Hindi niya maipaliwanag ang saya habang patungo siya sa kusina. Ganito pala ang ma-in love. Hindi buo ang araw niya kung. hindi niya kasama si Kent, at hindi yata siya makakatulog nang mahimbing kung hindi sila magkakausap ngayong gabi. Pagbukas niya ng pinto sa likod ng bahay ay kaagad na pumulupot ang mga braso ni Kent sa katawan niya. His kisses were intense, urging her to respond in the same way he kissed her. And she did. "Thank God you like it," wika ni Kent nang tapusin nito ang halik. Habol niya ang hininga dahil kanina pa malakas ang kabog ng dibdib niya. Hindi dahil baka mahuli sila ng Lolo niya na naghahalikan dito sa madilim na bahagi ng kusina, kung hindi dahil bago ang lahat ng ito sa kanya. Kissing a man wasn't her cup of tea before. Excitement and anticipation

