CHAPTER 15

1502 Words
CHAPTER 15: JOIN FORCE “Sonny at Fed. Doon kayo dumaan sa kanan. Jet at ikaw Garry do’n sa likuran. Brando at Karl sa kaliwa kayo. Andrei at Hannah, maiwan kayo rito para magbantay.” A-anong, maiiwan lang ako dito? Sigurado siya? E, hindi na lang sana ako sumama kung dito lang pala ako maiiwan. Kala mo naman cool na siya tingnan sa lagay niya. Wala naman kwenta ang mga plano nya. “Sa harap ako daan, walang susunod sa akin. Maliwanag?” Tumango naman ang lahat. “Hannah, maliwanag? Huwag matigas ang ulo, pasalamat ka na lang na nandito ka.” “K*ngina, mas mabuti pang umuwi na lang kami ni Andrei,” reklamo ko. “K*ngina? Gusto mo tahiin ko ‘yang bibig mo?” Tumawa naman sila sa sinabi ni Ginno. Nakita ko rin napangiti si Andrei. Kainis naman. “Ginagaya mo lang si Ginro, isusumbong kita,” bulong ko. “Ikaw ang isusumbong ko kung hindi ka sumunod sa plano.” Akala ko bingi siya hindi pala. “Sige na, pumunta na kayo. Aabutan tayo ng siyam-siyam rito.” Tumango sila sa sinabi ni Andrei. Tumayo na sila at parang mga aso talaga na sinusunod ang plano ni Ginno. Nakatanaw na lang ako rito kasama si Andrei. Sumama pa siya para bantayan ako e, paano ko naman sila magagantihan sa ginawa nila kay Maki. “Andrei, akala ko ba sa Highway centre tayo pupunta kanina?” “Masyadong malayo at hindi ako papayag kung kotse ko ang gagamitin,” sagot niya. Nakarinig kami ng ingay ni Andrei pero medyo malayo iyon. Lumabas si Ginno at sumenyas na walang tao, gano’n din ang iba. “Andrei, nasaan ka?” Sumulpot siya sa gilid ko na pawis na pawis. “Sabihan mo sila na magtago, bilis!” utos niya. Lumabas ako sa lumang dyip at umakyat sa bubong nito. Nakita ko sila Ginno. “Hoy! Parating na sila, magtago kayo. Ako na ang bahala!” Tumalon ako at tinaas ang kanang kamay. Ito ay simbolo nang labanan. “Hannah, a-anong ginagawa mo? Bakit ka sumisigaw d’yan!? Bumaba-” “Huwag kang matakot, Andrei. Ako nga bahala sa ‘yo, ‘wag kang matakot kapatid!” sigaw ko. “Hannah!” sabay-sabay na sigaw rin nila Ginno. Sigaw na parang papatayin nila ako. Napakamot ako sa ulo ng makitang hinahabol na sila ng kalaban. Ba’t ba sila tumatakbo. Mga duwag! “Hannah, bumaba ka nga d’yan! Isa!” Kumilos naman ako dahil galit na si Andrei. Naduduwag na rin siguro siya. Hinawakan ako ni Andrei at tinago sa likuran niya. May mga ilang kalaban ang nasa harapan namin. Napansin kong parang ngumisi si Andrei. Tinulak niya ako sa loob ng lumang dyip at sumugod sa kalaban. Napasapo ako sa pwetan ko. Walang hiyang Andrei. Gusto niya siya lang ang makipagsuntukan, sige. Pagbibigyan ko siya. Umakyat ulit ako sa taas at pinagmasdan ang iba. Napakagat ako sa daliri ko nang makita kung gaano kadami ang kalaban. Kaya pala ayaw na ayaw nila Ginno na kalabanin ang mga ‘to. Hanep sila, parang kasin dami nila ang mga langgam. Marami namang napabagsak ang mga kasama ko pero hindi nauubos ang mga kalaban. “Hoy! Hannah, tumulong ka!” sigaw ni Sonny. “Anong tinutunganga mo d’yan ah!?” Nakikita ko tuloy sa itsura ni Ginno na mas galit sa akin. T-Teka, inaano ko ba sila? Umupo ako at nagkunwaring relax na nanonood ng laban nila. “Oh! ‘Yan lang ba ang kaya niyo? Madami pa ang kalaban ohh..tingnan natin ang mga galing niyo ngayon.” Mas lalo naman silang nainis sa sinabi ko. Tumawa lang ako at sabay pumalakpak ng tatlong magkasabay ang napatumba ni Brad. “Wooohh! Ang galing mo, Brad!” Cheer ko. Pero bigla naman siyang nasuntok ng kalaban. Ayun tuloy sa akin kasi nakatingin e, alam ko naman na maganda ako. Napasapo naman ako ng ulo na makitang nakikipagtakbuhan lang si Jet sa kalaban. “Jet! Ano ‘yan, ang duwag mo masyado pero sige ipagpatuloy mo ‘yan at mailigaw mo sila. Dalhin mo ang mga tukmol na’yan d’on sa maraming aso!” Nakita ko naman sila Fed at Garry na nakikipaglaban malapit sa bahay-kubo ng mga tukmol. “Bahay-kubo..kahit munti. Ang halaman dito ay puro mga tukmol..” Napatigil ako sa pagkanta dahil raw sa ganda ng boses ko. Tumayo ako hinahanap kung saang lupalop si Karl. Ayun! “Karl! Kaya mo ‘yan, huwag kang sumuko!” Bakit mas maraming nakapalibot sa kaniya? “Karl, hindi ko isasaulli ang jacket mo kung hindi mo matalo ang lahat na nakapalibot sa ‘yo!” “T-Tumahimik ka! Manood ka na lang kung gusto mo manood! Ang ingay mo!!” Napakamot ako ng ulo sa inasta ni Ginno. Naiinis ba siya sa dami ng kalaban o nagagalit siya sa akin? Chini-cheer ko nga lang sila at para hindi sila sumuko. “Ayaw niyo kasing tulungan ko kayo. Wala akong ibang gagawin kundi ang i-cheer kayo! Okay, simulan ko na ang pasabog!” Inangat ko ang dalawa kong kamay at pumalakpak ng tatlong beses. “Two, four, six! Go!” Nagsimula akong mag-jumping jack at bumilang. Nakakapagod naman ‘tong ginagawa ko para sa kanila at mas tumitirik pa ang sikat ng araw. Matapos kong mag-jumping jacks ay nag-push up ako. Galing ko kaya sa mga ganto. “H-Hannah..takbo na..” Hindi ko pinansin ang sinabi ni Andrei at nagpatuloy sa ginagawa ko. “H-Han..sabing t-takbo na..” “Tumahimik ka! 21, 22, 23..” “Takbo na!” dinig kong malakas na sigaw ni Ginno. Nang-iinis ba sila? Asan na ba ako? 20, 21. Hindi, tapos na ako sa 20. 31, 32. Napamura na lang ako at tumayo. Hindi pa ba sila tapos, dinadamay pa nila ako. Mga kainis. Pero sa tingin ko malapit na ako sa 100. Wow, 100 push up? Ang galing ko naman. “N-Nasaan sila?” tanong ko sa sarili. Nabigla naman akong makita na nakahandusay na sa lupa si Andrei. Si Ginno naman ay patuloy sa pakikipag laban at sinisigawan si Andrei. Hindi naman karamihan ang mga nakapalibot kay Ginno at Andrei. Nasilayan ko pa ang mga iba namaing kasamahan na nasisitakbuhan at hinahabol naman sila ng ilang kalaban. Tumalon ako mula rito sa bubong ng lumang dyip at lumapit kay Andrei. “Andrei, okay ka lang ba?” Hindi ko mapigilang mag-alala sa pinakita niyang itsura. “S-Sumabay ka na kina, F-Fed. Takbo na, Hannah..” Binatukan ko siya sinabi niya. “A-ayaw niyo kasing tumulong ako ayan tuloy..Hindi niyo ba alam na ako ang natitirang pag-asa ng bayan ay este sa groupong ‘to-” “Hindi ito ang oras para makipag-biruan, Hannah! Tulungan mo si Andrei at umalis na kayo!” Napakamot ako ng ulo sa utos niya. Hindi naman siya malakas para umastang bayani. Mabuti na lang at hindi ako sinusugod ng iba. Mga gentleman. “Hihintayin ka namin ni Andrei hanggang kailan ka matapo d’yan. H-Huwag mong kalimutan na nandito ako. Ako ang natitirang pag-asa ng baya---” Napatigil ako ng makaramdam ng suntok. Handa na sana akong makipagalaban pero si Andrei ang sumuntok sa akin. Okay lang, pagbibigayan ko siya ngayon. Mahina lang naman ang suntok niya malayo sa bituka ko. Anong connect? Wala! “Alis na! Habulin mo sila Fed at t-tulungan sila. Kaya ko pang lumaban…” Nahihirapan siya pero kinaya pang tumayo. “Isa lang ‘tong laro, mga kakilala at kaibigan pa rin sila ni kuya Ginro kaya wala ibang mangyayaring masama sa amin ni Ginno.” “Tama si Andrei, ikaw at ang iba ang delikado kaya sundan mo na sila, Hannah!” dugtong ni Ginno. Nakakapagtaka tuloy, bakit parang mabait sila. May naalala ako, nangyari na ‘tong gantong eksena mismo. Ngumiti ako ng malapad at nagsimulang sugurin ang ibang kalaban. Tatlong magkasabay agad ang natamaan ko, bummigay ang isa at tuluyan ng natumba sa lupa. Pareho silang mga nanghihina na lalo na kaya sila Andrei. Naramdaman kong parang ako lang ang kumikilos kaya nilingon ko sila at pagkasbay non ang pagtama sa akin ng suntok sa kaliwang pisngi. Langya naman, sguradong papatol sila sa babaeng tulad ko. Mala dalagang pilipina ang ganda ko tas masusuntok ako ng ganito? Hindi ako papayag! Mabilis kong hinarap sila Ginno at Andrei na magkatabi. “Kumilos na kayo!” Tama, hindi ko dapat sayangin ang pagkakataon na’to at sana gan’on din sila. Join Force ang tawag sa gantong eksena namin. Likas na matitigas ang ulo pero kami ang pag-asa ng bayan! “Kami ang pag-asa ng bayan!” sigaw ko at sinalubong ng makas na suntok ang ika-limang umatake. “A-Aray..” daing ko ng tinamaan nila ako sa puso ay este malapit sa dibdib ko. Swerte ko at kakatapos lang ng woman thing ko kahapon. Nakakapagod na at mukhang mas dumadagdag pa ang mga kalaban. “Hannah! Andrei! Takbo na!” Nakakainis at wala na rin akong nagawa kundi ang tumakbo. “Maghiwa-hiwalay tayo! ‘Wag kayong sumunod sa akin!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD