bc

His Favorite Enemy

book_age18+
186
FOLLOW
2.1K
READ
opposites attract
bxg
kicking
small town
like
intro-logo
Blurb

Si Kent Ronquillo ay isang simpleng binata na ang tanging hangarin ay magkaroon ng payak na buhay. Ang pangarap niya lang ay magkaroon ng mabuting asawa, manirahan sa bukid, at bumuo ng simpleng pamilya.

His mother abandoned them to work in the city, cheated on his father, and that left a deep scar in his heart. It was a pain from the past that he never wished to experience again. Pagkatapos ng pagtataksil ng kasintahan na lumuwas din ng Maynila, nangako si Kent sa sarili na hindi siya magmamahal ng babaeng taga-siyudad. Never again.

Kahit kay Athena Albano Silvana na kaibigan ng pamilya nila at matagal nang nagpaparamdam na may gusto sa kanya. That spoiled young lady was outspoken and never shy about expressing her admiration for him. Ni hindi ito nahihiyang ipangalandakan ang katawan nito para akitin siya. Pero katulad ng pangako niya sa sarili, hindi siya magkakagusto dito.

Athena was his sister's best friend. Kung saan-saan nito gustong kaladkarin ang kapatid niya para mag-aral, maging modelo, at mamuhay nang marangya na taliwas sa gusto niya. That became Athena his enemy. Hindi niya gusto ang impluwensya nito sa kaisa-isa niyang kapatid.

But what if Athena won in seducing him? Handa ba niyang talikuran ang mundong pinangarap niya para sa dalaga?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Bakit namumula na naman 'yang mga labi mo? Dinaig mo pa si Aling Sinday na nagtatrabaho sa club ah," sita ni Kent sa kapatid na si Kaira. Naniningkit ang mga mata niya dahil alam niya kung bakit nakabihis na naman ito at kinukulayan na naman ang mukha. "Dumating si Athena, kuya. Pinapapunta niya 'ko sa bahay nila." Hindi niya alam kung bakit naiinis siya tuwing maririnig ang pangalan ni Athena. She was Kaira's best friend. Nag-aaral ang dalaga sa Maynila pero linggo-linggo yata itong nasa San Fabian, Pangasinan, sa bahay ng Lolo nito na si Antonio. Pag-aari ng mga ito ang kalahati ng lupang sinasaka nila ng Itay niya. Iniwan kasi sa kanila ang pamamahala ng bukid noong nagpasya si Marcus Silvana na sa Maynila na rin manirahan kasama ng asawa nitong si Stacey Albano. Nang makaipon siya nang kaunti ay binili niya ang kalahati ng bukid nang may maipagmalaki naman siya sa babaeng gusto niyang pakasalan balang-araw. "May mga hugasin ka pang naghihintay sa banggera." "Kuya??" "Huwag mo 'kong ma-kuya kuya diyan. Huwag mong sabihing ako pa ang maghuhugas ng pinagkainan natin? Pagod na 'ko sa maghapon sa bukid, Kiara." Tinaasan niya nang kaunti ang boses para sindakin ang kapatid. Tumalikod na rin siya para tapusin ang diskusyon. Alam nitong kapag nagalit siya ay mas lalo itong hindi makakaalis sa bahay nila. Hindi siya pabor na palagi itong nagdidikit kay Athena na walang ginawa kung hindi impluwensiyahan ang kapatid niya sa kung ano-anong luho sa buhay. Padabog namang lumakad si Kiara sa kusina para sundin ang utos niya. Kahit paano ay iginagalang pa rin siya ng kapatid. Minsan lang ay umaangal na ito kapag masyado siyang mahigpit sa ilang bagay. Sa edad na diseotso ay gusto na nitong gumawa ng sariling desisyon na madalas nilang pinagtatalunang magkapatid. Gusto nitong mag-aral sa Maynila para maging modelo. Bagay na ikinakatakot niya dahil maiiwan na lang sila ng Itay nila dito sa San Fabian. Lumabas siya sa kabahayan para lumanghap ng sariwang hangin sa labas. Totoong pagod siya galing sa bukid dahil hindi niya katulong ang Itay niya ngayon. Marami na itong iniindang sakit sa katawan at ngayon nga ay tulog na silid nito. Matanda na ang Itay niya. Kapag nagpumilit pa si Kiara na mag-aral sa Maynila ay tuluyan na siyang makakaramdam ng pangungulila sa maraming taong mahal niya sa buhay. Unang umalis sa buhay niya ang Inay nila ni Kiara na nagtrabaho sa Maynila. Ayaw nito ang buhay sa bukid at pagiging mahirap nila noon. Dose anyos pa lang siya noon na kailangan nang sumabak sa pagtatrabaho sa bukid para makatulong sa Itay niya na tustusan ang pangangailangan nila. Maaga siyang namulat sa responsibilidad. Ipinagpasalamat niyang mabilis lang nakabawi ang Itay niya sa lungkot at pangungulila sa Inay nila. Nang matuto siyang umibig, akala niya'y tapos na ang pangungulila niya sa ina. Nagkaroon na siya ng bagong mamahalin at paglalaanan ng oras. Tatlong taon din ang tanda niya kay Donna na kapatid ng isang kaibigan. Nang manganib itong hindi makapag-aral sa kolehiyo ay itinaguyod niya ito hanggang makatapos. Nagplano na rin silang magpakasal kapag umabot ito ng edad na bente-kwatro. At dahil gusto nitong makapag-ipon pa sila nang marami para sa kasal, sa Maynila nito napagpasyahang maghanap ng trabaho. Doon na natapos ang lahat ng pangarap nila. Isang taon matapos nitong umalis, nakipaghiwalay din ito dahil nakahanap na ng ibang pag-ibig. Gumuhong muli ang mundo niya. Sa pagkakataong iyon, nabuhay ang sakit, nabuksang muli ang sugat sa pag-iwan sa kanila ng Inay niya, at tumigas na ang puso niya sa pagpapatawad at pagmamahal. Tuwing babanggitin ni Kiara na gusto nitong lumuwas sa Maynila para hanapin ang kapalaran doon, nagsisikip ang dibdib niya. Kung bakit naman kasi nito naging kaibigan si Athena gayung langit at lupa ang layo ng katayuan ng dalawa sa buhay. She's one of the heiresses of Albano clan. Hindi lang simpleng kotse ang dala ni Marcus at Stacey tuwing uuwi sa San Fabian. Kung hindi BMW, Porsche, o kung anong pangalan pa na hindi niya kilala dahil sa ibang bansa lang nabibili. Minsan nga ay naka-chopper pa. Despite the wealth though, Athena remained humble and down to earth. Ni hindi niya ito nakitang nangmata ng trabahador sa bukid, o katiwala sa bahay ng mga Silvana. Siya na lang ang nahihiyang lumapit at makihalubilo lalo kung puro putik ang bota at pantalon niyang maong. Hindi naman kasi nakakaligtaan ni Marcus na bisitahin ang San Fabian kahit pa abala na ito sa maraming trabaho sa Maynila. Tuwing uuwi ito ay kasama nito si Athena na namamalagi doon ng isang linggo, o kung bakasyon sa eskwela ay isang buwan pa kasama ang ina na si Stacey Albano. Matanda lang ng isang taon si Athena kay Kiara kaya siguro madaling naging magkasundo. Bata pa lang ay magkalaro na ang dalawa na iniiwan nila ng Itay niya sa bahay ng mga Silvana kapag abala silang mag-ama sa bukid. Kiara was such a jolly person even when she was a kid. Hindi nito ininda ang pagkawala ng ina nila, dahil na rin siguro hindi na nito maalala ang lahat. Kiara was just five years old when their mother left. Sa kabila ng sakit ng damdamin, pinilit nila ng Itay niya na ibigay ang atensyon kay Kiara para hindi nito maramdaman na may kulang. Sa bandang iyon ay malaki ang pasasalamat niya sa mga Silvana. Dahil sa pagiging magiliw ng mga ito, naaabutan din si Kiara ng atensyon, mga laruang mamahalin at masarap na pagkain na hindi nila kayang ibigay. Kaya hindi niya ngayon masisisi si Kiara kung ganoon na lang nito kamahal ang kaibigang si Athena. Para na rin kasing pamilya kung ituring ng mga ito ang kapatid niya. Ang hindi niya lang gusto ay ang maimpluwensyahan pa si Kiara na lisanin ang San Fabian para lumayo sa kanila. Kahit ang pananamit nito at pag-aayos sa sarili ay hindi niya na rin nagugustuhan. Huminga siya nang malalim para punuin ng hangin ang dibdib. Noong isang buwan pa nagpapahiwatig si Kiara na gusto nitong lumipat ng eskwelahan sa susunod na pasukan. Nagbago na ang gusto nitong kurso na dati ay gustong maging guro. At bago pa niya masisi ang babaeng may malaking impluwensya sa kapatid niya, unti-unti namang niyang natatanaw ang bulto ng katawan nitong palapit na sa bakuran nila. Sumikdo ang dibdib niya sa kaba na kung bakit ay hindi niya gustong isipin. Bente-sais anyos na siya ngayon, at ang babaeng paparating ay hindi maikakaila kung gaano kalakas ang appeal sa mga kalalakihan. At twenty years old, Athena carried a captivating charm and an undeniable s*x appeal that many women could only envy. Naka-short pa itong maiksi kaya lalong lumutang ang kinis nitong taglay. Kaagad nag-iinit ang pakiramdam niya kaya't nagpasya siyang pumasok na lang sa loob ng bahay. Palabas na rin naman si Kiara dala ang bag nito. Sa sala lang siya namalagi dahil gusto niyang marinig ang pag-uusap ng dalawa bago umalis. Isinara niya lang bahagya ang pinto para hindi siya makita. Hindi naman kailangang kausapin siya ni Athena. "Ang suplado talaga ng kuya mong 'yun. Nakita lang akong parating pumasok na sa bahay. Ni hindi man lang ako sinalubong," narinig niyang wika ni Athena sa kapatid niya. Lihim siyang napangiti. Buti naman alam nito na hindi niya gustong magkaharap silang dalawa. "Hayaan mo na, at least pinayagan akong umalis." "Bakit naman hindi ka papagayan? Doon lang naman tayo sa bahay. Marami akong biniling damit sa 'yo, magugustuhan mo lahat." Iyon ang isa sa hindi niya gusto kay Athena. Masyadong sinasanay sa luho si Kiara. Sa dami ng binibili nito sa kapatid niya, na-okupa na ng kapatid ang buong cabinet nila. Maisuot lang nito ng limang beses, pinamimigay na sa ibang kaibigan nito. Tuwang-tuwa naman ang mga iyon dahil hindi pa naman luma ang damit. "Kasama mo sila Mommy mo?" "Nasa Europe si Mommy at Auntie Zanya. Si Daddy lang ang kasama ko. At dahil sembreak sa school, pumayag si Daddy na mag-stay ako dito ng dalawang linggo." "Talaga? Yehey! Matutulog na naman ako sa may aircon at malambot na kama." "Gusto mo ba ng aircon? Bakit hindi natin palagyan ng aircon ang kwarto niyo kung yun ang gusto mo?" "Gusto mo bang sermonan ako ni kuya minu-minuto? Tataas ang kuryente namin." "For your comfort and convenience naman 'yun. I'll talk to your brother." Gusto niyang lumabas dahil nagrerebulosyon ang dibdib niya sa suhesyon nito. Bakit naman siya papayag na lagyan ng aircon ang kwarto ni Kiara? Dahil lang kakausapin siya ni Athena? "Huwag na, nakakahiya rin sa 'yo. Okay na sa 'kin 'yung paminsan-minsan lang makitulog sa mansyon niyo. Malamig na rin naman 'yung electric fan." "Ano ka ba. Palagyan mo na ng aircon 'yung kwarto mo para dito rin ako matulog minsan. Kasi may sakit ang Itay mo di ba, hindi mo rin puwedeng iwanan kapag wala ang kuya mo." "Sigurado ka? Kung may trabaho lang ako, ako na ang bibili ng aircon eh. Ako na rin magbabayad ng kuryente. Naku, makatapos lang talaga ako ng college magta-trabaho na 'ko kaagad." "Saka mo na isipin 'yung pagta-trabaho, tara na sa bahay para makita mo 'yung mga pinamili ko." Mula sa bintana ay nakita niyang lumakad na ang dalawa pabalik sa bahay ng mga Silvana. Inikot niya ang paningin sa kabuuan ng bahay. Maayos naman kahit paano dahil naipagawa niya iyon noong nakaraang taon. May kulay na ang dingding at may maayos na kisame. Seryoso ba si Athena na makikitulog sa kwarto ng kapatid niya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
310.4K
bc

Too Late for Regret

read
287.7K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.7M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.2M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
137.8K
bc

The Lost Pack

read
399.2K
bc

Revenge, served in a black dress

read
147.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook