"That's so unfair!" Napalakas ang boses niya na kaagad naman siyang niyakap ni Kent para aluhin. Gusto niya nang lumabas sa silid ng binata pero naiharang na nito kaagad ang katawan sa pinto. "Maririnig ka nila Itay. Hinaan mo nga ang boses mo." "Nakikipaghiwalay ka na sa 'kin dahil lang sa aalis ako dito sa San Fabian?" Hindi niya mapaniwalaan ang binitawang salita ni Kent kanina. How could he be so irrational and inconsiderate? "Natatakot lang akong lumayo ka sa 'kin. Na baka hindi mo na 'ko balikan. Napakaraming lalaking nakahihigit sa akin doon. Hindi mo na 'ko maalala kapag nandoon ka na." "Ang babaw ng tingin mo sa relasyon na 'to, Kent. Ang babaw ng tingin mo sa 'kin." "H-hindi sa gan'on... Hindi mo nga siguro ako naiintindihan... Pero..." "I will try to talk to Tif

