CHAPTER 16

1428 Words
CHAPTER 16: Anno! Nakakahalata tuloy silang dalawa. Hindi ko naisip na may something sila. Nakakainis ano oras ba sila matatapos mag-usap. Tumayo ako sa pagkakahiga rito sa damuhan at hinarap sila. “Hoy! Ginno, sumusobra ka na. Lagpas ka na sa oras, hindi mo pwedeng solohin si Andrei. Kailangan na naming umuwi,” sigaw ko. Hindi nila ako pinansin at nagpatuloy pa rin sa pag-uusap nila. Ayaw ko sanang maging bastos dahil mukhang seryoso ang pag-uusap nila pero nababagot na ako dito. Ayaw nila akong isama sa kung anong pinag-uusapanan nila tas hindi pa ako pinapansin. Naisip ko tuloy na tumalon na lang rito sa may ilog. Hindi naman ganon ka lalim to, kaso wala akong damit pampalit. Mag-aalas tres na hindi pa kami kumakain. Ngayon lang ako nakaramdam na gustong umuwi ng maaga sa bahay. “Andrei, nagugutom na ako!” kanina pa sila nakatingin sa akin habang nag-uusap. Hindi naman nila ako pinapansin rito kaya nakakahalata tuloy sila. Alam kong maganda ako at hindi nila ako dapat tingnan ng matagal. Pagod na ako! Kung ano-ano na ang mga naiisip ko dahil sa gutom. “Ginno! Inuutusan kitang manghuli ng isda! Bilis nagugutom na ako. Kilios na!” Siguro, kahit ilang beses akong sumigaw dito ay hindi pa rin nila ako papansinin. Sa sobrang seryoso nilang nakaupo sa damuhan at nag-uusap, mahirap na baka masuntok ako. Nakatingin pa rin sa akin hanggang ngayon, medyo malayo sila sa akin kaya hindi ko marinig ang pag-uusap nila. Possible kaya ako ang pinag-uusapan ng dalawa? Humiga ako sa damuhan at tinanaw ang tingin sa kalangitan. Tama, ako ang pinag-uusapan nila. Kung balak ni Andrei bumalik kasama sila Ginno edi maganda. Pero dahil sa akin hindi niya nakakasama ang mga kaibigan niya. Tapos sa school hindi ko rin nakikita na may kasama siya. Lagi na lang siyang naka-focus sa school activities. Siguro, na-miss niya rin ng husto sila Ginno. Ang dami niya ng nagawa sa akin, hindi ko alam kung paano makakabawi sa kaniya. “Papa, nakikita niyo ba ang lahat ng mga nagagawa ni Andrei sa akin...” bulong ko. Nakaramdam ako ng pagod at antok. At bago ko tuluyang pinikit ang mga mata ko ay narinig ko ang tawa nilang dalawa pareho. May nakakatawa yata sa pinag-uusapan nila at sana hindi na ako kasali do’n. ******** “Kapag umuwi na si Kuya, aalis na ako.” “Natatakot ka lang siguro sa punishment mo, hindi ka pa rin nagbabago Gin.” “Nang-iinis ka pa rin Dre, bakit ka ba nagpakita pa!? Sasabihin ko kuya na bumalik ka na..” “Not at all, nalaman ko kay Akiro na nagpupumilit si Hannah na sumama sa inyo. I don’t have choice..” Humikab ako at kinisot ang mga mata nang marinig ang pangalan ko. “Kahit na, pumunta ka ng warehouse kaya ibigsabihin lang no’n ay bumabalik ka na. Kahit naman umalis ka, matigas pa rin ang ulo ni Hannah. No’ong nakaraan nalaman kong may dinalang dalawang lalaki si Hannah. Wala kang magagawa kung nagmana ng katigasan ng ulo si Hannah sa ‘yo.” Anong pinag-uusapan nila? Bakit puro pangalan ko ang naririnig ko. “Hannah, bangon na d’yan. Nagkunwari ka pang natutuloag ah!” dinig na dinig ko ang sinabi ni Andrei kaya bumangon na ako at tiningnan siya ng masama. Napansin kong nasa likuran nila ako. T-Teka bat nandito ako? Nakita akong mainit sa pwesto ko kanina. Hindi naman ako takot sa araw at wala akong pake kung umitim ako. “Uuwi na tayo,” sabi ni Andrei. Pareho silang tumayo dalawa at umakbay naman si Ginno kay Andrei. Ibigsabihin ba nito okay na silang dalawa? or baka sinagot na ni Andrei si Gin ng buhay niya. Oooppss! Andrei!? Ginno? Haha.. Anno! “Anno!” sigaw ko at hinabol sila. Mabilis naman akong inakbayan ni Andrei pero mas inakbayan siya ni Ginno at hinila palayo sa akin. Jelous boyfie! “D’yan ka sa likod, Hannah may pag-uuspan pa kami!” sabi ni Ginno. Promise talaga hindi siya nakakahalata. Hanggang ngayon patay na patay pa rin siya kay Andrei. Naks naman, forever more! “Hintayin niyo ko!” sigaw ko at hinabol sila. Napasimangot ako nang mas mabilis sila tumakbo. Gusto yata nilang dalawa mag-solo, edi sila na! “Sige! Iwan niyo ko, bahala kayo!” Hindi ko na sila nakita dalawa pero alam kong lumiko na sila sa. Walang tao rito, hindi naman gabi pero kumaripas na ako takbo. “Andrei! Tulong..hintayin niyo ko!” Pareho naman silang tumigil sa malayo at hinintay ako. Hanggang kailan ba matatapos ang pag-uusap nila? Fine! Hindi ako masyadong lumapit sa kanila. Gaano kaya ka-confidencial ang pinag-uusapan nila? Pero kahit papaano ay nakikita ko sa itsura ni Ginno na masaya siya. Sino naman kaya hindi magiging masaya kung muli mong makita at makasama ang isang matalik na kaibigan. Nakaka-ingit tuloy buti pa si Andrei may matalik na kaibigan. Mer’on naman ako si Aki kaso no’ong grade 9 lang kami naging close. Pag-grade 10 ko wala na naman akong kaibigan. Hindi kasi kami classmate tas ngayong grade 11 a dalawang subject lang kami magkaklase pero okay na rin atleast meron akong pagkokopyahan kahit sa dalawang subject. Napairap ako rito sa malayo ng makita na nagtatawanan silang dalawa. Siguro sinabi ni Ginno na zero siya sa exam. Hindi naman nakkaatawa na ma-zero kasi impossible namang mangyari iyon, Over lang talaga mak-react ang Ginno na ‘to, sarap sa sapakin. Pasalamat nga siya ngayong year lang sila hindi naging classmate ni Andrei. Simula elementary sila magkasama, hindi ba sila nagsasawa? “Tara na, uuwi na tayo. Malalagot tayo mamaya kay Mama.” Natatawa pa siya at hinila ako. Nagpapigil naman ako ng tawa ng mapansin ang mga mukha nila. May pasa si Ginno sa kanang pisngi at mukhang dumudugo rin ang gilid ng isang mata niya. Hindi ba masakit ‘yon? Si Andrei naman may sugat sa labi at parang nahihirapan igalaw ang kaniyang kaliwang braso. “Haha..kumusta kayo? Tingnan niyo ang itsura niyo, ang hihina niyo naman…” natatawang sabi ko. Napatigil naman ako ng tiningnan nila ako pareho ng masama. Nag-peace sign ako at pilit na ngumiti. Nakakatakot lalo na si Andrei. Sana maging mabuti pa rin siyang nilalang rito sa mundo, kung anuman ang pinag-uspan nila ay sana ‘wag niyang sundin si Ginno. Ikakasira ng mundo ang isang tulad ni Ginno at hindi ako papayag d’on. Kung walang mundo edi wala ding bayan, paano na ‘yan e, ako pa naman ang pag-asa ng bayan! “Hannah, una ka na sa bahay.” Tumalikod siya sa akin at sinabayn ng lakad si Ginno. Nakakainis naman. “Bakit? Ayaw ko, sabay na tayo!” “Mauna ka na, sasamahan ko lang si Ginno pauwi,” paliwanag niya. Nanlaki naman ang mata ko, seryoso ba siya? Oh no! Anno, is real? Ang haba ng hari ni Ginno..huhuhu “Andrei, s-sigurado ka na ba?” Lumapit ako sa kaniya at hinawakan sa braso. Lumayo naman agad ako at lumapit sa pwesto ni Ginno. “T-teka, hindi ko sinasadya..” “Sabi ko nga mauna na ako umuwi!” dagdag ko. Bago ako makalayo rin kay Ginno ay nahawakan niya na rin ako. Ang mas malala pa ay tinulak niya ako papupunta kay Andrei. Mas okay na ako kay Ginno kaysa kay Andrei. Paano ba niloko ni Ginnong pangit na ‘to ang pag-iisp ni Andrei, para na siyang nangangait ng tao ngayon. Uuwi na talaga ako promise, bahala na sila sa lovelife nila. “Hindi naman masakit ang braso ko, umuwi ka na at ikaw na rin maghanap ng palusot kung tatanungin ni Mama kung nasaan ako, okay? Lakad na!” Tinulak niya rin ako palayo. “Saan kayo pupunta? Bahala ka, isusumbong kita kay Tita na naging basagulero ka na naman at lasinggero!” sigaw ko at nagsimula ng maglakad. “Anong sabi mo? Humanda ka sa akin mamaya, pag-uwi ko! Tatanggalan kita ng buto!” pananakot niya. Narinig ko pa ang pagtawa nilang dalawa. Kainis, kala naman ni Andrei natatakot ako sa kaniya e, kita naman sa itsura niya na kinakalawang na. Ako pa kakalabanin niya? Asa siya! “Dumeretso ka sa bahay! Hannah! Siguraduhin mong dederetso ka sa bahay!” dinig kong sigaw niya. “Hannah!” sigaw niya ulit. “Oo, na!” sagot ko. Kainis naman ano naman kayang binabalak nila. Sana mapuruhan sila ng husto. Baka gusto lang nila mag-date. Kalalaking tao, bahala nga sila. Pero bet ko naman silang dalawa. Ewan sa susunod na mga araw, baka magsimula na si Andrei makigago! AN-Drei/Gin-NO = Anno!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD