CHAPTER 19

1204 Words
CHAPTER 19: Visit Sobrang nakakainis na si Andrei. Isa na lang talaga at papatulan ko na siya. Hindi ko naman siya inaano ah! Sabi ko na nga ba hindi maganda ang impluwensya ni Ginno sa kaniya. May inabot siya sa akin pero umiling ako. Kailan pa siya nahilig sa v-fresh? Huwag niyang sabihin hindi siya nag-toothbrush. Napansin kong nakangiti siya. Nagmumukha siyang batang excited sa pupuntahan. Ba't pa ba nila ako sinama at saan ba sila pupunta? “Anak, kumusta school mo?” Umirap ako at tumingin na lang sa labas. Kung balak niyang mag-open ng topic, bahala siya. Sarili niya kausapin niya or kundi si Andrei. “She told me that she's doing well in her history class.” Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Andrei. As in dalawang kilay ko ang tinaas kasi hindi naman ako marunong kung isa lang. Oo, sinabi ko 'yon sa kaniya at wala na rin akong pake kung sabihin niya man iyon sa babaeng kasama namin. Pinagtataka ko kung ba't napapa-english siya. Good mood ba siya? O epekto na naman 'to ni Ginno. Imposible, kapag kasama niya si Ginno puro kalokohan lang ang alam nila at laging nag-cu-cuting class kaya hindi naman siya mai-impluwensya mag English sa isang 'yon. “That's good to hear,” maikli niyang sagot sa sinabi ni Andrei. Nakaka-inis at nakaka walang gana kapag kasama ko 'tong babaeng ito. Kung hindi lang ako pinilit ni Andrei ay hindi ako sasama. Akala ko kung saan kami pupunta pero huminto ang kotse sa isang malaking bahay. Nakakamangha ang ganda ng paligid. Feeling ko tuloy mga mababait ang nakatira rito. Sabay silang dalawa lumabas. Nanatili ako rito sa loob ng kotse, wala naman akong balak pumasok sa bahay na 'yon kapag kasama siya. Okay, pa kung si Andrei. “Labas na d'yan, tara na!” Hindi ko tuloy maipaliwanag ang itsura niya. Ang arte naman nito. Nga'yon ko lang din napansin na nakabihis siya ng maayos. Mas ayaw ko na tuloy lumabas dito. Ano ba kasing me'ron at sino ang pupuntahan namin? Nainggit din tuloy ako sa ayos ng buhok niya. May occasion ba? Kulang na lang mag polo siya. Wala naman akong ibang kakilala na related sa family nila na kailangan sobrang desente kung bibisita. Siguro ibebenta kami na babaeng 'yon. Mukhang mayamang pamilya ang may-ari ng bahay na 'to kaya hindi na nakakapagtaka. Baka kasali na siya sa mga sindikato at dahil sa dami ng utang niya ay kami ang ibabayad niya ni Andrei. Hanep naman 'tong iniisip ko. May magandang babae ang lumabas at nag-beso sila. Sumali pa si Andrei. Close ba sila? Siguro napansin niya ako rito sa likuran pero bago pa ako mapakilala nila ay tumalikod ako at nagkunwaring namamangha sa mga pictures na nasa lamesa. Napakunot ang noo ko ng makita ang pamilyar na mukha. Siguro magkahawig lang. Hinila ako ni Andrei. “Huwag mong pakikialam ang mga gamit dito, bisita tayo at hindi sa atin ang bahay na 'to," bulong niya. Binatukan ko naman siya at tiningnan ng masama. “Sinasabi mo bang balak kong magnakaw ah!? Pictures lang 'yon, ano namang gagawin ko do'n? Mabuti sana kung picture mo at para makulam kita," pabulong na sagot ko sa kaniya. Kahit man gusto kong tanungin kung sino ang mga taong nandito at kaano-ano nila ay 'wag na lang. Baka sabihin niya naman balak kong mang-hold up tas money for ransom. “Umayos ka nga, Hannah!" Tanging sabi niya. “Anak, halika rito.” Napasapo ako sa ulo ng makita kung ano ang ginagawa niya. Ako lang binabantayan ni Andrei e, ang isang iyon mas malala. Sino ba ang pinuntahan nila rito. Ako na lang siguro ang hihingi ng pasensya. Bakit feel at home siya, tinawag niya pa ako at inalok ng pagkain sa lamesa. Alam kong nagugutom ako pero masyadong manipis ang mukha ko. Naglakad si Andrei papunta ro'n, hatak-hatak niya pa ako. Huminto siya at huminga ng malalim bago nagsimula muling maglakad papunta sa dining. Kinuha ko naman ang braso ko sa kamay niya. Kaya ko naman maglakad. “Maupo kayo," Alok sa amin ng magandang babae. Siya lang ba mag-isa rito? Akala ko uupo si Andrei pero tumulong siya sa paghahanda ng pagkain. So, dito kami kakain? “Siya pala ang anak mo, Jane? Hindi ko dapat itanong pa e, kitang-kita naman na sobrang magkamukha kayong dalawa. Masaya ako kahit papaano ay naisama mo siyang bumisita rito.” Kung ako ang pinag-uusapan nila ay hindi ba p'wedeng hinaan niya pa ang boses niya. Parang pinaparinggan niya ako. Kung sa tingin niya mabait ako, nagkakamali siya. Hindi ko rin kaya pang magtitiis rito. At hindi na rin ako dapat pang magtanong kung magka-ano ano sila. Siguro siya 'yong nag-iisang kaibigang sinasabi ni Mama. Alam kong marami siyang nalalaman kaya naiinis akong makita silang dalawa. Siguro dito rin madalas dalhin ni Mama si Andrei. Ayaw ko rin naman sumama. Hindi ko alam kung bakit may sariling isip ang mga paa ko. Narinig ko ang pagtawag nila sa pangalan ko pero tumalikod ako at umalis. “Bastos na kung bastos!” singhal ko. Sobrang dilim rito sa labas kaya wala akong choice kundi ang mag-stay sa may lamp pose. Anong oras kaya sila matatapos? Sa sobrang dilim hindi ko makita kung saan naka-park ang kotse. “Hannah, ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?” Sabi ko na nga ba, hahabulin niya ako tas papagalitan. “Gusto ko ng umuwi,” maikling sagot ko. Lumapit siya sa akin at hinila ako. Balak niyang bumalik ako ro'n sa loob? Sana naman makiramdam siya. “Alam mo, hindi naman ako ang mapapahiya do'n. Andrei, hayaan mo na lang na hintayin ko kayo rito sa labas." Huminto siya at binitawan ako. Humarap siya sa akin at bigla akong sinuntok. “Sanay ka sa g**o, 'di ba? Hindi maganda ang ginawa mo kanina. Hindi siya si Tita kaya kung may galit ka, huwag mo siyang idamay!” Napahawak ako sa labi ko. Ramdam ko ang hapdi, hindi naman malakas ang suntok niya pero wala akong balak gumanti ng suntok. Hindi ko naman siya nilalaban simula noon. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya kaya minsan hindi ko siya p'wedeng suwayin. “Bumalik ka sa loob. Humingi ka ng paumanhin kay Tita Dana, at kung ayaw mong gawin, p'wede ka ng maunang umuwi.” Inayos niya ang sarili niya at umalis na. Hanggang ngayon gusto ko siyang tanungin kung may alam ba siya sa lahat. Bakit balewala lang sa kanya? Bakit kinakampihan niya si Mama? Wala akong karapatang magalit sa kanya. Kung hindi dahil sa kaniya hindi magiging maayos ang kalagayan ko. Kaya kahit man labag sa kalooban ko ang gagawin ko nga'yon ay bumalik na lang ako sa loob. May nakita akong salamin sa bahay na ito. Hindi naman masyadong kita ang sugat ko sa labi. Tama, gaya ng sabi niya sanay ako sa ganto kaya wala lang epekto ang suntok niya. Iisipin ko na lang na ginawa niya iyon para gisingin ako. Mag-i-imagine na lang ako na natutulog kanina. Dumeretso ako sa dining kung nasaan sila. Alam kong hinihintay nila ako. Pagpasok ko ay may biglang humawak sa kamay ko at pina-upo ako sa tabi niya. “T-Teka lang..”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD