CHAPTER 17

1152 Words
CHAPTER 17: Draiven Minsan lang ako nakikinig sa klase at pumapasok. Pero gustong kong ipagmalaki sa lahat na naging mabuting estudyante ako ngayon. Ang saya sa pakiramdam na sinabihan kang may ibubuga naman pala. “Okay! So, not expected. Martinez groups win,” masayang sabi ni ma’am jink. Our History teacher. Kanina hinati sa sa apat na grupo ang buong class. Alam kong madaya ang pag-groupings. Kaming mga laging uma-absent at hindi nagpaparticipate ay nasa iisang grupo. ‘Di ba madaya? Ano naman ang alam namin sa lessons at gagawin nila. Nag-karoon kami ng debate about Past or Present? Actually, kung ako tatanungin sa past parin ang maganda, ma environment, climate, culture, characteristics or traits of human and etc. But, sad to say present ang nabunot ng ka-gropo ko. Kami ang group 4 at may lima lamang na members kasi kami lang naman lima ang hindi umabsent ngayon. Parehong matatalino ang mga kaklase ko pero hindi ko alam kung bakit hindi ako naubusan ng opinyon kanina. Basta't, lagi kong naririnig sa ka group mates ko na..Mapapahiya tayo. Sana hindi na lang ako pumasok. Sana nasa group one ako at ang daming mga sana. Kesho ganto! Ganyan! Kalalaking tao nila pero gano'n ang mga sinasabi, siguro pinaparinggan nila ako. Natapos ang group 1 and 2 ay kami na ang kasunod with the group 3. Kita ko sa mga classmates ko na hindi nakikinig sa tuwing kami ang nagsasalita. Umupo na lamang ang kasama ko at hindi na ipinagpatuloy ang sasabihin tutal out of topic na man siya. Mas lalong nag-iingay at may halong tawa ang mga classmates ko pati na rin si ma’am. Ako na lang ang nag-iisang hindi pa nakapag-salita and the score is 4-0. Nakakainis silang lahat pati si ma'am ang sarap sapakin. Napapahiya tuloy kami buti na lang hindi namin kasama ang ibang section. Hindi naman mahirap ang topic sadyang nagkakamali lang sa opinyong binibigay ang mga ka-grupo ko. Dahil sa inis ko, kanina pa ako nakatayo at wala akong planong umupo hanggat hindi natatalo ang group 3. Siguro, ang dali lang ng oras at group 1 na ang kalaban ko. Hanggang sa naka-upo na ako. Magkatapos ng activity puro compliment ang natanggap ko at kami ang may pinaka-mataas na points. Ang sarap sa pakiramdam . Excited tuloy akong umuwi at ikwento kay Andrei ang nangyari. Naglalakad ako sa hallway mag-isa kasi una kami pinalabas ng teacher sa classroom. Hihintayin ko na lang si Andrei sa parking lot. Habang naglalakad ako biglang nag bell hudyat na lalabas ang mga estudyante at uuwi na. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at biglang may bumangga sa akin. Nahulog at kumalat lahat ang mga gamit na dinadala niya. Ang lakas ng pagkaka-bunggo niya sa akin kaya hawak ko ang aking kanang balikan at hinimas-himas ito. Wala akong oras para tulungan siya sa pagpulot ng mga gamit niya. Baseball equipment ang mga laman ng box na dinadala niya. “A-hm. Hi! Hindi mo ba ako tutulungan?” tanong niya at tumingin sa akin. Nasa may paa ko malapit ang baseball bat at dinampot ko ito. Nakatingin parin siya sa akin at parang hinihintay ang kung ano ang sasabihin ko. “Masakit bang mataan ne'to?” sabi ko sa kaniya at pinakita ang baseball bat. “H-Huh? Hindi ka naman basta-basta matatamaan ng baseball ba't na yan. Masakit kung matamaan ka nito,” sabay pakita niya ng bola ng baseball. Nagpatuloy siya sa pagkuha ng mga ibang gamit na natira at hinarap niya ako. “So, hindi ka pa natatamaan ng baseball bat na’to. Gusto mo hampasin kita nito?” seryosong sabi ko sa kaniya. Naka smile kasi siya. Mukhang sinasadya at masaya siyang binangga ako. Sobrang lakas din ng pagkakabunggo namin tiyak na sinasadya niya nga. “Ano? Bakit ang seryoso mo naman,” cool na sabi niya. Mukhang mas lalo niya akong iniinis. Papansin ba siya? “Ang laki ng daanan at pwede ka ring dumaan sa kabila pero bakit napaka tanga mo?” Alam kong hindi tama na pagsabihan ko siya ng ganong mga bagay pero hindi ko maiwasang maiinis. Napakalaki kaya ng daan at mukhang sinadya niya talagang banggain ako. “You know, Fine! I’m sorry hindi ko naman sinasadya at hindi ko din naman kasalanan na hindi mo ako nakita," paliwanag niya. “So, kasalan ko pa? Ang sakit ng pagka-bangga mo sa akin alam mo ba iyon?” Naiinis na talaga ako sa kaniya. Siguro, lagi siyang nag-eensayo kaya ang kisig at ang ganda ng katawan niya. Ano ba 'tong sinasabi ko? “Hay. Alam mo rin bang natalo ako sa laro namin kaya ako ang magsasa-uli ng mga walang kwentang gamit na ito?" tanong niya na kina-kunot ng noo ko. “At ikaw pa ngiti-ngiti ka lang dyan habang naglalakad.” Mas lalo akong naiinis sa sinabi niya. Pake ko sa laro niya. “Dapat lang sayo na binunggo kita," dugtong na sabi niya at akmang kukunin niya ang baseball bat na hawak ko. Agad ko na man itong nilayo. Ang kapal niya, kasalanan ko bang masaya ang araw ko ngayon at malas siya. So, sinadya niya nga akong banggain ng napakalakas ah. “Masaya ang araw ko ngayon pero dahil sayo at sa walang kwenta mong dahilan ay…” Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niyang kinuha ang baseball bat. Agad ko naman itong binawi sa kaniya pero agad niya ring nahawakan ang kamay ko at pilit na kinukuha ito. Nag-agawan kami, pilit niya hinihila sa kamay ko ang baseball bat at ganon din ang ginagawa ko. Mas lalo ng akong naiinis sa kaniya at mukhang ganon rin siya sa akin. “Ano ba, Ibigay mo nga sa akin to!” sabi niya. “Bitawan mo muna,” sagot ko. Hindi ko to ibibigay sa kaniya hanggat hindi niya muna bibitawan. Hahampasin ko lang naman siya nito at para malaman niya gaano kasakit. Mas nilakasan niya ang paghila sa basketball bat na ito at nabigla ako sa nangyari. Ang lapit ng mukha namin sa isa’t-isa. Paghila niya ng napakalakas ay sumama ako at ramdam ko ang matigas niyang katawan. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ako makahinga at parang nag-iinit ang pisngi ko. Gulat din ang reaksyon niya kanina pero ngayon naka ngiti siya. Mas lalo niyang nilapit ang kaniyang mukha at tiningnan ako sa mata ng may nakaka lokong tingin. At nilapit niya ang kaniyang bibig malapit sa aking tenga. Mas lalo tuloy nag-init ang pisngi ko ng naramdaman ko ang mainit niyang hininga. “Ang kulit mo but I like it. By the way I’m Draiven Rivera. Nice meeting you Ms. Hannah Lainne Martinez,” sabi niya at kinuha ang baseball bat sa aking kamay. And I realized na nakahawak pa lang siya sa kamay ko kanina pa. Kinindatan niya pa ako bago tuluyang umalis. Napanganga naman ako sa bilis ng pangyayari. Grabe, siya! Napa-buntong hininga ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD