Chapter 4: Akiro
AKi POV.
Nagising ako sa sinag ng araw at sa tigas ng hinihigaan ko.
“Bat wala akong kumot at unan?” tanong ko sa sarili.
Pagmulat ko ng mata, do'n ko lang napagtanto na wala ako sa kwarto ko.
“N-Nasaan… h-hindi puwede kong nag sleep walk ako. Nakakatakot...”
Nasaan ba ako? Baka kinuha ako ng engkanto.
Tumayo ako at nag-inat ng katawan. Nilibot ko ang aking paningin at naalala ko na, nasa warehouse ako. Natatanaw ko si Hannah, naka-upo siya sa isang upuan at ang kaniyang ulo ay nasa lamesa.
Lumapit ako sa kaniya. Nakatulog rin siya, malamang pag-gising sasakit ang katawan niya.
Ang himbing ng kaniyang tulog. Ayaw niyang makinig sa akin sabing ihahatid ko siya pauwi at babalik ako dito para bantayin yong lalaking binugbog.
Tutal si Hannah siya eh. Hindi niya basta-basta iiwan ang kasama niya, laging niyang pinagtatanggol ang mga katulad ko at hindi siya makasariling tao.
Kaya gusto kong sumali sa grupo nila Gino dahil gusto ko rin siyang ipagtanggol. Si Gino ay lider ng isang g**g at sabi sa akin ni Hannah kina Gino siya natutong lumaban.
“W-Where I am?” Nagulat ako ng may nagsalita sa likuran ko. Hinarap ko siya at chineck ang katawan niya kung okay na siya. Nakatatayo naman siya ng maayos.
“Ahmm..I’m Akiro Finnegan. Nakita ka namin ng kasama ko sa Divisoria Street, pinagtutulungan ka ng tatlong lalaki. Siguro wala ka sa katinuan ng mga oras na iyon at dinala ka namin dito sa isang warehouse,” pagpapaliwanag ko sa kaniya.
“Ah! My name is Lawrence and thank you for taking care of me,” pagpapasalamat niya. Kita ko pinipilit niyang tingnan kung sino ang kasama ko. Natatakpan ko pala sa likuran ko si Hannah.
“Siya nga pala ang kasama ko, ang himbing pa ng tulog niya.”
“S-She looks f-familiar, where I've seen her?” sabi niya at mukhang may inaalala.
“Hmmm..” gising ni Hannah at marahang nag-iinat ng katawan.
Nakatingin lang kami sa kaniya at hinihintay na makagising siya ng tuluyan.
Dinilat niya ang kaniyang mga mata at tumingin sa pwesto namin. Sa kaniyang gulat na reaksyon ay bigla siyang napatayo. Nakakagulat tuloy.
“Wahh! N-nasan ako. Sino ka? Ah..k-kayo?” gulat at nauutal na sabi niya.
Haha. Hindi ko maiwasang tumawa sa reaksiyon niya. Ngunit itong si Lawrence ay bakas sa mukha niya ang pagtataka at tinignan niya ako na para bang nagtatanong kung anong nangyayari.
Tiningnan ko si Hannah, nakataas ang isa niyang kilay at parang hinihintay niya talagang magpakilala kami. Seriously?
Ang tagal mag process ng utak niya.
“Wahh!A-aki at L-lawrence?” sabay turo niya sa amin.
“B-bakit ko kayo kasama. M-may ginawa kayo sa akin no!” sabi niya habang may hinahanap, siguro ang jacket niya.
“Huwag mo naman kaming pagbintangan kung nawawala ‘yung jacket mo,” sagot ko.
“Jacket ba kamo, nandito oh. Salamat nga pala,” sabi ni Lawrence sabay ngiti at inabot niya ito kay Hannah.
“A-anong salamat, ang kapal naman ng mukha niyong magpasalamat.. s-siguro nang binihisan niyo ako ay nakalimutan niyong isuot sa katawan ko ang j-jacket, ano? Aamin na ba kayo o baka hahanap pa kayo ng palusot! Huwag na kayong magkaila pa!” mahabang lintaya niya.
Anong bang sinasabi niya, super ang awkward na. Nakakahiya siya.
Parehas kami ng reaksiyon kanina pagkagising ko pero hindi ko naman iniisip na may ginawa sila o ni r**e nila ako.
Nakatingin pa rin kami sa kaniya at hinihintay kung kailan niya maalala ang lahat ng mga pinagdaanan naming tatlo sa isang warehouse na ito.
“Anong pinagdaanang sinasabi mo?” tanong ni Lawrence sa akin.
Teka bakit niya nalaman kung ano nasa isip ko baka may magic power siya.
“S-sinasabi mo kung ano nasa isip mo,” sagot niya at tinignan ako ng masama.
“Huh? Eh, parang wala naman akong sinasabi ah,” pabalik na sabi ko sa kaniya.
“May sinasabi ka at naririnig ko.”
“Ano ba! sabing nasa isip ko lang ‘yon at may magic powers ka kaya naririnig mo.” Bakit ayaw maniwala ng Lawrence na’to sa akin.
“Sabing may sinasabi ka!”
“Ano? sabing wal…” bago ko pa matapos ang sasabihin ko biglang kinuha ni Hannah ang jacket niya sa kamay ni Lawrence at bigla itong kumaripas ng takbo palabas.
“Hehe..una na ako ha baka hinahanap na ako sa amin. Sige, kayo rin ipagpatuloy niyo yang pagtatalo niyo,” pagpapa-alam niya.
“T-teka, Hannah alam mo na ba kung ano ang totoo. Wala kaming…” pabalik na sigaw ko pero lagi na lang hindi natatapos ang aking mga sasabihin.
“Wahh.. tumahimik ka at huwag mo ng babanggitin ‘yan!” sigaw niya at tuluyan na nga siyang nakalabas sa warehouse na ito.
“Una na rin ko, baka may gawin ka pa sa akin,” sabi ng isang ‘to at naglakad na palabas.
“A-anong ako!? Baka nga ikaw pa may gawin sa akin. Hindi ka tulad naming mga tao, nakakabasa ka ng isipan at super nakakatakot ‘yon,” sabi ko at inunahan siya sa paglalakad.
Totoo naman ha, nasa isip ko lang 'yon at bakit niya naririnig. Bahala nga siya. Kailangan ko ng ring umuwi baka hanapin ako sa bahay.
Pero pinagtataka ko, nag-e-english siya kanina tapos.. ay nevermind. Baka pinaglaruan siya ng engkanto tapos nakaka-basa na siya ng isipan naming mga tao.
Mag si-six pa naman at medyo maaga pa.
Buti nga pag-uwi ko tulog pa si mommy at si daddy. Naligo na kaagad ako at nagbihis . Pagbaba ko kita ko si mommy sa may sala at nakatutok siya sa may loptop habang nagkakape.
“Good morning!” sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.
Pinuntahan ko din si daddy sa opisina niya dito sa bahay. At hindi naman bago sa akin kung ganoon din ang ginagawa niya tulad kay mommy kahit ang aga-aga.
“Good morning, dad!” sabi ko sabay halik din sa pisngi niya.
“Papasok ka na?” tanong niya habang nakatutok sa mga papers.
“Yes, dad,” maikling sagot ko at lumabas na ng office niya.
“Papasok na po ako!” sabi ko kay mommy pero mukhang hindi niya narinig.
Lagi naman silang ganyan. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka hindi nila ako tunay na anak. Laging silang busy, mga 7 o’clock pumapasok sila sa work at umuuwi sila mga 8 na ng gabi.
Sa school cafeteria na naman ako kakain ng agahan. Nakakaiyak sana hindi late si Hannah, pero imposible naman 'yon.
Sumakay na ako sa kotse. Minsan nga gusto ko na lang mag commute pero hindi din naman papayag sila mommy. Ayaw ko din kasing hinahatid pa ng personal driver. Nakakahiya malaki na ako.
Buti pa pinsan ni Hannah na si Andrei nakakapagmaneho na.
Habang tanaw ko ang daan sa labas, nakita ko si Lawrence. Oo, si Lawrence nga!
“Kuya J, ihinto niyo po. Dito na ako baba may dadaanan lang po ako.” Malapit naman din ito sa school konting lakad na lang.
“Sigurado ka? ” nagtatakang tanong niya.
“Opo!”
“Sige, basta’t mag-iingat ka,” sabi niya.
Madali lang para kay Kuya J na ibaba ako dahil siguro alam niya din na nahihiya ako kapag ihahatid niya pa ako papasok sa school.
Nagmadali na akong bumaba at sinundan si Lawrence. Huminto siya malapit sa may punong mangga at mukhang makikipagkita siya sa tatlong lalaking papalapit sa pwesto niya.
Nakitang kong may ibinigay siya at may sinabi rin. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip nang hindi maganda.
Maaaring nagbebenta siya ng droga. Uso pa naman ang ganoong trabaho ngayon. Or baka isa siya sa mga bumibili ng drugs.
Medyo malayo ako sa kanila kaya hindi ko masyadong narinig ang mga pag-uusap nila.
“Last na’to at kung mangyari man ulit, isusumbong ko na kayo kay papa!” sigaw ni Lawrence sa tatlo na papaalis na.
Nabigla na lang ako ng suntukin siya ng isa at tuluyan na ngang silang umalis. Siguro sila din yung bumugbog sa kaniya kagabi pero bakit iyon ang sinabi niya.
“B-bakit siya magsusumbong sa papa niya? Sana p'wede rin akong magsumbong kay Daddy kung may umaaway sa akin, pero okay lang. Nandyan naman si Hannah sana siya na lang naging Daddy ko,” sabi ko sa sarili.
Hannah, nasaan ka na ba? Naiiyak na ako!