CHAPTER 5

1745 Words
Chapter 5: Dianne Rivera [Hannah POV.] Nakaka-inis tuloy bakit paulit-ulit bumabalik sa isipan ko ang kahihiyang ginawa. Ah, kainis! Ayan tuloy ang aga kong pumasok at nagtitiis ako ngayon sa pakikinig sa klase. Pag-uwi ko kanina sa bahay, nagulat ako dahil nakita ako ni Andrei na dumadaan sa bintana. Tapos pinagalitan niya naman ako at ang daming niyang sinasabi. Na ka babae kong tao lumabas ako pag-gabi at baka pagnasaan o ma-r**e daw ako sa labas. “Ahh! Kainis ayan tuloy naalala ko na naman!" sabi ko sa sarili sabay pukpok sa ulo ko. Nakakahiya, pinagbintangan ko pa talaga silang dalawa na may ginawa sa akin. Ayaw ko na tuloy makita pagmumukha nila. “Wahh! Kainis!” sigaw ko. “What’s wrong with you Hannah Lainne Martinez? If you don’t want to listen in our class discussion, you may go out!” pasigaw na sabi ni ma’am katty. T-teka sumigaw ba ako? She is Katty Ledesma not Katty Perry. Favorite teacher ko siya dati pero ngayon hindi na. Sa subject niya lang ako nakakakuha ng mataas na grade, which is 87 in second quarter. “You may go out Martinez, minsa ka nga lang pumapasok sa klase and you’re acting like one of the smarter here. I don’t like your attitude!” ma’am said. Wala naman akong ginagawa at sinasabi. Napatayo ako para mag explain, mabait ako ngayon at sinusubukan kong makinig sa klase niya. Hindi naman bago sa akin ito. Lagi naman silang ganyan sa akin. “M-ma’am, I didn’t do anything. W-what's wrong?” may halong pagtatakang sabi ko. “How many times I’ve asked you and you just staring at the ceiling. You are keep on saying kainis! You may go out until I have my patience to teach you’re classmates!” “M-maybe. I’m just thinking something..I’m s-sorry” pagpapaumanhin ako. “You may go out!” “B-but...” Wala akong nagawa at lumabas na lang ng classroom.“O-okay, fine!” 20 minutes na lang naman at makakapasok na ako ulit. Iisipin ko na lang na lalabas ako para sa mga kaklase ko. Baka kasi hindi siya magturo kawawa naman ‘yong mga classmates kong nag-aaral ng mabuti. Napagdesisyunan ko na lang na pumunta sa pinaka likod ng Building na’to. Nakita ko tuloy ‘yong daan kung saan ako tumatakas. Puwede naman siguro akong lumabas, saglit lang. Babalik lang ako ulit. “Puno ng santol, lalabas muna ako. Nagpaalam ako sa ‘yo ha! Maraming salamat at pumayag ka, sige! Labas na ako!” So, I’m here outside! Sinunod ko talaga anong gusto ng utak ko kahit hindi tama. Naglalakad ako papunta sa may playground, medyo malayo iyon pero pupunta ako. Sakto siguro pagbalik ko recess break na. Nagpaalam naman ako kay santol kaya hindi ako mapapatawag ulit sa guidance. May mga bench sa gilid ng mga dinadaanan ko at sa pinakadulong bench may lalaki at babaeng nakaupo. Siguro magkasintahan sila. Malamang sa Genvie SH University rin nag-aaral ‘yong babae, magkapareho kasi kami ng uniform at mukhang nag-di-date nga sila ng lalaki. Wala naman sigurong magkapatid, magpinsan or magkaanak na sobrang lapit sa isa't isa at maghahawak ang kamay. Nakakahiya naman kung dadaan ako sa harap nila kaya napag-isipan kong umupo na lang muna sa kalapit na bench. “M-mas mabuti pang maghiwalay na tayo,” rinig kong sabi ng babae. “Sabing busy ako. Susunduin kita mamaya!” “Ayoko na! Let’s break up, ang tigas ng ulo mo’t hindi ka nakikinig sa akin,” sabi ng babae at parang naiiyak na siya dahil sa iba ang tono ng boses niya. Hindi ako tsismosa sadyang naririnig ko lang talaga ang mga pinag-uusapan nila. Hindi ko naman kasalan kong malakas boses nila at hindi nila ako nakita. “Alam mo naman na hindi ako papayag sa gusto mo. Dianne, please makinig ka din naman sa akin. I’ll promise last na’to at hindi naman ako basta-basta makaka-alis doon. Magtiwala ka lang sa akin.” “Ayoko na nga! Makikipag-balikan lang ako sa’yo kung aalis kana sa groupo na yan!” sigaw ng babae at tatayo na sana siya ng bigla siyang hawakan at biglang halikan ng lalaki. “W-what the heck!” Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. First time ko tuloy makakita ng live kissing scene. Ang malas ko naman. Naalala kona naman tuloy yung kahihiyang ginawa ko. Tinakpan ko ang aking dalawang masasamang mata pero pagtingin ko “Oh! No!” napatakip ako sa aking bibig baka marinig nila. Okay lang ba sila? Mukhang hindi na sila makahinga eh! Grabe naman sila maghalikan. “Magkita tayo ulit dito sa labas mamaya,” sabi ng lalaki. “O-Okay, papasok na ako.” Naghalikan pa sila ulit at napaiwas ulit ako ng tingin. Akala ko ba nag-aaway sila at ayaw na ng babae. Gano'n na lang? “Hay! Kabataan nga naman,” sabi ko sa sarili. Nagmumukha tuloy akong matanda. Ano kayang pakiramdam kong hinahalikan ka ng lalaki? Ayy, put*! Ano bang iniisip ko. Tiningnan ko sila ulit pero ‘yong babae na lang ang naiwan, naka-alis na yata ang lalaki. Naglalakad na ‘yong babae, babalik na ata siya sa school. Malapit na siya sa akin kaya dali-dali kong sinuot ang earphone ko at sabay pikit ng mata. Kunwaring dinadamdam ko ang simoy ng hangin at ang katahimikan ng paligid. “Oh! A-aray..” pagdadaing ko. Bigla kong dinilat ang aking mga mata dahil sa sakit ng paa ko, natapakan niya. Sa dinami-dami bang puwedeng mangyari ito pa. “S-sorry, t-teka. Masakit pa ba?” tanong niya habang hawak ang paa ko. Pagminamalas ka nga naman oh! “O-okay lang.. hindi na masyadong masakit,” sabi ko sa kaniya at binawi ko ang paa ko sa kaniyang pagkakahawak. “S-sorry. Nakayuko ka kasi kaya pinipilit kong tingnan ang mukha mo at natapakan ko tuloy ang iyong paa mo,” pagpapaliwanag niya. “H-Hindi na siya masakit. Oo, tama h-hindi na talaga.” Tumayo ako at naglakad para makumpirma ko na okay na talaga. Mga nakatatlong hakbang pa lang ay medyo kumikirot na siya kaya napadaing ako sa sakit. Paika-ika ako ngayon lalakad. “A-alalayan na kita. Sorry talaga,” sabi niya at tinulungan niya ako sa paglalakad. May maliit na takong ang sapatos niya kaya siguro iyon ‘yong dahilan kaya mas lalong sumasakit ang paa ko. Sana hindi na lang ako nakinig sa pag-uusap nila. Kinarma yata ako pero hindi naman ako nakikialam sa lovelife nila at hindi ako tsismosa. Pero bakit kaya parang kinarma ako? “Okay lang ba sayo kung dalhin kita sa malapit na clinic dito?” tanong niya. Ang lapit niya sa akin at na aamoy ko ang pabango niya. Ano kaya perfume niya. “Nakikinig kaba?” “ A-ah. O-oo mas maganda siguro kung pumunta tayo sa clinic,” sagot ko. Pumunta kami sa malapit na clinic dito pero hindi ito sa school. Tiningnan nila ang paa ko at hindi naman nasugatan. Naging kulay violet nga lang siya. Sinabihan nila ako tungkol sa mga gagawin para mas madaling gumaling ang paa ko at gagaling din daw naman kaagad ito. Lumabas agad ako ng clinic at hinanap ko siya. “O-okay na ang paa ko,” sabi ko sa kaniya. Gusto nya pang tulungan ako pero kaya ko namang lumakad, pa ika-ika nga lang. Hindi ko alam kung saan ba kami pupunta basta't sabay ang mga paa naming naglalakad. “A-hmm. My name is Dianne Rivera,” pagpapakilala niya. Tumango lang ako at nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Hindi ako kumain ng agahan dahil nagmamadali ako kanina at kumakalam na ang tiyan ko. “A-anong pangalan mo?” tanong niya. Pinakita ko sa kaniya ang name tag ko. Napansin niya din siguro hindi ako nagsasalita at ayaw ko talagang magsalita baka ano pang masabi ko sa kaniya. Ang sakit ng paa ko! “B-Bakit parang ayaw mong magsalita. Galit ka pa rin ba? S-sorry talaga natapakan ko ‘yong paa mo,” pagpapaumanhin niya ulit. Kanina pa siya nag-sosorry. Hindi ba siya napapagod? Kasi ako naririndi na pakinggan. “Ayaw kong magsalita kasi kung sakali mang ibubuka ko ang bibig ko baka makain kita!” “Haha.. nagugutom ka na ba? Kaya pala naririnig kong kumakalam sikmura mo. Okay, tutal malapit na mag-lunch. Kain muna tayo.” “May pera ka?” tanong ko. “Oo, libre kita para naman makabawi ako kahit konti sa nangyari sa 'yo,” sabi niya. “Talaga? Sana kanina mo pa sinabi na ililibre mo ako para naman kausapin kita.” “Hindi ko naman alam na gutom kana pero tara na nga!” nakangiting sabi niya. Ganito mukhang komportable na kami sa isa't isa. Pumunta kami sa isang kainan dito malapit sa School. Pinapapili niya ako ng pagkain pero ayoko. Nakakahiya! Siya na ang pumili ng pagkain at ang daming niyang inorder. Bahala na siya sa gastos bastat gusto ko nang kumain. Konti lang ang kinakain niya at mabuti ‘yon kasi mukhang kulang pa ito lahat sa akin. Gutom na gutom na ako eh! Akala ko mauubos ko lahat ng pagkain sa lamesa pero hindi ko na kaya. Busog na busog na ako. Halata namang mayaman siya. “Hindi mo na kaya?” naka-ngiting tanong niya. “C-cr muna ako,” sabi ko sa kaniya at kita ko na natatawa siya. Nakipag pustahan ako sa kaniya na kung maubos ko ‘yong lahat ng pagkaing in-order niya ay ililibre niya ako ulit sa susunod. Pero kung hindi ko maubos, sabi niya sasamahan ko siya kung lalabas at hindi siya papasok ng school. Ang saklap naman noh, lagi na nga akong absent at mukhang mas mapapadalas ang pag-cutting class ko. Lumabas ako ng CR at hinanap siya. Agad naman siyang tumayo at sinalubong ako. “Balik na tayo sa school. Malapit na mag time.” Naglalakad na kami papunta sa school at kinuha niya ang contact number ko. Sabi niya tatawagan niya raw ako kung lalabas at hindi siya papasok. Wala akong nagawa kundi ang tumango sa lahat ng mga sinasabi niya. Naghiwalay na kami at pumunta sa kaniya-kaniyang classroom. Grade 12 student na pala siya pero mas nagmumukha pa akong matanda sa kaniya. Nakakahiya tuloy tumabi sa kaniya. Bakit ba may gano'ng ka ganda na mga nilalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD