CHAPTER 10

1531 Words
CHAPTER 10: Punishment Aabot siguro kami ng isang taon dito sa panenermon ni Gino sa akin. Ubos na lahat ng daliri ko sa kamay at paa sa pabalik-balik na bilang.  Napabuntong-hininga na lang ako at tumango-tango. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Hindi ko ba alam sa isang tenga ko na ‘to. Nilalabas niya lahat ng mga naririnig ko.  Si Aki nga pala nando'n sa labas. Mabuti na rin at si Fed ang kasama niya. Siguraduhin lang nila na wala silang gagawin kay Aki.  “Nakikinig ka ba!?”  Nagulat naman ako sa sigaw na ‘yon. Napatayo pa ako at nag-bow sa kaniya. Ay, mali dapat siya ang mag-bow sa akin kasi tapos na ang mahaba niyang speech.  “Hannah!!” sigaw niya ulit.  “Oo na, nakikinig ako. Ay, opo pala. Opo, Master!” pagbibiro kong sabi sabay ngiti ng malapad. Kasing lapad ng noo niya.  Biro lang. Gwapong nilalang ‘to si Gino, ireto ko na sa inyo.  “Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo,” walang gana niyang sagot.  Tiningnan niya ang ibang kasamahan dito at sinenyasan. Ano naman kaya ang plano niya?  “Simulan na, sampu ang mauuna!” utos niya. Akala ko pa naman, okay na. Nag-sorry na ako kanina.  “P-Pero, t-teka. G-Ginn–”  “Fine!” sabi niya at tiningnan ako ng masama.  Nakahinga naman ako ng maluwag. Alam ko naman na hindi nila ako matitiis dito.  “Lima muna ang mauna! Sa next round sampu! Simulan na!” dugtong na sigaw ni Gino na ikalaki ng mata ko.  Ano?  “Oh, ‘wag mong sabihin natatakot ka. Tayo na d'yan!” rinig kong sabi ni Sonny.  Nakasimangot ako habang tinititigan si Gino. May natitira pang oras at minuto para patayin ko siya sa isipan ko.  “Ang tigas pa rin ng ulo mo kahit kailan–”  Tumayo na ako at ngumiti ng pilit sa kaniya. Kanina pa siya nagsasalita kaya hindi ko na kayang tiisin pa ang makinig.  “Ito na ako, humanda kayo!” matapang na sabi ko at hinarap ang lima na nasa gitnang pwesto.  Tinapik ko sa braso si Gino at ngumiti ng pilit. Gusto kong sabihin sa kaniya na sumasakit ang tiyan ko pero alam ko naman na hindi siya maniniwala.  Ba't kasi ngayon pa sumakit ‘to? Ay, kagabi pa pala ‘to, hindi naman ako natatae.  “G-Gino, s-sumasakit ang tiyan ko...”  “Ngayon mo pa naisipang magpalusot. Labanan mo na sila d'yan ka naman magaling!”  As expected, hindi siya maniniwala. Ako pa tuloy ang nagmumukhang masama.  “Hannah, come on!” hapon ng isa at paniguradong si Garry ‘yon.  Ang yabang ng isang ‘to, akala mo naman malakas. Kaya ko pa naman indahin ang sakit ng tiyan ko at hindi ko rin hahayaan na mawala ang pagkakataon na malabanan ko sila.  Matagal ko rin ‘to hinintay kaya lalabanan ko sila kahit lima o sampo– “Bilis na!” sabi ni Gino at tinulak ako papunta sa gitna.  ‘Di makapaghintay ang isang ‘to. Inirapan ko siya at naglakad papunta sa limang naghihintay sa akin.  Sigurado ba silang lalabanan nila ako? Sana mag-iba ang desisyon nila. Hindi sa natatakot ako kundi dahil mas sumasakit ang tiyan ko.  “W-wohh..T-teka lang–Aray.”  Napahawak agad ako sa kabilang pisngi ko. Seryoso ba sila? Ang sakit, hindi ko napansin ang biglaang pagsuntok ni Sonny.  May galit nga talaga ang isang ‘to sa akin. Humanda siya, ready na ako!  Pero bago pa ako makaganti ng suntok kay Sonny ay sumugod si Garry. Nailagan ko ang atake niya pero hindi ko man lang siya nasuntok dahil may humila sa akin.  Nag-uusok na ang ilong ko habang tinitingnan siya ng masama. Lakas din ng topak nitong si Gino. “Karl! Pahiram ng jacket,” utos niya kay Karl.  Nakita ko naman na pareho kaming lahat dito naguguluhan sa inasta ni Gino. Hindi naman nagprotesta si Karl at inabot sa kaniya ang jacket.  Nakahawak pa rin siya sa braso ko at pansin kong hindi siya nakatingin sa akin. Sa akin ba nyan ibibigay ang jacket? P-pero bakit hindi niya masabi sa akin– “Hindi pa rin exempted ang punishment mo. Next week na lang itutuloy ang naumpisahan nga'yon,” paliwanag niya sa lahat.  Kainis naman ang daya! Nasuntok ako ni Sonny at ‘di man lang ako nakaganti. “H-Hiramin mo m-muna ang jacket ni K-Karl. M-May t-tagos ka–”  Nagulat ako sa sinabi niya kaya hindi ko na siya pinatapos pa at tinakpan ang bibig niya.  “Uhm..ehehe. Sige, u-una na ako. Sa next na lang natin i-ituloy ang laban. Aasahan ko ang presensya niyo lahat,” nahihiya kong sabi sa lahat na nakatingin sa akin.    Napansin ko naman ang naguguluhan nilang tingin kaya ngumiti na lang ako ng pilit at bago ko makalimutan ay binitiwan ko na si Gino.  Kinuha ko sa kamay niya ang jacket ni Karl at agad iyon sinuot sa likuran ko.  “S-sige, alis na ako!” paalam ko sa kanilang lahat at ngumiti ng pilit.  “A-anong nangyari sa 'yo!?” rinig kong sigaw na tanong ni Garry.  “Oo! Hannah, ‘yong jacket ko.” “Tumahimik kayo! Lima sa lima, simulan na ang laban!” rinig ko ring utos ni Gino sa kanila.  Hindi na ako huminto at nagpatuloy ng lumabas. Hindi ko na rin narinig ang ibang pag-uusap nila. Sobrang nakakahiya ‘to.  “Tapos na?” salubong na tanong ni Brad.  “Ano, k-kasi–pinapatawad na ako ni Gino. Oo, tama! Mabuti pa si Gino kaysa sa ‘yo,” pagsisinungaling ko.  “Impossible, hindi ako nakikipaglokohan dito..”  Pinahinto ko na siya sa sasabihin niya.  “Puntahan mo na lang siya at kausapin. Nando'n sila sa loob nag-aaway,” sabi ko sa kaniya. Nakita ko naman na umiba ang reaksyon niya. Mabilis naman siyang pumasok sa loob ng warehouse.  Gusto ko sanang tumawa pero hindi ito ang tamang oras. Pero mabuti na rin ‘yon na umalis na siya agad at hindi pa nagtanong. Nakakahiya naman. Siguro nga'yon kinukulit nila si Gino.  Sa hindi kalayuan nakita ko sila Aki at Fed.  “Hannah!” sigaw na salubong ni Aki sa akin.  Nagmumukha siyang batang matagal na hindi nakita ang mama niya.  Agad ko siyang inakbayan at naglakad paalis.  “F-Fed, una na kami!” paalam ko kay Fed.  Hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil mabilis na nakalayo na kami ni Aki. “H-Hannah, a-aray. Bitawan m-mo–”  Binitawan ko naman agad siya.  “Anong nangyari? S-sinaktan ka ba nila?” nag-aalalang tanong niya.  Hindi ko tuloy expect na kasama ko siya rito sa labas. Naalala ko tuloy madalas siyang nag-aalala sa akin at madalas din niya akong kamustahin kapag papasok ako sa school noon na may pasa at sugat. Siguro p'wede akong humingi ng pabor sa kaniya. Ay! H-hindi p'wede, idagdag ko lang ang kahihiyan nangyari ngayong araw. Uuwi na lang siguro ako sa bahay. Bahala na ako mapagalitan ni Tita.  “H-Hannah, okay ka lang ba?” tanong niya.  “Oo, naman ako pa. Isang beses lang ako natamaan ng suntok kanina..”  “Talaga? Ang galing mo naman. Sa dami nila ro'n isang suntok lang ang tumama sa'yo! Ang galing mo talaga, Hannah!” papuri niya.  Kung alam niya lang sana kung anong nangyari, sobrang nakakahiya. Kaya pala masyadong mainit ang ulo ko kanina, ba't hindi ko alam na nga'yon pala ang schedule na women thing na ‘to! “Alam mo, Hannah. Tinuruan ako ni Fed ng mga moves kanina. Tapos sinabi ko na rin kay Brad ba ‘yon? Na sasali ako sa kanila–” “Tumigil ka nga! Huwag mo na ituloy ang sumali sa kanila.”  Si Maki, okay na kaya siya?  “B-Bakit naman? Maganda nga ‘yon para may tumulong say–”  “Ayaw ko nga, Aki. Hindi ka ba papasok ulit ngayon? Uuwi muna ako sa amin,” sabi ko sa kaniya.  “Kung hindi ka papasok hindi rin ako. Samahan na lang kita sa inyo, Hannah..”  Inakbayan ko siya at mas diniin ang pagkakasakal sa leeg niya gamit ang braso ko.  Masyadong marami siyang sinasabi. Mas magandang tahiin na ang bibig niya.  “M-Masakit ba mga katawan mo kaya uuwi ka? Ano ba kasing nangyari kanina, siguro sa sobrang dami nila paniguradong basag lahat ng mga buto mo–”  Binatukan ko siya at binitiwan.  “Mas gugustuhin ko kung gano'n ang nangyari pero hindi! Kaya huwag ka ng magtanong pa! Sobrang laking kahihiyan ‘yon,” paliwanag ko sa kaniya.  “So, wala kang punishment nga'yong araw? Sabi kasi sa akin Fed, madalas ka daw may punishment dahil sa tigas ng ulo mo–”  Napasinghal na lang ako at sa dami ng sinasabi niya. Minsan ay madalas pala talagang nakakainis si Aki. Mas gusto ko pang makita araw-araw ang serious at mature side niya.  “Huwag ka ng magtanong p'wede ba? At tumahimik ka na, Aki. Isasama kita sa bahay para p'wede akong umalis ulit kaya tara na!”  Inakbayan ko siya ulit at nagsimula ng maglakad.  Ang punishment ko nga'yong araw ay kahihiyan. Nakaka-trauma, joke lang. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD