CHAPTER 21.1: Preparation
“Ano na!? Matagal ka pa ba d'yan!?” sigaw ko mula rito sa labas ng banyo.
Sumasakit na ang pantog ko, ano bang ginagawa niya at bakit sobrang tagal niyang lumabas.
“Nagbibihis pa ako!” sagot niya.
Napailing na lang ako at humiga ulit sa kama. Gusto ko na tuloy umiyak, nanatiling nakahawak ako sa tiyan ko.
Nang lumabas siya ay mabilis ako pumasok sa banyo. Nakahinga na tuloy ako ng maluwag.
“Bilis na sabi," bulong niya sa akin at akmang itutulak na ako mula rito sa bintana.
“Ang daya mo! Ba't ako ang mauuna?” reklamo ko sa kaniya.
Napakamot lang siya sa ulo niya at may kinuha. Inabot niya sa akin ang flashlight.
Wala na akong nagawa, naiinis kong kinuha 'yon. Sinuot ko na lang rin ang black jacket ko.
“Gawin mo project ko tsaka assignment ko sa science at math ah..” Tumango siya at tinulak ako.
Napahawak naman agad ako sa kurtina at bago ako tumalon mula rito sa bintana ay sinipa ko siya.
Narinig ko ang pag-aray niya at tumalon na rin mula sa bintana ng kwarto namin. Sana hindi magising si Tita at tiyak na malalagot kami.
“H-Hannah, bilisan mo nga maglakad.” Inutusan niya pa akong bilisan ang lakad ko, hanep ang galing niya rin ano.
“Kung ikaw kaya magbit-bit ng bag mo,” sarcastic kong sagot.
Nang-iinis talaga siya. Ako pa pinabitbit niya nitong bag niya na sobrang bigat. Ewan ko ba kung ano ang laman nito, siguro puro bato ang laman ng bag niya.
“Si Aki na utusan mo sa assignments at projects mo, akin na yang bag ko.”
Mabilis akong tumakbo at hinabol siya. “Andrei, naman hindi mabiro.”
“Huwag kasi puro reklamo, okay?”
Ngumiti na lang ako ng pilit sa sinabi niya at sabay tango. Mainit pala ang ulo niya simula kanina. Lalo na siguro sila Ginno.
Alas tres pa lang ng madaling araw at nandito na kami sa labas, naglalakad papunta sa warehouse. Hindi naman ako kasali sa g**g o grupo na sinasabi nila pero ba't pati ako madadamay?
Kaya dapat siguro maging mabait ako at sundin ang ipag-uutos ni Andrei para kung sakaling may punishment rin ako ay paniguradong siya ang tutubos sa akin.
“Hannah, ang bagal mo rin maglakad.”
“Huh? Andrei n-nasaan ka?” Narinig kong may sinabi siya pero hindi ko siya makita rito sa daan.
Lumiliwanag na ang langit kaya kahit papaano hindi sobrang dilim kaso hindi ko siya makita.
“A-Andrei, nasan ka?” tanong ko.
“Nasa likuran mo! Tumalikod ka, Hannah!”
“Andrei!” Tumakbo ako kung saan nagmumula ang boses niya.
Lumingon-lingon rin ako sa likuran ko at sa paligid. “A-Andrei, 'wag mo ko takutin.”
“Hannah, nandito ako. Sa kaliwa, sa kanan, sa likuran mo pero ang totoo nandito ako sa harap mo lang mismo–”
“Tumigil ka nga! Hindi naman ako takot no, mauna na ako sa'yo!” Hindi ko na lang siya pinansin. Alam ko naman na tinatakot niya lang ako.
“H-Hindi d'yan ang daan, nandito ako sa likuran mo, Hannah..” natatawang sabi niya.
Pinagtri-trip-an talaga ako ng loko, hayop. Naririnig ko ang boses niya sa likuran ko kaya wala na akong nagawa kundi lumingon.
Paglingon ko pagsabay din no'n ang paggalaw ko sa paa ko. Kahit hindi ko alam kung nasaan niya ay umaktong akong may sisipain at ayun nga sapol.
“A-Aray ko!” Tumawa naman ako ng malakas sa pag daing niya.
“Ako pa tinakot mo ano, hanep! Kala mo siguro bobo ako!” ma-angas na sabi ko sa kaniya.
Ganyan naman ang ginagawa niya dati. Kapag sinusundot niya ako ay uupo sa siya at parang tatago tas ako naman na tanga noon ay natatakot kasi hindi ko siya makita, e gabi naman kasi malay ko ba kung nakaupo lang siya sa likuran ko.
Nakarating na kami sa warehouse at mula rito sa labas ay naririnig namin ang ingay. Tinotoo talaga nila ang sinabing plano ni Ginno.
“Andrei, ikaw na magbit-bit nitong bag mo oh!” Tiningnan niya lang ako ng masama.
“Bahala ka! Iiwan ko 'to rito sa labas!” dagdag ko pa.
“Kapag 'yan nalaman nila, hindi ka lang sa akin malilintikan ah!” pananakot niya.
“Tutulong ako no, ano gusto mo bitbit ko 'to? Bahala ka! Baka ako pa isumbong ng mga kumag kung hindi ako tumulong,” paliwanag ko.
“Sige na nga, hintayin mo na lang si Gin dito sa labas tapos ilagay mo sa kotse niya yan.” Tumango ako sa sagot niya at ngumiti.
Nauna na siyang pumasok sa loob. Nanatili ako rito sa labas. Nakaramdam ako ng gutom kaya binuksan ko ang bag ni Andrei. Imbes na mamangha ako sa pagkain ay nagulat ako sa dami nito.
Hanep naman siya, lagot siya kay Tita. Plano niya ba talaga mag advance party para sa birthday ni Kuya Ginto?
Kumuha ako ng isang sandwich, bahala na kung mapagalitan niya ako. Tumulong naman ako sa kaniya sa paggawa nito, ang swerte naman ng mga kumag kung sila ang unang makakain.
“Hey! Hannah! Ikaw yan?” Napairap ako sa kung sino ang nagtanong.
“Nagmumukha ba akong hindi si Hannah?” sarcastic ng tanong ko.
4:00 A.M na kaya nakikita ko kung sino ang dumadating. Mabilis ko namang inubos ang pagkain ko, mahirap na! Mga patay-gutom pa naman ang mga kasama namin rito.
“Ikaw nga, Hannah!" Masayang sabi niya.
Ano naman nga'yon? Daig niya pa ang nanalo sa lotto sa sobrang saya niya ng ako nga si Hannah. Sana pala hindi na lang ako naging si Hannah para maging masaya rin ako.
“Hoy! Garry, Sonny! Nandito si Hannah, nauna siya oh!” sigaw niya.
Tumawa pa siya nang nagulat sila Garry at Sonny. Kararating lang ng dalawa ay bale tatlo pala sila na kararating lang din.
“Mat, baka sinabihan mo si Hannah no!?” Hindi makapaniwalang tanong ni Garry kay Mat.
“Hindi ako kasali sa pustahan niyo, una na ako sa loob.” saad ni Sonny.
Ano naman ang pustahan nila? Dinamay pa nila ako.
“Ang daya niyo naman! Sabi ko na kasi si Hannah ang mauuna sa atin–”
“Una na rin ako sa loob. Kay Hannah mo na lang kunin ang 1000 may utang sa amin 'yan!”
Napa-awang ang bibig ko sa sinabi ni Garry. Tumawa pa siya at tumakbo papasok sa warehouse.
“H-Hoy.. t-teka anong!”