CHAPTER 6

1333 Words
Chapter 6: Pretty Taba Maaga akong umuwi kahapon at nagtalo pa kami ni Andrei dahil sa sobra niyang tagal. Hindi ko alam kung ilang minuto ako naghintay sa sasakyan niya. Gusto niya na sumabay ako sa kaniya palagi pero sobrang tagal niya. Tapos siya pa ang may ganang magalit. Ang lakas din ng loob. Kagabi pa kami walang kibuan hanggang ngayon. Ayaw ko rin kung ako pa ang maunang kumausap sa kaniya, nakakahiya naman sa pride ko. Hindi ko naman kasalan na sobrang tagal niya. Malamang magagalit talaga ako, ang hirap kaya maghintay nang nakatayo at nakasandal lang sa kotse. Tapos malapit pa akong makita ni Lawrence sa parking lot, ang hirap magtago lalo na kay Aki dahil ang loko sumandal din sa kotse ni Andrei at parang hinihintay ako. Pero mabuti nga at umalis lang din si Akiro dahil nga sobrang tagal ni Andrei. Ang dami ko kayang paghihirap tapos siya pa 'yong galit. Ay! Bahala siya! Ngayon, maaga na naman akong pumasok dahil ayaw ko din si Andrei makita. Tatlong tao na ang ayaw kong makita at pagtataguan ko. Ay, bale apat na rin pala. Dapat hindi ako makita ng mgandang babae kahapon dito. Wala na ako magiging freedom. 6:21 A.m pa lang kaya pala konti pa lang ang mga estudyante dito. Feeling ko tuloy laking achievement ito. Mabuting mag-aaral na ako! Masaya akong naglakad papunta sa aking room. At nang nakarating ako ay bigla na lang ako bumalik at umalis. Akala ko ako na ang pinakamabuting mag-aaral ngayon pero nagkakamali ako. Nang makita ko ang dalawa kong kaklase na naglilinis sa room ay bigla na akong tumakbo. Ewan na kung saan ako pupunta. Tanggap ko na ngayon na kahit kailan hindi ako magiging mabuting estudyante. Habang naglalakad sa hallway ay may nabangga akong isang estudyante. At ewan mukhang hindi ako 'yong nakabangga sa kaniya. Sino ba ‘to? Pero mabuti na rin at para may kasama ako. Siya ang nakabangga sa akin, para kasi siyang wala sa sarili eh. Mabuti na lang at hindi kami nadapa kasi sigurado ako na mamamatay ako ng maaga. Ang dami niyang dalang mga libro at nagkalat ang mga papel niya sa sahig. Mabilis ko naman siyang tinulungan. “S-salamat!” nagmamadali niyang sabi at tumakbo ng mabilis. Lumingon-lingon pa siya sa kung saan. Napapa-praning na ata siya. Sige, siya na bahala sa buhay niya. Habang naglalakad ulit ay napaisip ako kung ilan kaya ang kilo ng babaeng 'yon, super ang taba niya! Hindi ba siya nahihirapan sa kaniyang sarili kasi ako 'yong nahihirapan sa sitwasyon niya. Hindi ata uso sa kaniya ang diet. Hindi tulad ko sobrang payat pero gaya nga nang sabi sa akin ni Tita ay sexy daw akong babae. Natatawa na lang ako sa mga iniisip ko dahil siguro ito sa gutom. Sa mga iniisip ko rin ay may nabangga na naman ako, ay sila pala ang bumangga sa akin. Nananahimik akong naglalakad dito. Mga hinayupak nga naman oh! Apat silang mga lalaki at parang nagmamadali at may hinahabol. Nang mabangga ako ng isa sa kanila ay hindi man lang nag-sorry at hinayaan lang ako. “Nasaan na kaya 'yon? Haha, hanapin niyo nandyan lang yan nagtatago, hindi 'yon basta-basta makakalayo sa atin!” “Ang cute ng baboy na tumatakbo,” tawa na sabi ng isa. So, ang matabang babae kanina ang pinagti-trip-an nila? Tumakbo na sila sa dulo at naririnig ko pa ang kanilang mga tawanan. Sa pagkakaalam ko sila yata 'yong mga bullies dito. Akala mo naman mga guwapo ha! Hindi ko pa sila nakakaharap kasi patago naman sila nambu-bully dito. Takot lang na ma guidance at maharap ang mismong principal. Ako lang talaga ang nag-iisang matapang dito. Sana naman may award ako. Pero, nambu-bully nga talaga sila? Kawawa naman 'yong mataba na walang kalaban-laban sa kanila. Kaya pala parang wala siya sa sarili at parang takot na takot kanina. Wala pa masyadong mga estudyante kaya naririnig ko ang mga ingay ng apat na lalaking iyon sa malayo. Mukhang nakita na nila si taba ha! Tumakbo ako ng malakas para maabotan sila. Takbo lang ako nang takbo. Nakita ko sila doon papunta sa library pero pagsunod ko doon, takbo na naman sila. Ganoon lang ang mga nangyayari palagi. Nakita nila si matabang babae at nakita ko rin sya. Tumakbo na naman ako papunta roon pero hindi ko tuloy maiwasang hindi matakot baka minumulto kami ng matabang babae na 'yon. Bigla-bigla na lang siya nawawala at hindi mahanap-hanap ng mga apat na lalaki na iyon. Tsaka ako rin hindi ko siya mahanap. “Ay..palaka ka!” gulat na sigaw ko dahil sa pagkakabigla. Ginulat ako ng taba na ito. Nandito siya nakatago sa likod ng pintuan ng isang classroom. “S-sorry, hinahabol ka rin ba ng mga lalaki na 'yon?” tanong niya. Ang sarap tuloy pakinggan ang boses niya, ang cute. “Ahh..O-oo. Hinahabol din nila ako, ikaw ba? Anong ginagawa mo dito? Naglalaro ka ba nang tagu-taguan, sino kasama mo?” birong tanong ko. Pero sa totoo hindi natatawa ang nararamdaman ko kundi takot, paano kung sabihin niya na naglalaro nga siya ng tagu-taguan tapos mag-isa lang. Oh my! Katakot! Ayaw ko na! Bigla tuloy akong napaatras ng hawakan niya ako. “Wahh! Huwag mo akong hawakan!” gulat na sabi ko sa kaniya. Nakita ko naman na biglang lumungkot ang kaniyang mukha. “T-tulala ka kasi at m-mukhang hindi ka nakikinig sa akin,” malungkot niya na sabi. Gusto ko tuloy siyang bigyan ng lollipop pero wala akong pera pambili, utang na lang muna siguro ako sa canteen. Hindi ko alam ang sasabihin kaya sobrang tahimik namin pareho. Ang awkward tuloy. Hindi pala talaga ako friendly na tao. Pero p'wede muna kami magsuntukan tapos mawawala na ackwardness ko. Pero, agad kaming kumilos at nagulat nang marinig namin ang ingay mula sa hagdan doon sa kabila. Pareho kaming tumingin sa isa't isa at mabilis na tumakbo. “Hoy!” sigaw nila. Akala ko multo na kanina at sana nga multo na lang kasi nakakatakot pala itong mga tukmol na 'to na humahabol. Rinig na rinig ko ang kanilang mga yapak ng paa sa pagtatakbo at sinasabayan pa ng kanilang mga malalaking bunganga. Ayan tuloy mas lalong natatakot si taba na kasabay ko sa pagtatakbo at pati ako nakakaramdam na rin ng takot. Nahawaan niya tuloy ako. “Dito tayo,” sabi niya at pumasok sa CR. Hindi ako sumunod sa kaniya dahil naalala ko na hindi naman ako kasali sa footrace or fun raising nila eh! Hindi talaga ako kasali tapos nakikisali ako at tiyak na hindi naman ako mabibigyan ng premyo. “Halika, dito!” rinig kong bulong niya habang nakasilip sa maliit na butas. Old CR ito at nakakatakot ng itsura niya. Kanina pa akong nakakaramdam nang takot sa kaniya. Ang ganda niya kunan ng litrato at i-edit na may mga dugo sa pintuan. Creepy! Mas lalo ko lang tinatakot sarili ko. Naririnig ko ang mga ingay ng lalaki na naghahabol. Kaya wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa CR kasama ang taba na ito. Ni-lock niya ang pintuan at sumilip sa maliit na butas. Sobrang dilim dito. Naalala ko tuloy 'yong pinanood namin ni Andrei noong nakaraan. Horror pa naman 'yon at sa CR ginanap ‘yong tinanggalan ang mata. Naramdaman kong may malamig na kamay ang humawak sa akin kaya sa gulat ko ay bigla akong tumakbo palabas at iniwan siya. “M-multo! May multo!” sigaw ko. Ay..‘yong taba. Nasaan na siya? “H-Hintayin mo ako!” rinig kong sigaw niya at hinabol ako. Tingnan ko siya at sobrang pawis na pawis siya. Nakaramdam tuloy ako ng awa sa kaniya, pero hindi ko din maiwasan maawa sa sarili ko. Kung ano-ano 'yong mga iniisip ko at sarili ko mismo ang aking tinatakot kasi sa totoo naman wala namang nakakatakot talaga. Narinig namin pareho ang pagtunog ng bell, ibig-sabihin kailangan na naming pumunta sa aming classroom. Sabay kaming naglalakad at parehong hindi nagsasalita. Hamunin ko na ba siya ng suntukan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD