CHAPTER 12: Aki and Maki
“Alam ko na uutusan ko muna si Manang.” Tumayo siya at binuksan ang pintuan.
Ayaw niyang umalis agad ako. Kasalanan ko naman ang nangyari kaya pagbibigyan ko siya. May mga narinig akong mga ingay sa labas kaya sumilip ako mula rito sa pintuan ng kwarto niya.
Nakita kong pinapaglitan siya ng mama niya. Parang sira naman ‘tong nanay niya! Sirang plaka, paulit-ulit ang mga sinasabi. Nagtaka naman ako ng mabilis na tumakbo si Maki papunta rito sa taas.
“Matutulog po muna ako!” malakas na sigaw niya at ni-lock ang pintuan.
“H-Huwag kang maingay, nandito na silang mommy,” dagdag niya pa.
“Ikaw lang ‘tong maingay d’yan. Sa tingin mo ba mag-iingay ako kung gan’on ka pagalitan ng mommy mo? Pinanlakihan ko pa nga n’ya ng mata. Baka hindi siya ang mommy mo, Maki?” Tumawa siya ng malakas at binato ako nang unan. Sumosobra na ata ‘tong batang ‘to!
“Napaniwala kita sa mga kwento ko noon, haha. Hindi naman kasi gan’on si mommy. Nag-aalala lang siya sa akin. Ahh...alam ko na kung isumbong ko kaya kay mommy na ikaw may gawa nito, tiyak na magiging masaya ang araw mo sa pagpunta rito, Hannah!” mas naging malakas ang tawa niya.
Napasapo na lang ako sa ulo at binato ulit sa kaniya ang unan. “Tumahimik ka nga d’yan maging marinig ka ng mommy mo!”
“Natatakot si Hannah!” tawawang sabi niya.
Sino naman ang hindi matatakot sa mommy niyang tino-t*****e raw siya. Ewan ko kung totoo ba ‘yon, feeling ko pinagloloko lang talaga ng batang ‘to!
“Itigil mo na nga ‘yang kakatawa mo d’yan! Tulungan mo akong makalabas dito, hinihintay na ako nang kasama ko sa labas.”
Ano kayang ginagawa ni Aki n’gayon? Buhay pa kaya siya?
“Huwag ka muna umalis, ate!” Tumalon ako sa kama at sinakal siya.
“Tigilan mo nga akong batang kumag ka! Hindi mo ako ate at ayaw kitang maging kapatid at mas lalong ayaw ko sa mommy mo!”
“T-tama na! T-Tulong…” Binitawan ko siya ng makarinig ako ng mga yapak ng paa.
“T-Tulong...maawa kayo sa akin-” Pinandilatan ko siya ng mata para tumigil na siya sa pag-aarte niya.
Sinenyasan niya naman ako na magtago. Mabilis akong pumunta sa likod ng pintuan pero bago pa ako makakilos ay bumukas ang pintuan. Nagulat ako ng hinampas-hampas niya ako ng walis tambo.
“Halahh...itigil mo ‘yan, kuya! K-Kaibigan ko siya..” Masyadong maingay at sunod-sunod ang panghahampas niya sa akin. Pinilit kong kunin sa kamay niya walis pero masyadong mabilis ang mga kamay niya.
Sagabal pa si Maki kaya hindi ko masuntok kung sino man ang hayop na nanghahampas na walis.
“K-Kuya tama na, sabing kaibigan ko siya.”
Naging familliar naman ang boses na sinasabi niyang kuya. Pareho kaming napatigil ng tumilapon si Maki sa sahig. Napadaing siya sa sakit at mabilis ko siyang tinulungang tumayo.
“H-Hannah? A-Anong ginagawa mo rito?”
Galit ko siyang hinarap at para maturuan ng leksyon. Ang tigas ng ulo ng isang ‘to sabing tumigil, ayaw tumigil.
Nanlaki ang mata ko ng makita siya. Hinead-lock ko siya at tiningnan ng masama.
“Paano ka nakapasok ah! Hindi ka pa nag-iingat, pano kung makita tayo at kasuhan ng trespasing. Kahiy kailan, Aki!”
“B-Bitawan mo muna ako,” pagmamakaawa niya.
“Magkakilala kayo? B-Bitawan mo siya, Hannah.” Binitawan ko naman siya gaya ng utos ni Maki.
“Akiro, is there something wrong?” Mabilis na lumabas si Aki ng kwarto at sinabing nalalaro lang sila ni Maki.
Sinirado niya ang pintuan at humarap sa amin. Katabi ko si Maki. Magkaaano-ano kaya sila ni Maki? Tinawag siyang kuya at nakapasok lang siya agad sa bahay na’to.
“M-Maki, wala bang ginawa na masama sa ‘yo si Hannah? Siya nga pala si Hannah, kaibigan ko.”
May gana pa siyang magpakilala.
“Kaibigan ko rin si Hannah, a-at bakit nandito ka?”
Parang mas gusto ko na lang muna magpaalam lumabas. May galit ba ang dalawang ‘to?
“Naghihirap kasi si Hannah kaya akala ko may gusto siyang nakawin rito sa inyo. Sinabi ko na rin kay Tita na mag-ingat. Nabalitaan ko rin na binugbog ka ng isang babae.” Literal nanglaki ang mata ko sa mga sinabi ni Aki.
Pansin kong nagpipigil ng tawa si Maki. Parang may kinalaman yata siya sa kwentong babae ang bumogbog sa kaniya. At isa pa itong Aki, paano niya nasabi na may balak na magnakaw rito, e wala naman akong nagugustuhan sa mga gamit ni Maki.
Ngayon ko lang din napansin na nagtatalo silang dalawa. Hindi ko alam kung ano ang pinag-aawayan nila.
“T-Teka lang tumigil nga kayong dalawa! Ang ingay niyo baka gusto niyong balian ko kayo ng buto!” pananakot ko.
Ngumiti naman ako ng pilit ng makita ang reaksyon ni Aki na parang natatae at parang nagulat sa sinabi ko. Si Maki naman ay parang nag-iisip.
“Isusumbong kita kay kuya Ginro!”
“Binibiro ko nga lang kayo e! T-teka pagka-ano-ano ba kayong dalawa?”
Natinginan naman silang dalawa at parang magsisimula na naman magtalo.
“Lolo ko siya!” sagot ni Maki.
“Apo ko naman siya.” Bigla naman tumawa si Maki sa sagot ni Aki.
“Ayy...hindi! Pinsan ko siya, Hannah. P-Pero pekeng pinsan. Inampon lang siya nila Tit–”
“Anong sabi mo? Isusumbong kita kay–”
Tumikhim ako para maalala nila na nandito ako. Kanina pa sila, isa na lang at pag-untugin ko na mga ulo ne'to.
“Itigil niyo na nga 'yan. Wala na akong pake kung magkaano-ano kayo dalawa. Okay? Aalis na ako, bahala na kayong dalawa.”
Obvious naman na related silang dalawa. Ngayon ko lang din na-realize na halos may mga pagkakahawig sila Aki at Maki.
Kinilabutan ako nang sabay nila akong hawakan sa balikat. Hindi ko alam at parang na-alarma ako at sabay kong binalibag ang kamay nila.
“T-Teka, sigurado kapag d'yan ka dadaan?” tanong ni Aki.
“Oo, nga. Ang taas nyan. H-hindi mo kaya– Aray.”
Nauna kong binitawan si Aki at nanatiling hawak ko ang kamay ni Maki habang dumadaing siya. Nakita ko naman na masaya si Aki sa ginagawa ko kaya agad ko na lang binitiwan si Maki.
Nagtinginan silang dalawa at parang magsisimula na naman ng away.
“H-Hannah, so ibig-sabihin si Macky ang tinutukoy nila Fed kanina?” nagtatakang tanong ni Aki sa akin.
Ba't ngayon niya lang naisip? Magagalit rin kaya siya sa akin?
“Kilala mo si Fed? Sinusundan mo ba ako!?” Parang naghahamon ng away si Maki.
“Oo, naman matagal na kaya kaming magkaibigan ni Hannah kaya malamang kilala ko ang mga kaibigan niya,” sagot ni Aki.
Marami pa silang mga sinasabi at pinag-uusapan dalawa habang nandito ako sa harap nila. Parang may naalala ako at na-mis-miss dahil sa dalawang 'to.
Ewan, siguro dahil sa nakakaramdam na naman ako ng sakit ng puson ko kaya parang gusto ko ng umuwi.
Hindi ko rin p'wedeng isali si Aki sa g**g nila Ginno. Parang mas magiging mabigat silang dalawa sa akin.
Habang busy sila pagtatalo nila ay mabilis na akong dumaan sa bintana. Masyado ngang mataas ito pero hindi naman ako tatalon. Maganda ang pagkakagawa ng bahay nila Maki pero sasabihin kong madali nga silang mananakawan.
“H-Hannah!” dinig kong sabay na sigaw nila.
Mga oa naman maka-react ang dalawang ‘yon! Nag-wave na lang ako sa kanila at nagpaalam na mauuna na.