CHAPTER 11

1547 Words
CHAPTER 11: Macky Lopez “T-Tita, alis na po kami!” paalam ko habang palabas na ng bahay.  Nagtaka naman ako ng hindi sumagot si Tita at hindi ko makita rito sa labas si Aki.  “H-Hannah, gusto mo ng pan cake!?” Nagulat naman ako sa biglaan niyang pagsulpot sa likuran ko.  Naka ngiti siya at masayang inaalok sa akin ang dala niyang pancake na nasa tupperware.  Hinila ko naman agad siya palabas.  “Tita! Alis na po kami!” malakas na sigaw ko.  Nakita ko lumabas si Tita sa may pintuan. “Mag-ingat kayo. Hannah, pumasok kayo sa school. Bilisan niyo na at baka ma-late kayo!”  “Sige po, Tita!” sagot ko.  “Paalam po, salamat sa pancake!” masaya namang sigaw ni Aki at kumaway pa. Mabuti at wala ng ibang sinabi at tinanong si Tita sa akin kanina. Pinakita ko lang naman sa kaniya ang tagos ko sa likuran kaya tumango lang siya.  Naunang naglakad si Aki sa akin at umupo sa bench. “Ang sarap nito, Hannah.”  Pinagmasdan ko na lang siya habang kumakain. Naalala ko tuloy ‘yong gabi na lumabas kami ni Aki. T-teka, nasaan na kaya ‘yong si Lawrence? Okay na kaya siya or binugbog na naman ulit? “Ba't nakatulala ka? Ayaw mong umupo?” pag-aagaw atensyon ni Aki sa akin. Umupo naman agad ako sa tabi niya at sabay batok sa ulo niya. “A–aray, para san ‘yon?” tanong niya sabay tingin sa akin ng masama. Mabilis kong kinuha sa kaniya ang natirang pancake. “Ang takaw mo–”  “N-Nagugutom na ako eh. Akin yan, Hannah!” Pinilit niyang kunin sa akin pero tumakbo na ako.  Hinabol niya ako pero bigla naman akong huminto nang maalala na me'ron ako nga'yon.  “Marami ka ng kinain, ‘di ba? Akin na ‘to nagugutom na rin ko.” Sumimangot siya at sumabay ng lakad sa akin. Inunahan ko siya sa paglalakad ng naririndi ako sa boses niya. Puro siya tanong.  “Sumunod ka na lang kung ayaw mong pumasok.” Napansin kong sirado ang gate kaya mabilis kong hinila si Aki.  “Dito tayo dadaan?” hindi makapaniwalang tanong niya.  “Hintayin mo lang ako rito sa labas.” Hindi ako makakaakyat rito sa may pader, kahit man hindi ito gaanong kataas. Bakit nga'yon pa ako nagkaroon. Sabi ko na nga ba puro kamalasan ang hatid nitong si Aki.  ‘‘H-Hannah, s-sigurado ka ba sa ginagawa mo?”  Alam ko na! Hinawakan ko siya sa balikat at pumunta sa likuran niya. “Aki, hindi ako makaakyat. O-Okay, lang ba kung tulungan ako ng balikat mo?”  Nag-pout siya at nagkamot ng ulo. “K-Kung ako na lang kaya ang aakyat? delikado para sa ‘yo, Hannah. N-Naghihirap na ba kayo?” Binatukan ko siya ng marinig ‘yon. Anong bang sinasabi niya?  “Hindi ‘yon ang gagawin ko. Makinig ka nga sa akin, Aki. Alam mo gusto ko ng umuwi, promise,” paliwanag ko sa kaniya.  “M-Matutulungan naman kita kapag k-kailangan mo ng pera. H-Hindi mo naman kailangan magnakaw ah!” Ayaw ko na nga siya kausapin pa. Pwersahan ko siyang pinaupo at mabilis na nilagay ang paa ko sa balikat niya. Naririnig ko ang mga reklamo niya pero wala  na rin siyang nagawa pa.  “H-Hannah, bumaba ka diyan! Isusumbong kita kay Andrei sa binabalak mo!”  “Tumahimik nga d'yan! Hindi naman ako magnanakaw. At kailangan ka pa naging sumbongero ah!? Malilintikan ka sa akin mamaya pagbalik ko.”  Baka matatagalan ako sa loob, kawawa naman siya kung iiwan ko rito sa labas. Kung kaya nya lang sana umakyat rin rito ay walang problema. Ah, mali. Dapat hindi ko na siya sinama pa para walang problema.  “A-anong bang gagawin mo sa loob ng bahay na ‘yan? H-Hannah may sasabihin ako sa ‘yo.” Pa-thrill talaga siya kahit kailan.  “Mamaya mo na sabihin ‘yan. Maghanap ka ng paraan kung paano makaakyat. Tutulungan kita rito, iabot mo ang kamay mo. P-pwede rin kung ang paa ko na lang tas singmutin mo na rin ang medyas ko, biro lang.”  Tumawa ako at biglang tumahimik ng maalala na nandito pala ako. “Bilis! Kilos na d'yan!”  “H-Hannah, k-kasi hindi ako p'wedeng pumasok sa bahay na ‘yan. A-ano kasi–”  “Okay, hintayin mo na lang ako rito. Babalik ako agad.” Masyado ba siyang matakutin. Siguro akala niya walang nakatira rito sa bahay na ‘to.   Naalala ko hindi ko pala dala ang tupperware na may pan cake. Nakababa pa naman ako.  “Aki! Hoy! Akiro. ‘Yong pan cake nasaan? Itapon mo ‘yan dito, sasaluin ko.” Ewan, ko ba kung naririnig niya ako, pero ang alam ko kinakain niya na ‘yon ngayon.  Humanda siya sa akin! Kumilos na ako bago pa may makakita sa akin. Gusto ko na ring umuwi dahil ramdam kong mas sumasakit ang puson ko.  Sirado ang pintuan sa kusina kaya sinubukan kong buksan ang bintana. Nabuksan ko naman ito at dumeretso sa isang kwarto rito sa baba.  Hindi pa ako nakapasok sa loob ng kwarto dahil kakalabas lang ng isang babae.  May katandaan na rin ito. Lumabas siya dala ang baso at bimpo.  Agad akong pumasok sa kuwarto at ni-lock ito.  “H-Hello,” bati ko at ngumiti ng pilit.  Akala ko magugulat siya sa akin pero nakita kong masaya sya. Tama sila, Sonny. Hindi matatawad ng sino man ang may kasalanan nito. Nakakainis lang at ako pa ang dahilan.  At hindi nga pala talaga ako mapagbibigyan ni Brando. Sana hinayaan ko na lang ang mga hayop na taga Highway. Humanda sila sa ginawa nila.  “A-Alam kong pupuntahan mo ako,” masaya niyang sabi.  Naalala ko tuloy si Aki. Lumapit ako sa kaniya at pinagmasdan ang mga pasa na natamo niya. Sa dinami-dami ba’t siya pa?  “Kumain ka na ba? May pagkain sa ref, ‘wag ka lang magpakita kay manang.” Nakangiti pa rin siya, hindi niya ba alam na ako ang may kasalanan sa nangyari sa kaniya.  Hanggang ngayon inaalala niya pa rin ako.  “Sanay naman akong hindi kumakain e,” sagot ko.  “Bumalik na ba sa warehouse sila, Ginno? H-Hannah, p’wede na ba kitang tawaging ate?”  Seryoso ba siya sa mga pinagsasabi niya? Mas lumapit ako sa kaniya at sabay batok sa ulo niya.  “A-aray! P-Para san ‘yon?” Tumayo ako at pumewang sa harap niya.  “Gago ka ba? Sabi ko sa ‘yo noon ‘di ba kung sakaling hindi na ako nakakagawa ng kalokohan ay pwede mo na akong tawaging ate kahit kailan at ilang beses mong gusto,” paliwanag ko.  Nagtaklob naman siya ng kumot at nag-aktong umiiyak. Lakas niya pa ring makagago.  “Maki, alam mo bang kasalanan ko ang nangyari sa ‘yo?” tanong ko sa kaniya.  Lumabas naman siya sa pagkakataklob sa kumot at sinubukang gulatin ako. Iniripan ko siya nang ikinatigil niya sa pagngiti.  “Kaya nga pinapaalala ko sa ‘yo na tawagin na kitang ate, b-baka kasi nakalimutan mo ang sinabi mo sa akin, noon.”  Napailing na lamang ako, nagpa-pa-cute ba ang isang ‘to?  “A-Ang sakit ng ginawa nila sa akin. H-hindi kita mapapatawad, Hannah!” Napakagat ko na lang ang daliri ko sa inakto niya, lalo pa nong nagismula siyang umiiyak na walang luha.  “Ako ang bahala sa kanila, pagbabayaran ko sila sa ginawa sa ‘yo.”  Nagtaka ako kung bakit binato niya ako nang unan. Nahulog ‘yon sa sahig kaya dinampot ko at tinapon sa mukha niya.  Napadaing siya nang tumama iyon sa sugat siya sa noon.  “Sorry na! H-Hindi ko naman kasi kasalanan ang nangyari.”  Umakto namang siyang umiyak na walang luha. “M-Mag-so-sorry ka ba o hindi!?”  Naiinis na tuloy ako sa batang ‘to. Inuutusan niya ba akong mag-sorry? Pero tama naman ako, hindi ko kasalanan ko siyang ang unang pinagtulungan ng mga taga-highway.  “S-sorry na,” napipilitan kong sabi.  Ngumti siya ng malapad. “You’re welcome!’  Gan’on na lang ‘yon? Ang kulit tala ng batang ‘to.  “P-Pero, mag-su-suggest pa rin ako kina Ginno na bigyan ka ng matinding punishment.” Mukhang sobrang saya niya ah pero ako hindi!  “A-Akala ko ba magkakampi tayo? Maki, naman walang ganyanan.” Ay, t-teka ba’t parang naduduwag ako. E, sila Garry lang naman ang makakalaban ko na magaling. Si Garry, magaling? Maniwala pa ako kung si Sonny.   “Hannah, nakikinig ka ba? T-Tapos sasabihin ko kay kuya Ginro ang nangyari para mas tumino ka na at matatawag na kitang ate,” mahabang lintaya niya. “Sasabihin ko rin kay kuya Ginro na wala ka lang ginawa.”  Ako ba tinatakot niya? Kahit man madaming natatakot kay kuya Ginro ay ibahin nila ako. Hindi naman siya nakakatakot at sa katunayan nga ay kaya ko na siyang talunin pag-uwi niya.  “ Tapos matitinding punishment ang ibibibgay sa ‘yo. Naalala mo pa ‘yon, ‘yong ginawa niya kay Ginno? Gan’on din ang gagawin ni kuya sa ‘yo.”  “Macky Lopez!”  Tumahimik ka na sana. Ang daldal niya pa rin masyado. Pinagsisihin k tuloy kung ba’t ko pa siya pinuntahan dito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD