Kent "Ano ang sabi ni Dad? Hindi ka ba niya sinaktan?" nag-aalalang tanong ni Athena sa kanya. Pinayagan nang bumaba ang kasintahan nang mkabalik sila sa bahay. Nahihiya sana siyang humarap kay Stacey Albano pero kailangan niyang makausap si Athena. Ayaw niya ring isipin ng dalaga na hindi niya ito pinaninindign. "Nag-usap lang kami at humingi ako ng paumanhin. Bakit hindi mo sinabing birthday ng Daddy mo?" "Uuwi naman na ako next week. I told Namia to buy him a gift. Ngayon lang naman ako hindi dumalo sa birthday ni Dad," katwiran nito. Napabuntunghininga siya habang nakatitig kay Athena. Naiintindihan niya kung bakit nagagalit si Marcus Silvana. Mahalagang araw nga naman iyon sa pamilya, pero sa halip na makasama ang panganay nito, siya ang piniling makasama ni Athena.

