CHAPTER 20

1500 Words
CHAPTER 20: Twin Naiilang ako dahil nasa braso ko pa rin ang kamay niya. Hanggang kailan niya ba balak na ganito? Kanina pa rin siya nakangiti at kahit puno ang kaniyang bibig ay patuloy siya sa pagkukwento kung paano niya ako nakilala. Gusto kong humingi ng tulong kay Andrei, hindi na maganda 'to. Parang hindi ako makahinga at kung magpatuloy pa ito ay siguradong ma-s-stroke na ako. “K-Kilala ko na rin siya.” Mas hindi ako naging komportable sa kinauupuan ko ng magsalita si Draiven. Hindi ko naisip noon na magkambal sila ni Dianne. Sana matapos na ang araw na ito, gusto ko ng umuwi. Nagtawanan naman sila lahat sa sinabi ni Draiven. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila, parang may sarili akong mundo rito kasama si Andrei. Lahat silang apat ay nag-e-enjoy sa pagkukukwentuhan. Ramdam ko ang presensya ni Andrei hindi na rin siya naging komportable. Pinagmasdan ko na lang si Dianne na nasa tabi ko lang. Kanina pa siya nakangiti at kung magtama ang tingin nila ni Andrei ay napapa-iwas agad siya. Magkahawig sila ng mama niya na nagmumukha pang bata. Matapos kaming lahat kumain ay niyaya ako ni Dianne na magpunta sa kwarto niya. Nakakapit pa rin siya sa braso ko at parang walang balak na bumitaw. Hindi man lang pala ako nakapagsalita kanina kahit man gusto kong iprotesta ang sarili ko sa mga bagay-bagay na sinasabi niya. Ay, oo nga pala. Bago ko makalimutan nakita ko siya nag-cuting class at may kasamang lalaki na boyfriend niya. Doon kami unang nagkita at dahil din do'n ay hindi na virgin ang mga mata ko. Napailing ako sa mga naiisip ko. Nagulat ako ng may umakbay sa akin. Kinindatan niya ako at ngumiti ng nakakaloko. Kung hindi ko lang kasama si Dianne na kambal niya ay paniguradong tinadyakan ko na 'to! “Umalis ka rito!” singhal ni Dianne sa kaniya. “I want to talk to her too, what's wrong?” Bumitaw si Dianne sa akin at binuksan ang pintuan ng kwarto niya. “Girls talk and this is my room,” sagot ni Dianne. Hinila niya ako papasok sa kwarto niya at biglang sinirado ang pintuan. Narinig ko pa ang pagreklamo ni Draiven. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin namin rito sa kwarto niya. Ang akala ko may sasabihin siya sa akin pero ang tahimik niya. Parang hindi rin siya komportable sa akin. Tumikhim ako at nilibot ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto niyang kulay pink. “M-Mahilig ka pala sa hello kitty?” Pagbasag ko ng katahimikan. Ang cute ng picture niya no'ng bata pa siya, hindi ko masyadong makita ang ibang pictures kaya mas lumapit ako. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Kinuha niya ang picture na balak ko sanang tingnan sa malapitan. Ngumiti lang siya ng pilit at tinago iyon sa kaniyang likuran. Tumingin na lang ako sa ibang pictures niya pero halos kung ano ang makita ko ay kinukuha niya at tinatago sa kaniyang likuran. Naguluhan naman ako sa inakto niya kaya napasimangot na lang ako. Ano ba ang gagawin ko dito? Hindi naman ako nasisiyahan sa ibang gamit niya ang gusto ko lang ay tingnan ang mga pictures na nandito pero parang balak niya atang itago ang lahat ng iyon. “Dianne..” dinig kong tawag sa pangalan niya sa labas. “M-Mom?” sigaw na sagot ni Dianne at binuksan ang pintuan. Nanatili akong nandito sa may kama niya. Balak ko sanang tumalon-talon pero sa ayos ng mga gamit rito mahirap na at baka pagalitan niya ako. Feeling ko tuloy sobrang lambot ng kama niya. Tas ang bango pa rito sa loob, naalala ko ganto rin 'yong amoy niya. Ang bango, kung kasama ko lang si Andrei paniguradong mamamangha rin siya kay Dianne. “U-Uhmm.. H-Hannah, uuwi na raw kayo.” Humarap ako sa kaniya at tumango. Pero naguluhan naman ako ng sinirado niya ang pintuan. Balak niya ba padaanin ako sa bintana? Wala namang problema. “B-Bakit?” tanong ko sa kaniya. Alam ko kanina pa siya may gustong sabihin. “P-Pwede ba akong humingi ng pabor sa 'yo? Huwag mo sanang isumbong kay Mommy na lumabas ako ng school kahit class hours?” Tumawa ako sa sinabi niya. ‘Yun lang pala, nagmumukha ba akong mahirap pakiusapan? “Hindi ko rin isusumbong kay Tita Jane na nag-cuting class ka,” dagdag niya pa. “Okay lang, hindi naman kami close ng mama mo at hindi rin problema kung sabihin mo na nag-cuting class ako,” paliwanag ko. Ngumiti siya. “Madalas nandito si Tita kaya sana sumama ka palagi.” “Susubukan ko.” Hinatid niya ako palabas sa gate nila dahil hindi namin makita kung nasaan sila Andrei. “I think Mom's there.” Tinuro niya ang malawak na garage nila at tama nandon nga sila pero hindi ko makita si Andrei. “Bumalik muna tayo sa loob,” sabi niya at hinila ako. Nakahawak na naman siya sa braso ko. Parang may nagawa tuloy akong kasalanan kaya hindi ako p'wedeng lumayo sa kaniya. “Alam mo bang hindi nagkakasundo sila Andrei at Draiven?” Napailing ako sa tanong niya. Hindi ko naman alam na hindi pala nagkakasundo ang dalawang iyon. “Sana hindi sila magkasama,” dagdag niya pa. Nag-aalala ba siya? Pero kanino? Kung may galit sila sa isa't isa ano naman kaya 'yon? Naku si Andrei, hindi man lang nahiya dito pa mismo sa bahay nila Dianne. Hindi ba siya nahihiya? Naabutan namin silang dalawa sa dining. Lumapit agad sa kanila si Dianne at sabay awat. Hindi naman sila mukhang nag-aaway. “Hey! Hannah! Come here.” May kinuha si Draiven sa ref at pinakita ang isang tasa ng pop corn. “I ask permission to Tita Jane that if you can stay with us tonight and she app–” “No, we're going home!” ma-awtoridad na sagot ni Andrei. “I t-think, Andrei is right..we can do–” “Dianne, remember what I've told you..” Nagsimula silang magpalitan ng mga opinyon at sa mas madaling salita ay nag-aaway na sila. Kung madalas sumama si Andrei rito ibig-sabihin ganito sila lagi tatlo? Napaawang ang bibig ko nang biglang kinuwelyuhan ni Andrei si Draiven. Malaki ng konti si Draiven sa kaniya pero alam ko naman na walang laban ang tulad niya kumpra kay Andrei. Napangiti na lang ako sa kung anuman ang mangyayari. Atleast hindi na rin nasayang ang oras ko rito. Exciting 'to, ano kaya ang magiging kalabasan ni Draiven kung mas lalo niya pang inisin si Andrei. “Can you please stop!?” sigaw ni Dianne sa kambal nitong si Draiven. “And, Andrei! Let him go!” Nagdadalawang isip pa si Andrei kung bibitawan si Draiven. Hindi pa rin kasi ito tumitigil sa pang-aasar. Pang-aasar nga ba ang ginagawa ni Draiven? “Andrei, uwi na tayo.” Napaiwas naman agad ako ng tingin nang tiningnan niya ako ng masama. Sabi ko na nga hindi ako mangigialam at baka masuntok niya ako ulit. “H-Hannah, you don't need to go home with this bastard. I have my room for both of us..” Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng bigla siyang sinuntok ni Andrei. Tumawa lang siya habang tinutulungan ni Dianne tumayo. Kung balak niya akong bastusin, okay lang naman sa akin pero kung sa mismong harapan ni Andrei hindi maganda iyon. Kahit nga sila Garry no'ng una sa warehouse at maging si Fed din napasama pa sa g**o. Nanatiling nakaharap si Andrei kay Draiven pero pumagitna si Dianne. Dapat na rin siguro akong tumulong sa pag-aawat. “Andrei, ako na humihingi ng sorry sa–” “You don't need to. Dianne, I want you to–” Tumawa ng malakas si Draiven dahilan para mainis na rin ako. May sugat na rin ang labi niya pero walang balak tumigil. Hindi naman si kinakampihan ko si Andrei dahil pinsan ko siya pero parang gano'n na nga. “Oh, nandito lang pala kayo,” bungad ng Mommy nila Dianne. Mabuti naman at hindi kasama ang isang iyon. Nakakailang tuloy sa inakto ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at nilagay ang dalawang kamay niya sa balikat ko. Nakaharap siya kina Andrei. “Uuwi na raw kayo, paalam ka na kay Dianne.” Napairap ako sa kawalan sa sinabi niya. Nakangiti pa rin siya at parang kinikilig. Nakita ko naman ang pagtango ni Andrei. Matapos no'n ay naramdaman ko na hinahaplos niya ang buhok ko. Mas lumapit siya ng husto sa akin at sabay ngiti na naman. Parang may gusto tuloy siyang sabihin sa akin pero hindi niya masabi. Anak niya nga si Dianne, walang pagkakaiba. Hinatid niya kami palabas ni Andrei. Hindi na rin ako nakapagpaalam kay Dianne dahil sa tabi niyang sinasabi pero wala akong maintindihan. Patuloy sila sa pag-uusap ni Andrei at base sa naririnig ko ay tinutukso niya si Andrei kay Dianne. Nahuli ka naman si Andrei na parang namumula. Napairap na lang ako at nauna ng pumasok sa kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD