CHAPTER 3

1282 Words
Chapter 3: STARTING Sumabay ako umuwi kay Andrei. Nag-usap kami kanina ni Aki at gusto niyang sumali sa grupo nina Gino. Nag desisyon siya na ngayong gabi pumunta at sasamahan ko siya. Delikado para sa kaniya kung gabi pero hindi din naman siya p’wede kung umaga, may pasok at mapapagalitan siya kung liliban sa klase. Honor student pa naman siya, nahihiya tuloy ako kung ako pa mismo ang mag-aalok sa kaniya na um-absent. Nandito ako sa kwarto ni Andrei, dito na ako laging natutulog kasama siya simula noon dahil ayaw ko makatabi si mama. May tatlong kwarto sa pangalawang palapag na ito. Kwarto ng Kuya niya, ng Ate niya at sa kaniya. Sa ibaba naman may dalawang kwarto, kwarto nila Tita at Tito. ‘Yung isang kwarto naman ay kay Mama. Ngunit minsan lang nandito si Mama, laging siyang nasa trabaho kuno pero hindi ko alam kung ano ba talaga pinaggagawa niya. Madalas tatlo lang kami nasa bahay, si Andrei, ako at si Tita Meld ang mommy ni Andrei. Nasa ibang bansa nagtatrabaho sila Tito Arnold at si Kuya Andrew. Si Ate Miles naman ay may training ng tatlong buwan sa Cebu. Si tita Meld ang nag-aasikaso sa amin. Tinuturing ko na rin siyang parang tunay kong ina at tunay na kapatid si Andrei. 10 years old ako nang lumipat kami ni mama dito, siguro ako lang pala kasi madalas naman siyang wala. “Anong iniisip mo? Natapos ko na lang to'ng assignments ko, naka-uniform ka pa rin,” sabi niya habang nagliligpit. Pagpasok ko sa kwarto diretso ako ng higa sa kama, tinatamad tuloy akong magbihis. “Magbibihis kaba o hindi?" pagalit na sabi niya. “Eh! Kung ayaw ko ba’t ba!?” pang aasar ko sa kaniya. “Okay! Hindi naman masakit kapag laging nanahulog sa sahig ‘diba?” akmang bubuhatin niya ako ng tumayo ako kaagad. Dali-dali akong kumuha ng damit sa cabinet at pumasok ng banyo. “Hoy! Damit ko yan!” rinig kong sigaw niya. “Ayy, oo nga no.S-sorry.” Lumabas ulit ako ng banyo at kumuha ng damit sa cabinet ko. “Bilisan mo at pagkatapos ko sa 'yo i-explain ‘tong assignment mo ay maglalaro tayo.” “T-talaga? Pero makakatulog na naman agad ako panigurado. Ang boring mo kasi mag-explain.” “Ayaw mo lang mag-aral. Ako na lang maglalaro mag-isa kung hindi mo nasagot ang mga tanong ko about sa lessons niyo,” paliwanag niya. “Mas mabuti pang matulog na lang ako kaysa sa makinig sa boring mong explanation,” pang-aasar ko sa kaniya. “Ang ingay mo, bilisan mo na d'yan.” Sayang maglalaro sana kami pero may importante akong lakad kaya hindi p’wede. Madalas kami naglalaro ni Andrei bago matulog, pero ngayon sinadya kong magtagal sa banyo para makaalis ako ng bahay. Sakto nga paglabas ko tulog na siya. Malapit na mag-9 o’clock kaya nagmamadali na ako. I use black jeans, black jacket, nag-cap din ako na kulay itim para hindi ako mahalatang babae at hindi ako makita. But the problem is white 'yong shoes ko pero bahala na! Hindi naman p’wedeng bumalik pa ako. “Hindi kaya madali bumaba at umakyat sa bintana," sabi ko sa sarili. Hindi rin kasi ako puwedeng dumaan sa sala, tiyak na nandoon pa si tita nanonood ng k-drama. Mga-10 pa kasi siya natutulog. Umakyat ako sa pader namin at dito ako dumadaan, naka-kandado na ‘yung gate. Mga 8 meters mula dito sa amin ay natatanaw ko si Aki, naka-upo siya sa isang bench na may street light. “Hi! Nandito na ako," pag-aagaw ko ng atensyon niya. “A-akala ko hindi ka darating," sabi niya nang hindi tumitingin sa akin. Ang lalim siguro ng iniisip niya. “P'wede ba yon, t-teka ano ba ang iniisip mo at sigurado ka na ba talaga?” tanong ko. “Dumaan ako kanina sa warehouse pero mukhang walang tao,” sabi niya at tumingin sa akin. Pansin ko hindi niya suot ‘yong eyeglass niya. “K-kahapon rin ni isa sa kanila hindi ko nakita.” “Iyon din ang pansin ko. H-hindi ka ba natatakot, Hannah?” seryosong tanong niya. “H-hindi naman. Ba't ako matatakot?” “K-kasi, ako takot na takot na. H-hannah, may nakikita akong k-kakaiba sa l-likuran mo–” “Aki!” gusto ko siyang suntukin pero unti-unti akong nakakaramdam ng takot. “H-hannah, nasa l-likuran mo talaga siya!” natatakot na sabi niya at tumakbo palayo sa akin. “Hoy! Aki! H-hintayin mo ako–Wahhh may nararamdaman nga akong kakaiba sa likuran ko! Akiro!” Narinig ko ang pagtawa niya at tumatakbo pa rin siya. “Humanda ka sa akin, kumag ka! Papatayin kita!” Nang maabutan ko siya ay binalibag ko ang kaliwang kamay niya at sabay head lock. “H-hannah, aray...sorry na,” pabulong na daing niya. Binitawan ko agad siya. Nagpatuloy kami sa paglalakad dahil gaya ng sabi niya may naririnig daw siyang ingay. Sa paglalakad namin, pansin ko'ng walang mga tambay. Kadalasan maraming mga tambay dito lalo na kapag gabi at maraming ring nagbebenta. Malapit na mag-alas diyes kaya pala. “Han, bilis dito sa kabila!" sabi ni Aki at sinenyasan ako doon sa tinitingnan niya. Tumawid ako papunta sa kaniya. Naghiwalay kami kanina para mas madali namin silang mahanap. Sa isang sulok may apat na lalaki, mukhang tapos na nilang pagtulungan ‘yong isa na nakahandusay na sa sahig. “S-sabing hindi ko siya k-kilala at dodoblehin ko na 'yong ibibigay ko bukas,” nahihirapang sabi ‘nong lalaking binugbog ng tatlo. “Bukas sa dating lugar, siguraduhin mo!" At sinuntok pa siya sa sikmura bago iniwan. Nang makaalis na ‘yong tatlo, saka kami lumabas ni Aki. Kanina ko pa sana gustong lumabas para ma suntok ko 'yong mga hayop na ‘yon pero pinipigilan ako ni Aki. Masyadong madilim din hindi ko maaninag ang mga mukha nila. Lumapit kami sa lalaking nasa sulok at tiyak na namimilipit siya sa sakit. Lumapit si Aki sa kaniya at tinulungan tumayo. Ako naman sinusundan ko ng tingin kung saan papunta ‘yong tatlo. Familiar sila! T-Teka, hindi p’wede kung sila ‘yon? Ang familiar din ng boses nila at mukhang siya din itong binugbog. Hindi ito pwede! “Han, saan natin siya dadalhin?” pag-agaw atensyon ni Aki. Tiningna ko si Aki at naglakad kami nang kaunti sa bandang may ilaw. Naka-uniform pa siya at tiningnan ko ang kaniyang name tag. “L-Lawrence B. Garcia," bigkas ko. Tiningnan ko ang mukha niya at siya nga! Wala siya sa sarili at mukhang malala itong mga sugat niya. “Hindi natin alam kung saan ‘yong bahay niya,” sabi ko kay Aki. “H-Hindi siya pwede sa bahay,” sagot niya. Napagdesisyunan namin ni Aki na sa warehouse muna namin siya dalhin at doon na rin hintayin sina Gino. Buti nga may open pa na p’wedeng bilhan ng mga gamot para sa sugat. Ginamot ko ‘yong sugat niya at si Aki naman ay nasa may pintuan. Nakokonsensya ako, mukhang kasalanan ko kaya ganito yung nangyari sa kanya. Ano ba kasing hiningi sa kaniya ng tatlong 'yon. Habang ginagamot ko ‘yung sugat niya, hindi ko maiwasan ang tumitig sa kaniya. Ang amo ng mukha niya at parang wala siyang alam sa mundo. Ba't parang ang familiar niya. Pero hindi ko alam kung ano nga ba ang pangalan ng kahawig niyang artista. Iniwan ko siya pagkatapos 'kong gamutin ang kaniyang mga sugat na natamo at pinuntahan ko si Aki pero nakatulog siya. Hindi ko na lang siya ginising at inantok na rin ako. Bukas na lang siguro kami uuwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD