CHAPTER 18: Kotse
Hatak-hatak ako ni Aki sa balikat ko. Hanggang saan niya ba balak lumayo para maki-tsimis. Wala naman akong pakialam sa sasabihin niya.
“Tara, do'n sa may puno.” Tumakbo siya habang hatak pa rin ako.
Lumingon-lingon pa siya sa paligid at sinisiguradong walang ibang taong makakarinig ng sasabihin niya.
“Ano ba 'yon? Bilis na, sasabay ako kay Andrei pauwi.” Nag-iwas pa siya ng tingin at nagkamot ng ulo.
“Bahala ka nga d'yan! Aalis na ako.” Narinig ko naman na tumikhim siya at tiningnan ako.
Bakit kaya parang nahihiya siya. Ano bang sasabihin niya? T-teka..baka. Hindi! Imposible..ay I mean hindi p'wede.
Ang sarap buksan ng ulo ko at itapon sa malayo ang walang kwenta kong utak. Masyado ba akong nadala don sa lalaking baseball player?
“Ahh..kainis!” bulong ko at sinabunutan ang sarili ko.
Hindi naman iyon ang iniisip ko. Kainis! Ito ba 'yong sinasabi nila na ang babae ay para sa lalaki? T-teka ano raw? Sumusobra na 'tong mga iniisip ko, mukhang hindi na maganda!
“H-Hannah, okay ka lang ba?” Napabalik naman ako sa sarili kong realidad.
“U-Uh..eh, okay naman ako. A-Ano ba 'yong sasabihin mo? P-pwede kung bukas na lang?” ngumiti ako ng pilit sa kaniya.
Sana pumayag siya. Bahala na kahit sobrang layo ang pinuntahan namin para lang sabihin niya ang gusto niyang sabihin.
Parang hindi pa ako ready sa ngayon. Siguro p'wede next year na lang niya sabihin.
“Hannah, ano kasi..” Mabilis kong tinakpan ang bibig niya.
“Uhm..una na ako. Magkita na lang tayo bukas or next year. Hehe sige, Aki. Bye!” Tumakbo ako at iniwan siya.
Nilingon ko siya at nag-wave. Hindi ko tuloy maipaliwanag ang itsura niya. Dumeretso ako sa parking lot at natatanaw ko na nga si Andrei na nakasandal sa kotse niya.
Hindi naman siya nagulat sa pagpasok ko agad sa loob pero ako itong aatakihin na sana sa puso.
“A-Anong ginaga..”
“Sasabay ako kay Dre, hindi sa 'yo.” Tinaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya.
Hindi naman ako nagrereklamo ah kung sasabay siya. Ba't parang ang laki ng galit ng isang 'to sa akin? Hindi ko naman siya inaano.
Napailing na lang ako at nagpalit ng pwesto sa back seat. Siya pa talaga mag-da-drive, sana masira niya kotse ni Andrei para masaya.
“Hindi mo ba kasama si Aki?" Para naman akong nabulunan sa tanong ni Andrei.
“Bakit na naman? A-Anong kailangan mo kay Aki? Wala naman kaming ginagawang masama ah!.. Aray..”
Binato ko naman ulit sa kaniya ang plastic bottle. Walang ibang sisisihin dito kundi si Ginno? Kahit kailan nag-iiwan pa rin siya ng mga gamit dito sa kotse ni Andrei.
Hindi niya ba alam na love na love namin 'tong kotse at lagi itong malinis? Kapal talaga ng mukha niya habang nasa driver seat.
“Sabihin mo kay Aki na puntahan si Maki do'n sa warehouse," sabi niya. “Ako ang nag-utos na wala munang pupunta ro'n habang hindi pa dumarating si Kuya Ginro.”
Natawa naman ako sa sinabi niya. Takot lang kamo sila. Kaya pala nandito si Ginno, so ang iba ngayon ay papasok na muna sa school? Haha, kahit papaano ay maganda pa rin ang desisyon ni Andrei.
“Hindi ko naman sila pinagbawalan na um-absent kaya nasa kanila pa rin kung ano ang gusto nilang gawin," dugtong niya.
“Ang daya naman! Ako na ang magsusumbong kay kuya Ginro na lahat kayo uma-absent," pananakot ko.
Pareho naman silang tumingin sa akin ng masama at pagsabay no'n ang biglaang pag tapak ni Ginno sa preno dahilan para masubsob ako sa harapan.
Pansin kong nagpipigil sila ng tawa. Napahawak na lang ako sa noo ko at ininda na lang ang sakit.
Tumahimik ako rito sa backseat pero nakikita ko pa rin ang parehong pagtaas at pagbaba ng mga balikat nila. Wala namang nakakatawa sa nangyari.
Napairap na lang ako. “Magsitawa na kayo mga gonggong!”
“Lagi kong sinasabi sa 'yo 'di ba na mag-seat belt? Naghahanap ka na talaga ng sakit sa katawan."
“Hoy! Andrei! Kung maayos ang nagmamaneho edi wala sanang problema. Ba't kasalanan ko pa ah?” naiinis na sagot ko.
Napatigil naman agad ako at napairap na lang ng magtama ang tingin namin ni Ginno sa salamin. Sana naman makiramdam siya.
Kainis, dapat kasi ako ang pangalawang makaka-drive ng kotse na 'to. Naunahan pa ako.
Nanlaki ang mata ko sa nakita sa labas. Malapit pa kami sa gate kaya kahit man umaandar ang kotse ay binalak kong bumaba na.
Nakita naman siguro ni Ginno ang ginawa ko kaya mabilis siyang nag-preno na dahilan para masubsob na naman ako. Mabuti na lang at nakahawak ako.
Deretso na akong bumaba at nang makita ko si Aki sa bandang unahan ay inakbayan ko siya.
Lumayo siya sa akin pero tinutukan ko siya ng b***l sa kaniyang dagiliran kaya naging behave siya.
Uto-uto! Kamay nga lang 'tong b***l ko.
“Pasok!” utos ko sa kaniya at tinulak sa loob ng kotse.
Nagulat naman ang dalawa sa ginawa ko.
“Bang! Bang! Bang!” Nilaro ko ang kamay ko at umaksyong pinagbababaril silang tatlo.
“Ano ba 'yang ginagawa mo!?" Sita sa akin ni Andrei pero nagpatuloy ako sa pagbabaril kay Ginno.
Pero nang maalala ko kung ano ang nakita ko kanina ay napangiti na lang ako ng pilit sa kanila.
“Hannah, h-hindi ako sasabay dito sa inyo. Hahanapin ako ng dri..”
“Puntahan mo muna ang pinsan mong matigas ang ulo,” pagbabara ni Ginno kay Aki.
“Si Makcy? Oo, pinsan ko siya pero hindi naman kami close no'n e.” Nagkamot pa siya ng ulo at tumingin sa akin parang naghihingi ng tulong.
Dahil sa inis ko kay Ginno at Andrei ayaw ko ng magsalita pa at magprotesta sa kanila. Ang sarap sirain ng kotse na 'to! May kotse naman sila Ginno pero nagmumukha siyang nga'yon lang nakahawak ng manobela.
“H-Hindi, na ako sasabay. May nakalimutan akong gamit sa room, kukunin ko muna–”
“Style mo bulok! Sakay na kundi makakatikim ka sa akin!” pagbabanta ni Andrei.
Mas lalo na akong nainis kay Ginno. Ang pangit ng impluwensya niya kay Andrei.
“Saglit lang ako, kukunin ko lang ‘yong naiwan kong gamit.”
“Sasama ako kay Hannah para masigurong ligtas siya!”
“Puntahan mo sabi si Maki. Mag-isa lang siya sa warehouse. Ang tigas ng ulo no'n.”
“Hannah, ibukas mo na lang 'yan. May pupuntahan tayo pag-uwi natin sa bahay."
“Ayaw ko nga! Hindi kami close no'n. Matigas ang ulo niya at wala na akong magagawa."
“Uuwi si Ate kaya kailangan maaga tayong nasa bahay.”
Sinirado ko ng malakas ang pintuan ng kotse at tumahimik ang lahat. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila. Nakakalito na at nakakainis.
Nagsasalita ang dalawa tas magsasalita rin si Andrei. Ang g**o nila! Kung may bomba lang ako rito pinasabog ko na 'tong kotse na 'to!
Binuksan ko ulit ito. “Andrei, uuwi ako mamaya. Promise! Sige, mauna na ako. Kayo na ang bahala kay Aki.”
Alam kung magsasalita pa sana sila pero mabilis ko ng sinirado iyon at tumakbo palayo.
Napangiti ako nang makitang umalis na ang kotse. Okay na rin pala kahit papano kung kasama ni Andrei si Ginno.
Wala ng susuway sa akin.