CHAPTER 14

1418 Words
CHAPTER 14: Aso! Ang tagal naman! Parang babae naman kumilos ang isang ‘yon. “Hannah!” Napalingon ako sa likuran ko at natatanaw ko sila Aki. Anong ginagawa niya rito? Sumulpot naman sa gilid niya si Maki kaya hindi na ako dapat magtanong pa. “P-Pupuntahan ko lang sila-” “Ba’t may nakabuntot pa sa ‘yo? Pauwiin mo ang mga ‘yan!” Tumawa ako sa sinabi niya. Tinapik ko siya sa braso. “Akong bahala!” Iniwan ko siyang nakasandal sa kotse niya at humarorot ng takbo papunta sa direksyon ng magpinsan. Sabay ko silang inakbayan. “Bakit nandito si Aki ah?” “G-Gusto niya sumama, wala akong kinalaman dy’an!” sagot ni Maki na ikinasimangot ni Aki. “Maraming kinuwento si Maki sa akin, Hannah kaya hindi na magbabago ang desisyon ko-” Bumitaw ako sa kanila at binatukan si Aki. “Akiro! Hindi kasali si Maki sa grupo na ‘yon, m-maging ako nga ay hindi rin kasali e!” Tama! Kung gusto niya sumali sa grupo nila Ginno na puro away lang alam ay hindi siya pwede d’on. Ang tulad ni Aki ay dapat nasa school at nag-aaral ng mabuti. Pansin ko ring madalas na rin siyang hindi pumapasok, ngayon niya pa balak magloko na nasa first section siya. “N-Nag-aalala lang kasi ako sa’ yo-” “Hoy! Ako ba ginagago mo!? Aki kung sasali ka para mo na lang din dinagdag ang responsibilidad ko.” Pinanlakihan ko ng mata si Maki nang mapansin kong nagpipigil siya ng tawa. Lang ya ‘tong isang to! “P-Pero kasi...Hannah may hindi pa pala ako nasasabi sa ‘yo…” Napasapo na lang ako sa noon nang marinig na naman ang paulit-ulit na sinasabi ni Aki. Hindi naman importante siguro ang sasabihin niya. Pa-Thrill talaga! “Hannah, ‘wag mo pakinggan ang sasabihin niya. Sa amin lang ‘yon e, ‘di ka kasali!” Inirapan ko siya. Umakbay naman siya kay Aki. “Hannah, ako na ang bahala sa kaniya! Hehe, goodluck sa lakad niyo ni Mr. Coward.” Lagot siya, isusumbong ko siya pero hindi ko mapigilang tumawa kay Maki. Pero napansin kong malungkot si Aki. Ano bang nangyayari sa kaniya? Mamaya ko na lang siya kakausapin. “Maki, bumalik na kayo sa warehouse. Yari ka sa akin kung may ginawa kayo kay Aki!” Ngumisi naman ng nakakaloko si Maki parang may binabalak na hindi maganda. Hindi ko na lang siya pinansin at pinagmasdan si Aki. Hindi siya nakatingin sa akin. Hinila niya lang si Maki at tumalikod na. “H-Hintayin niyo na lang a-ako-” “Oo na!” sigaw na sagot ni Aki. Ba’t ang seryoso niya? Oo, alam kong matampuhin siya pero hindi ‘yong ganito. Mabilis naman akong tumalikod nang makita kong pareho silang nadulas sa dinadaanan nila ni Maki. Nagkunwari na lang akong walang nakita. Narinig ko pa ang pagtatalo nila pero lumingon agad ako nang marinig ang boses ni Maki na uma-aray. Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad na. Akala ko talaga mas matapang si Maki pero ng pinungutan lang siya sa tenga kala mo mamatay na siya. Mas panganay pa rin naman sa kaniya si Aki kaya alam akong si Akiro ang masusunod sa kanilang dalawa. Masyado lang kasi siyang nagpapasiga, ang bata talaga ang kukulit. 15 years old pa lang si Maki at 14 siya n’ong kasama na nila Ginno. Kung may magtatanong kung paano siya napadpad sa isang g**g, lahat naman sa mga nakakaalam ay ako ang ituturo. “Ayaw yata ni Hannah sumama.” Napabalikwas naman ako ng marainig ang pangalan ko. Tumawa pa siya na ikinainis ko. Tsimoso ba ‘to? Ba’t pinag-uusapan nila ako. “Huh? A-Ano?” tanong ko kay Garry. “Maiwan ko na raw sabi ni Ginno,” sagot niya at tumawa. Iniripan ko na lang siya at hindi na pinansin. Gusto niya lang maghamon ng laban sa akin. Hindi ko naman nakita si Andrei. Asan kaya siya, hindi niya naman ako iiwan sa mga kumag na ‘to rito. “Mauna na raw tayo,” sabi ni Fed. Nauna na siya maglakad at sumunod naman sila Sonny at Jet. “T-Teka, saan kayo dadaan?-” “Oh! ‘Di ba sabi ko sa inyo ayaw sumama ni Hannah.” Akmang susuntukin ko siya ng bigla siyang tumakbo at humabol kina Fed. “Duwag ka lang hayop ka!” sigaw ko at hinabol siya. “Gusto mo talaga ako labanan, tara! kala mo natatakot ako sa ‘yo!?” Hindi ko alam kung bakit ang iba rito sa likuran ko ay nagsitakbuhan rin. Nabutan nila ako ayy nauna pa pala sila sa akin. “Hannah! Takbo na!” T-Teka ba’t kasama si Karl? Nagtaka naman ako. Gusto ba nilang mapagot sa kakatakbo, paano naman sila Andrei. “Nand’yan na sila!” sigaw ni Karl at hinila ako. “Hoy! Karl, hayaan mo na ‘yan. Ayaw niya talaga sumama!” Iniinis talaga ako ng gago na ‘yon! May narinig akong mga ingay. Hindi na ako lumingon pa sa likuran ko at mas nilakasan ang takbo ko. Ako na rin ang humila kay karl, ang hina niya naman tumakbo. “Stop!” galit na sigaw ni Sonny. Lahat naman kami napahinto. Malayo na kami at siguradong hindi na kami maabutan pa. “Anong sabi sa inyo ni Ginno ah?” Nagsitinginan naman ang lahat. “Si Hannah kasi ‘yon-” “Hoy! Anong ako? Inaano ko kayo d’yan?” Kainis talaga tong si Garry, pati ‘yong iba tuloy ako sinisisi. “Sino unang tumakbo?” tanong ni Jet. Gusto ko sanang sumagot na. Malamang siya, siya ang pinakamabilis tumakbo sa lahat kaya nga jet ang pangalan niya. Nagsisihan naman ang lahat kung sino ang unang tumakbo. Napa-ngisi na lang ako na si Garry ang unang tinuturo ng lahat. Siya naman kasi ang unang tumakbo. “Hannah, ikaw rin kaya. Fed, si Hannah rin ang unang sumigaw. Hinamon niya pa nga ako ng laban.” “Tahimik na, hintayin na lang natin sila dumating. Si Hannah at Garry ang may kasalanan.” Halos silang lahat ay nakaupo sa damuhan. Nakatayo ako pati si Garry. Nanggagaya ba ang isang ‘to? “Mga walang hiya kayo!” Lahat kami tumingin sa gilid. Bakit doon sila dumaan? Kawawa naman si Andrei. Ang kakapal ng mga d**o ro’n e. Pero nakakatakot ang itsura ni Ginno. Para akong kinalibutan ng may dalawang kamay ang humawak sa balikat ko. Mas hinarap niya ako kina Ginno. Sila Andrei at Brad ay busy sa pagtatanggal ng mga nakadikit sa kanilang pantalon at shorts. “Ang titigas ng ulo niyo! Sino ang nagpagising sa mga aso do’n!” Parang umalingaw-ngaw ang sigaw ni Ginno. “G-Gin..si Hannah ang may-” “Gago, ka ba!? Bitawan mo nga ako. Ikaw kaya ang tumak-” Nagulat naman ako ng tulakin niya ako papalapit kay Ginno. Ngumit na lang ako ng pilit ng nakaharap sa kaniya. Nakalimutan ko sobrang takot pala siya sa aso. “U-Uuna na ako sa inyo!” Mabilis na tumakbo si Garry kaya wala na rin akong nagawa. Isa na lang choice ko ang tumakbo rin. “Hintayin mo akong hayop ka!” sigaw ko at hinabol siya. Sabay naman kaming napahinto ni Garry ng hindi nila kami hinabol. Sabay rin kaming tumawa na sa kanila nagagalit si Ginno. Sila ang naiwan kaya tiyak na sa kanila maglalabas ng galit si Ginno. Mabilis namang kumilos ang lahat ng hinawakan ni Ginno si Sonny sa kwelyo nito. Tumakbo na ang iba at mas nakakatawa si Fed pa ang unang tumakbo. Siya ang nangunguna sa lahat papunta sa direksyon namin sinundan naman ni Jet ay nauna na pala si Jet. “Hintayin mo sila, Hannah. Bahala ka na..” Tumakbo na si Garry. Akala niya bobo ako, malamang Oo. Dejoke lang, tumakbo na rin ako dahil siguradong huhulihin nila kami at ihaharap kay Ginno para hindi rin sila mabigyan ng punishment. “Ayaw niyong huminto!? Humanda kayo sa akin!” dinig kong sigaw ni Ginno. Siya lang naman ang may malaking bibig. Lahat ng nga sila tumatakbo na rin, para tuloy silang mg aso. “Ang mauuna siya ang malalagot!” malakas na sigaw ulit ni Ginno. Huminto naman si Garry. Naabutan ko siya at nauna na ako. “Ang mahuhuli mukhang aso!” sigaw ko. Tumawa ako ng marinig ang mga bilis ng kanilang paa sa pagtakbo. Kung maabutan nila ako. Sila lahat ang magiging aso ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD