Chapter 2: Andrei
Nilibot ko na lahat ng lugar na madalas magkaroon ng away pero bakit parang ang tahimik. Bumait na siguro sila. Huwag naman sana!
“Ano ba, wala ka ba talagang balak magpahinga?”
May kasama nga pala ako, naka-sunod siya sa likod ko at puro siya reklamo.
“Gusto mo sumama kaya manigas ka!” sambit ko.
“Magpahinga din tayo, alam mo ba na may hika ako?” patanong na sabi niya.
Ang dami niyang reklamo. “Hindi ko problema kung atakihin ka man ng hika mo!”
Pwede naman siyang magpahinga mag-isa. Gumagawa pa siya ng kwento, kung may hika siya dapat kanina pa siya inatake.
Mag-dadalawang oras na kami naglalakad na walang pahinga, akala niya maniniwala ako sa palusot niya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at bumalik ang sigla ko nang may narinig akong mga ingay pero mga bata lang ang nakita ko sa may playground na naglalaro.
Lumakad pa ako at baka sakaling nasa unahan sila pero wala pa rin, siguro nagpapahinga silang lahat. Nakaka-miss tuloy kung walang away nagaganap dito.
“T-teka! Nasaan na 'yung naka-buntot sa likuran ko–”
Hindi ko siya makita kaya bumalik ako, naagaw ang atensyon ko sa mga batang naglalaro sa playground.
Nando’n siya nakaupo sa isang bench habang nanonood sa mga batang naglalaro. It's already 10:30 at recess break ng mga bata.
Tinabihan ko siya ng upo at mukhang malalim ang iniisip niya.
“Ano’ng iniisip mo?” tanong ko sa kaniya.
“Akala ko ba wala ka’ng balak magpahinga.”
“Akala mo lang ‘yon,” pang-aasar ko sa kanya.
“Sino ba kasi ang hinahanap mo?” walang gana niyang tanong.
“Lahat ng lugar na pinuntahan natin kanina ay 'yung mga lugar na madalas nagkakaroon ng mga away, pero hindi ko alam kung bakit ang tahimik ngayon. Ang boring tuloy," mahabang lintaya ko.
“B-boring? So, hindi ka magiging boring kung sakaling may away?” nauutal niyang tanong.
“Oo naman, ang ganda kaya kapag may nag-aaway...saan kaya sila?” tugon ko at kunwaring nag-iisip kung saan sila pwede’ng pumunta.
“Wait here, okay!” nakangiting sabi niya at naglakad.
Saan naman kaya siya pupunta. Lumapit siya sa dalawang batang naglalaro at may binulong siya. Ano kaya sinabi niya. Papalapit ‘yung isang batang babae sa akin at mukhang hindi maganda to.
“Anong sinabi mo?” sigaw niya sa akin at mukhang umuusok na yung ilong niya sa galit.
“H-Huh? W-wala naman akong sinabi,” nagtatakang sagot ko.
“Anong wala, ang kapal naman ng mukha mong pagsabihan akong pangit. Eh! Mas pangit ka! Tingnan mo itsura mo! Sa kabuuan relo lang ang me’ron ka at ni wala kang earings, necklace, bracelet and even a clip on hair!” sigaw niya sa akin.
Napa-nganga lang ako sa sinabi ng bata na'to at sa bilis niya magsalita.
“And look! You are just wearing an ordinary shoes at sa itsura mo hindi ka marunong gumamit ng sandals or yung may heels! Tingnan mo ako I use my new sandal and an elegant dress. So, definitely! I'm not ugly kaya huwag mo ako matawag-tawag na pangit at baka kalbuhin kita!” pagbabanta niya at tinarayan niya pa ako sabay walk out.
Nakanganga pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko alam kung anong sasabihin dahil sa pagkakabigla at sa bilis ng mga pangyayari. I think nasa 6 years old pa lang siya pero ang bilis niya’ng magsalita at napaka-observant. Nakakainis ‘yung bata, sinisigawan niya ako at ang lakas ng boses niya. Paano niya kaya nalaman na hindi ako marunong gumamit ng mga may heel?
Inilibot ko ang aking paningin para hanapin ang hayop na may kagagawan nito ngunit bakit parang ang daming tao na nakatingin sa akin. Humanda sa akin ang lalaking ‘yon.
Humanda siya sa akin!
Nakita ko siya nagtatago habang papalabas ng playground na'to.
“Hoy! Humanda ka sa aking hayop ka!” sigaw ko sa kaniya.
Nag-peace sign siya. “Sorry, hindi ko sinasadya. Una nako sa school!”
“Walang hiya ka! Bumalik ka dito, anong hindi sinasadya,” sigaw ko at hinabol ko siya.
Ngunit ang gag* tumakbo din kaya ito ako ngayon sasabak sa pagiging runner. Mga sampung hakba ang layo niya sa akin at tiyak na maabutan ko siya. Pumasok siya sa gate ng school namin, Lunch time na kaya pinapasok lang kaagad siya.
Pumasok na ako sa gate at nakita ko siya sa ikalawang palapag ng 12 year building. Hinabol ko pa rin siya ngunit may humarang sa dinadaanan ko kaya hindi ko na siya nakita kung saan dumaan.
Hindi ko alam kung sino ba itong humaharang sa harapan ko basta’t nakatingin pa rin ako kung saan huli kong nakita si Lawrence at sabay bulyaw sa gag*ng nakaharang na’to.
“Ano bang problema mo't paharang-harang ka sa dinadaanan ko!?” sigaw ko.
Mukhang wala na nga si Lawrence at pinagsisihan ko tuloy kung bakit ko sinigawan itong nakaharang sa akin.
"A-andrei? I-ikaw pala, S-sorry," pagpapaumanhin ko. Si Andrei nga pala ito ang paborito kong pinsan.
“Alam mo bang hindi ako pumasok sa isang subject ko sa kakahanap sa ‘yo sa buong campus na’to!" galit na sabi niya.
Lagi naman siyang ganyan. “Hindi ako nagtatago at mas lalong hindi ko pinapahanap ang sarili ko sa ‘yo,” sarcastic na sabi ko at tumalikod. Mas mabuti pang pumunta na ako sa classroom ko.
Sinesermunan ako eh, buti na lang walang masyado’ng mga estudyante tiyak nasa cafeteria sila.
“Oh! Tapos tatalikuran mo ako kasi sinasabihan kita!”
“Anong sinasabihan? Sa tono ng pananalita mo pinapagalitan mo ako,” sabi ko at umarte na nalulungkot.
Nasaan na kaya yung Lawrence na’yon, humanda siya akin at isa pa to’ng si Andrei nakikidagdag sa problema ko. Saan din kaya sila Gino? Wala ako sa mood ngayon. Asan ba kasi sila?
“Fine! I'm sorry, tara sa cafeteria at mukhang hindi kapa kumakain,” sabi niya at inakbayan ako. Alam kong hindi niya rin ako matitiis.
“Libre mo ko ha? Wala akong pera,” sabi ko.
“Bakit ba kasi ayaw mo tanggapin pera ni tita?”
“Basta ayoko, period.” Ayaw ko ng mahabang usapan gusto ko ng kumain.
Sa paglalakad namin nakita ko si Aki. Isa siya sa mga kaibigan ko na laging binu-bully noon buti na lang no'ng lagi ko siyang kasama hindi na siya na-bu-bully. Kaso nga lang nga'yong taon hindi kami classmates.
“H-Hannah..” tawag niya sa akin.
“Bakit Aki, may problema ba?” tanong ko sa kaniya.
“Buti naman naalala mo pa ako, A-ano kasi..." Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng sumabat si Andrei.
“Ano ba, ka lalaking mong tao hindi mo kayang ipagtanggol sarili mo. Matuto kang lumaban at hindi problema ni Hannah kung ano man ‘yang sasabihin mo," pagalit na sabi niya kay Aki.
“Hoy! Ano ba Andrei, tumahimik ka nga,” pagsusuway ko sa kaniya at siniko. “Pagbabaliin ko mga buto mo–”
“Ako pa tinatakot mo?” seryoso niyang tanong at tiningnan ako ng masama.
“Biro lang, ito naman.” Pinilit ko na lang ngumiti, mas guguho ang mundo ko ngayong kung hindi niya ako ililibre ng pagkain.
“Pupuntahan kita sa classroom mo mamaya, Aki. Hintayin mo ako ‘don, okay!?" sabi ko sa kaniya at sabay ngiti.
“O-Okay, hihintayin na lang kita doon. Bye-bye, Andrei!” sabi niya at nagpaalam na umalis.
Balak niya pang asarin si Andrei kapag ako hindi makatakas mamaya hindi ko siya pupuntahan.
“May sasabihin lang si Aki at hindi ako makikipag-away, promise!” Bumitaw siya sa pagkakaakbay at tumingin sa akin.
“Kaya nga! Hindi ko naman iniisip na susuntukin mo ‘yung mga umaaway sa kanya. Hindi naman ‘diba?"
“Oo, promise!” sabi ko ulit sabay taas ng kanang kamay.
Kumain kami sa cafeteria at libre niya nga. Nasa grade 12 na si Andrei at 18 years old siya. Ako naman nasa 11 at 17 years old. Maraming nagawa si Andrei para sa akin at hindi ko alam kung paano makakabawi sa kaniya.
Madalas siya ang gumagawa ng mga assignment ko at nagiging tutor ko. Binibili niya rin kung ano ang gusto kong kainin. Pinagmamasdan ko siya habang pumipila nang may napansin akong familiar ang mukha sa loob ng mga tindera.
Siya nga 'yon si Lawrence anong ginagawa niya? Huwag niyang sabihin tumutulong siya o baka naman nagnanakaw? Hindi din mayaman siya eh! Bahala nga sa kanya, magkikita rin kami ulit at papatayin ko siya.
“Haha…ang sama ko,” sabi ko sa sarili. Iniisip ko tuloy kung paano siya patayin.
Naaalala ko tuloy 'yong dati kong tinulungan, muntikan ko pa siyang mapatay dahil sa pagkakasakal ko. Pero parang pamilyar siya? T-teka nakita ko na ba siya noon? Pero saan at kailan? Ayy..bahala na nga.
“A-andrei..ano ba?" Pagalit na sabi ko “Dahan-dahan naman oh!”
Bigla niya kasing inilapag ang orange juice sa harap ko at muntikan pang mabuhos sa akin.
“Nakatunganga ka lang diyan, hindi mo man lang inisip na tulungan ako!”