CHAPTER 13: MOTHER FOR SALE
blahhh….blahhhh…
Pasok sa isang tenga labas sa isa! Sana pala nag earphone bago bumaba at sumabay kumain sa kaniya. Hindi man lang siya nahiya kay Tita Meld. Lakas din ng topak niya at parang umaktong bahay niya ‘to!
Hindi man lang nahiya. Mabuti at hindi ako nagmana sa ugali niya. Haynaku! Parang sira paulit-paulit siya sa mga sinasabi niya. Kaharap ko si Andrei at nakatingin siya sa akin. Kahit hindi siya magsalita alam kong sasabihin niya na makinig ako.
“Tapos na ako.” Tumayo ako at kinuha ang pinagkainan ko.
“Hannah.” Walang gana kong tiningnan si Andrei.
Kainis ang isang ‘to. Kung akala niya siguro makikinig ako sa kaniya, so pwes! Nagkakamali siya. Kapagod na makinig sa mga sinasabi ng babaeng katabi niya. Ng’ayon ko lang din napansin na magkatabi pala sila at katabi ko naman si Tita Meld. Edi, sila na ang close dalawa. Wala naman siyang kwentang nanay, sorry na lang kay Andrei.
“Ako na maghuhugas ng pinggan.” Tumayo rin si Tita at nakangiting kinuha ang pinggan sa kamay ko.
Nakakahiya kay Tita. Ginantihan ko siya ngiti at tumango. Katulad kay Andrei alam kong gusto niya ayusin ko ang pakikitutungo kay Mama.
Tumayo rin si Andrei at nag-inarteng tutulong sa paghuhugas ng pinggan kahit hindi niya naman ginagawa.
Fine! Pagbibigyan ko sila sa gusto nila. Makikinig lang naman ako sa paulit-ulit na sasabihin niya.
“Hannah, anak. G-Gusto mo bang lumabas b-bukas?” Napairap ako sa sinsabi niya.
Seriously? Hindi ako nakatingin sa kaniya at alam kong gan’on rin siya.
“Lagi naman akong lumalabas kahit may pasok o wala. Marami akong kaibigan kaya hindi ko kailangan ng kasama,” sarcastic kong paliwanag.
T-Teka ba’t kailangan ko mag-explain sa tulad niya.
“Ahh..okay. P-Pero baka may gusto kang ipabili. U-Uuwi ako b-bukas.”
Gan’on talaga!? Wala naman akong pake kung umuwi siya o hindi. Tinatanong ba niya kung anong gusto kong pasalubong? Asa siya!
“Wala naman akong ibang gusto at kahit kailangan hindi magbabago ang gusto ko simula noon.”
“Kung g-ganon ay ihahatid na lang kita palagi sa school mo-”
“Hindi na kailangan, madalang lang ako pumasok sa school. Wala na ba kayong ibang sasabihin? Paulit-paulit na lang ‘yan,” pagrereklamo ko.
Naramdaman kong tumayo siya at parang nakatingin sa akin. Natili akong nakatanaw sa ibang direksyon.
“A-Anak..sorry kung masyadong walang time si mama sa ‘yo-”
“Shut up!” sigaw ko at tiningnan siya ng masama. “Hindi ko kailangan ng presensya niyo! Mas ikakasaya ko pa nga hindi kayo nakakikita. Tsaka wala naman akong pakialam sa buhay mo at sana ganon ka rin para wala ng problema.”
“Baka nakakalimutan mong anak pa rin kita! Kulang ka pa rin sa disiplinang bata ka!”
“Alam niyo kaya kong disiplinahan ang sarili ko. Hindi niyo kailangan pang utusan si Andrei! Tama na nga, hindi man lang kayo nahiya sa may-ari ng bahay.”
Napansin kong pumewang siya. Huh, so naiinis na ba siya?
“Ano bang ikinagagalit mo? Sorry na nga kung wala akong time sa ‘yo-”
“Sinabi ko na nga hindi ko kailangan ng presenya nyo! Tumahimik na nga kayo! Asa naman kayo na nagagalit ako dahil palagi kayong busy? Huh, seryoso?” Tumawa ako na sa tingin ko ay may ikainis niya.
Kung sino ang madaling mapikon ay siya ang talo. Parang nanalo tuloy ako ng lotto nang naiinis na nga siya.
“Hannah, hindi ako nakikipagbiruan sa ‘yo. Maraming sinabi sa akin si Andrei, hanggang kailan ka ba ganyan? Hindi ka ba talaga titino? Gaano na ba katigas ‘yang ulo mo?”
“Kasin tigas ng ulo mo. Kailan ako titino? Siguro kapag kinarma na kayo at nakonsensya.” Tumawa ulit ako sa naging sagot ko.
“M-Matagal na ‘yon, Hannah. Hindi na natin maibabalik pa ang mga panahon at bu-”
Napasuntok ako sa lamesa na ikinatigil niya. Mas kinuyom ko ang mga kamao ko at sinubukang magpigil ng galit. Kung magpapatuloy pa siya sa sasabihin niya ay baka makalimutan kong nanay ko siya.
“Huminahon ka nga! Tingnan mo kung ano ang ginagawa mo. Nagagalit ka pa rin? Bakit totoo naman ang sinasabi ko ah! May maibabalik ka pa sa nangyari? Gumising ka, Hannah!”
K*ngina niya! bwes*t! Pero kailangan ko magpigil. Alam kong nanonood sila Tita. Hindi dapat ako maging immature at patulan ang walang kwentang babae na ‘to!
Sarili niya lang ang iniisip niya kaya wala siyang alam. Kung pwede ko lang siya paulanan ng suntok at para magising siya ay sana noon ko pa ginawa.
Tumalikod ako sa kaniya habang nakayukom pa rin ang mga kamay ko.
Pero hindi ko kayang pigilan pa ito. Pinigilan kong lumabas ang mga luha ko. Sawa na ako! Sawang-sawang na akong umiyak sa tuwing nakikita siya at nakakausap.
Alam ko naman ginagawa niya ‘to para makalimut ako, pero mas pinapalala niya lang. Wala siyang kwenta! Wala siyang silbi! Hindi dapat ako umasa sa tulad niya.
“Hannah, anak. Nandito ako palagi sa tabi mo, huwag kang matakot. Kahit anong mangyari ako pa rin si mama mo.”
“Sige, mag-drama ka lang hanggat may oras ka!”
********
“Oh, ano na!? ‘Wag mong sabihin na hindi ka naman tutulong sa paglilinis.”
Parang nasa bahay pa rin tuloy ako at kausap ang kainis na babaeng ‘yon. Tumayo na ako at kumilos ng maalala na nandito ako sa classroom namin. Sa dami kong iniisip, hindi ako nakalabas ng maaga. O-Okay, mag-aakto na lang ako na mabait at masipag ngayon.
“Ako na lang magtatapon ng basura,” sabi ko sa president namin.
President namin sa classroom pero kapag itong president namin sinuntok ko, siguradong isusuko niya ang pagiging reyna ng classroom na ‘to at ipamana sa akin.
“Ley, baka pwede ako na naman ang president next week?” sabi ng isa kong classmate na lalaki.
Balak ba akong unahan ng isang ‘to? Hindi naman kami nagulat dito ng sunod-sunod ang mga sinasabi ni Ley. Nakakamangha ang sunod-sunod na salitang lumalabas sa bibig niya at lalo na ang bilis niya magsalita. Isama pa ang reaksyon niya at mga ina-action niya parang mas nagiging katakot.
Sabi ko nga maglilinis na ako. Hindi na ulit ako magpapaiwan, nakarindi ang boses niya. Hindi man lang sya humingal matapos niya magsalita ay mag-rap pala. May classmate akong rapper nakakatuwa lang, candy rapper.
Matapos kong itapon ang basura ay nandito na ako sa parking lot. Sasabay pa ba ako kay Andrei? Wala akong pake kung ano ang ginagawa niya o kinaka-bisihan niya, pero nakakabagot na naman maghintay dito.
Napasandal ako sa kotse at hinintay siya. Magagalit na naman kasi ‘yon kapag hindi ako sumabay sa kaniya ng uwi.
Sana wala na nga ang babaeng iyon pag-uwi ko. Napaisip naman ako ng pwedeng gawin. Humarap ako sa bintana ng kotse at nagsulat gamit ang daliri ko.
“Ang dumi naman ne ‘to. Siguro mag-one year na ‘tong mga alikabok sa kotse ni Andrei,” kausap ko sa sarili ko.
Ang ganda pala ng writing ko. Sana ito na lang ang papel ko, willing akong magsulat araw-araw.
Halos lahat na ng salamin ng kotse ni andrei ay naisulat ko na. Kahit paulit-ulit lang ang sinulat ko ay sa tingin ko ito ang pinaka magandang naisulat ko sa tanang buhay ko.
Napanguso ako ng wala na akong masulat pa pero nakaisip naman ako. Maraming mga nakaparadang kotse dito at wala namang akong nakitang mga hayop ay tao pala.
Halos lahat nasulat ko na pero nagulat ako nang makita ang daliri ko. Parang nakakaiyak makita ito, parang inuling ang hintuturo ko.
“A-Anong nangyari sa daliri mo?” tanong ni Andrei na kararating lang.
Ngumuso ako sa bintana ng koste niya. Mabuti naman at nandito na siya. Hindi niya tatanungin kong buhay pa ako?
“Mother for sale?” Tinaasan niya ako ng kilay.
Attitude siya. Tumawa lang ako bilang sagot sa kaniya.
Sana nga may bumili sa babaeng ‘yon!