintayin kita rito sabay na tayo pumasok sa school!” sigaw ni Aki. Nasa malayo siya at walang balak na lumapit. Pero kitang-kita ko ang mga pasa niya sa mukha at nahihirapan maglakad. So, binalak niya talagang lumpuin si Aki. Binitawan ko ang bag ni Andrei at humarap kay Maki. Tinaas ko pa ang manggas ng jacket ko. “H-H-Hannah, hindi gano'n. Wala akong ginagawa sa kaniya. Ako pa nga ang nabubog niya kahapon, siya dapat suntukin mo hindi ako…” Ramdam ko ang takot niya pero wala naman akong balak na ituloy ang gagawin ko. Mas bata pa rin si Maki pero siguro kahit limang suntok lang sa ginawa niya kay Aki ay okay na. Lumapit na ako kay Maki at hahawakan na sana kwelyo niya pero pareho kaming nabigla sa nangyari. “Gumising ka! Ba't bigla ka na lang natumba!?” Sigaw iyon ni Karl na mukhang kararating lang din. “A-Aki!” sabay naman na sigaw namin ni Maki at mabilis na lumapit sa kinaroroonan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD