Shantal POV:
Halos buong maghapon akong parang wala sa aking sarili kakaisip sa mga nangyari kaninang umaga dahil kahit anong pilit at sabi ko sa aking sarili na iwawaglit ko na sa aking isipan yun ay hindi ko pa rin maiwasan.
Kanina pa din sa akin si Edellyn tanong ng tanong kung may sakit daw ako dahil napapansin niya din siguro na parang wala ako sa aking sarili.
Nandito na kami ngayon naglalakad patunggo sa locker para ilagay ang aming gamit dahil tapos na ang aming klase. Parang wala nga ako masyadong naintindihan sa buong araw na lessons namin.
Pagkatapos namin ni Edellyn mailagay ang aming mga gamit ay agad na kaming lumabas. Napadaan kami sa field na maraming estudyante ang nagkukumpulan at parang may pinapanood sila. Halos mga babae ang nakikita ko at panay ang kanilang sigaw at tili.
Napatingin din ako doon pero mga estudyante lang naman na naglalaro. Siguro mga players ito na nagpa-practice.
"Go Gio Wooohhh!!" Rinig kong sigaw ng isang babae at may mga nakikisabay din. Agad akong napatigil sa paglalakad dahil may narinig akong pangalan ni 'Gio' pero baka kapangalan niya lang naman.
"Woi ba't ka tumigil?" Tanong sa akin ni Edellyn dahil napatingin ako sa may field. Agad ko naman siyang nilingon na naka-kunot ang noo sa akin.
"Teka muna, manood din tayo" Aya ko sa kanya at tumuro sa may field kaya napatingin siya doon at binalik ulit ang paningin sa akin pero nanlalaki na ang kanyang mga mata sa akin kaya bigla akong nagtaka. Magtatanong sana ako sa kanya nang biglang may marinig akong hiyawan sa paligid kaya agad akong napatingin dito.
Laking gulat ko pagkalingon ko dahil nasa harapan ko si JV at may hawak na baseball malapit sa aking mukha na parang sinalag niya ito. Pero ang mga tao ay naghiyawan dahil tanging baseball lang ang kanilang nakikita at walang tao. Ang baseball ay nakalutang lang sa hanggin dahil hindi naman nila nakikita na hawak ito ni JV.
"Yung bola nakalutang!"
"Huhuhuuhu nakakatakot"
"Guys! Anong nangyari?!"
"Ayoko na! Kinikilabutan ako"
Rinig kong ingay sa paligid kaya parang nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil marami ang nakatingin sa akin at yung iba ay nagsitakbuhan na parang takot na takot.
Hindi ako maka-imik at hindi ko maigalaw ang aking katawan dahil nabigla ako sa nangyari lalo na't sobrang dami ng tao.
Dahan-dahan kong tiningnan si JV pero naka-tiim bagang siyang nakatingin sa mga players at agad na niyang hinulog ang baseball sa lupa kaya mas lalong nag-kagulo ang mga tao sa paligid nang mahulog na ito.
Sila'y agad na nagsitakbuhan at umalis dahil nakakatakot na daw. Napakagat ako sa ibaba kong labi dahil hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko puwedeng kausapin si JV dahil hindi naman nila nakikita at baka kung ano pa ang masabi nila.
May isang grupo na papalapit sa gawi ko kaya hindi pa rin ako maka-galaw sa aking kinatatayuan dahil kinakabahan ako. Naka-tingin sila sa akin at sa baseball na malapit na sa aking paa dahil dito ito banda inihulog ni JV.
"Tss. Muntik ka nang matamaan ng baseball sa ulo dahil sa kanila" Rinig kong singhal ni JV kaya napatingin ako sa tinutukoy niya at doon sa grupo na naglalakad papalapit sa akin pero agad akong nabigla nang makitang kasama doon si Gio.
"I'm sorry Miss. Hindi namin sinasadya" Paumanhin sa akin nung isang lalaki na maputi. Agad napatingin sa akin ang kanilang mga kasama at yung isa naman ay pinulot na ang baseball. Si Gio naman ay agad ding lumapit sa akin na parang sinusuri ang kabuoan ko.
"Are you okay? I'm sorry, muntik ka nang matamaan ng baseball pero buti na lang hindi sayo dumiretso" Sabi sa akin ni Gio. Hindi ko alam ang ire-react ko sa kanya. Nakita ko sa kanyang mukha na parang nag-aalala siya sa akin pero nagdududa kung bakit nagka-ganon ang baseball.
"O kay lang ako" Mahina at nauutal na sagot ko sa kanya dahil hindi pa yata ako natata-uhan.
"Tss" Rinig kong singhal ulit ni JV. Nakatingin siya kila Gio at sa mga kasamahan nito.
"Ano nangyari?" Tanong naman nung isang lalaki'ng medyo moreno. Nakatingin siya sa baseball at t'saka bumaling ng tingin sa akin kaya napalunok ako dahil hindi ko naman puwedeng sabihin na si JV ang sumalag nito.
"I can't believe it guys. Minumulto yata tayo hahah" Biro naman nung lalaki'ng may hawak ng bola.
"Tangina ka kasi Gio ang lakas ng bat mo!" Sabi naman nung isang lalaki sa may gilid at sinigawan si Gio.
"I'm sorry hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari" Paumanhin ulit ni Gio at tumingin sa akin.
"Bakit nagka-ganon yung bola sayo?" Tanong sa akin nung lalaki'ng moreno kaya bigla akong natigilan sa kanyang tanong.
"E wan ko.. Hindi ko a lam" Nauutal na sagot ko sa kanya dahil alam ko na nagdududa rin sila sa nangyari. Tangina kasi si JV. Alam niya na multo siya pero bakit niya pa yun ginawa marami na tuloy ang nagdududa at naguguluhan sa nangyari.
"Baka may kasamahan siya na hindi natin nakikita" Napatingin kami sa tatlong babae na bigla na lang sumulpot. Kilala ko to, siya yung narinig ko dati sa canteen na nag-kukuwento tungkol sa isang lalaki na na-comatose daw.
"Grabe! Althea. Nakakakilabot naman yang sinasabi mo" Sabi nung isang lalaki sa may likod nung lalaki na moreno kaya napa-irap sa kanila si Althea.
"Eh bakit nga yun nangyari? Imposible naman na biglang tumigil yung bola sa harapan niya na parang nakalutang sa hangin. Siguro may nagligtas sa kanya na hindi natin nakikita para hindi siya tamaan nung bola sa ulo"
Sabi ulit ni Althea kaya hindi ko alam isasagot ko dahil napapatingin din sila sa akin maging si Edellyn ay wala din imik dahil alam ko na hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari.
"Hayaan mo na sila" Sabi ni JV at biglang naglakad na papalayo. Tatawagin ko sana siya nang mapagtanto ko na hindi pala puwede kaya mariin akong napapikit.
"Sorry hindi ko rin alam kung ba't yun nangyari. Alis na ako" Mahinang sabi ko sa kanila habang ako ay nakayuko. Inangat ko ang aking tingin sa kanila at nakita ko na parang sinusuri din nila ang sinasabi ko. Maging si Gio ay nakatitig din sa akin.
Nakayukong naglakad na ako paalis sa kanila at hinila ko na si Edellyn na hindi pa rin maka-imik. Sinundan ko si JV dahil kailangan ko siyang maka-usap kung ba't niya yun ginawa. Maraming estudyante ang napapatingin sa akin at pinag-bubulungan ako pero hindi ko na lang sila pinapansin.
"Wait lang Shantal, ang bilis mong maglakad" Sabi sa akin ni Edellyn kaya napalingon ako sa kanya dahil masyado palang mabilis akong naglakad. Hinahabol ko kasi si JV pero hindi ko na siya makita kung nasaan na.
"Sino na tinitingnan mo?" Biglang tanong niya sa akin dahil nililibot ko ang aking paningin sa palagid dahil hinahanap ko anino ni JV pero wala na talaga siya.
"Ahh wala.. Tara na" Nauutal na sagot ko sa kanya at inaya na ulit siya. Napatingin ako sa kanya na nakakunot ang noo sa akin.
"Ano ba talagang nangyayari?" Tanong nito sa akin nang maglakad na kami kaya napabuntong-hininga ako.
"Hindi ko rin alam"
"May nakikita ka ba na hindi namin nakikita?"
"What?!" Bigla akong napalingon sa kanya dahil sa tanong nito sa akin.
"Eh kasi yung nangyari kanina. Sabi nga ni Althea baka may nagligtas sayong hindi namin nakikita kaya hindi ka tinamaan ng baseball sa ulo"
Mariin akong napapikit pagkatapos niyang magsalita. Gusto ko sanang magpaliwanag sa kanya pero hindi pa ito ang tamang oras dahil marami pa akong hindi naiintindihan at gusto ko munang linawin para sa akin ang tungkol kay JV.
"Imposible naman yun" Mahinang sabi ko sa kanya kaya napabuntong-hininga siya sa akin.
"Baka nga may multo na sa school na'to" Sabi niya sa at agad na lumapit sa akin at humawak sa aking braso.
Napa-iling na lang ako dahil may multo naman talaga, pero papaano ko ba sasabihin?
"Ano ka ba Edellyn, wag kang mag-isip ng ganyan"
"Shantal naman ehh.. Nag o-overthink na kasi ako nakakatakot ka talaga"
"Ba't ako? Wala naman akong ginawa.. "
"Hindi ko nga rin alam ba't yun nangyari" Mahina at sinunggaling na dagdag ko pa sa kanya.
Hanggang sa maka-labas kami ng gate ay nakakapit pa din sa braso ko si Edellyn na parang natatakot. Panay pa rin ang kaka-libot ko ng tingin sa paligid baka makita ko si JV pero kahit likod niya ay hindi ko na mahagilap.
"Susunduin ka ba ng papa mo?" Tanong niya sa akin.
"Oo eh, i-tetext ko nga sya" Agad na sagot ko naman at kinuha ang aking cellphone sa bulsa ng palda ko.
"Ikaw?" Balik na tanong ko dito.
"Mag-cocomute na lang ako. Gusto ko sanang sumabay sa kapatid ko pero naiinis ako sa kanya"
"Hah? Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko sa kanya dahil may kapatid pala siya.
"Di kami close at t'saka muntik ka na nilang matamaan nung baseball buti na lang talaga hindi dumiretso sayo yun"
Napakunot-noo ang noo dahil sino ang sinasabi niyang kapatid na muntik na akong matamaan ng baseball? Don't tell me na si Gio ang kapatid niya dahil siya daw ang nag-bat ng baseball?
"Si Gio ba ang kapatid mo?"
Tanong ko sa kanya kaya naman ay pinag-kunotan niya din ako ng noo. Pero parang hindi naman dahil hindi naman sila magkapareho ng apelyido.
"What?! Hindi ko kapatid si Gio" Kaagad na sabi niya sa akin kaya naman nagtanong ulit ako kung Sino.
"Hay naku! Wag ka ng magtanong Shantal kung sino ang kapatid ko dahil hindi mo rin yun magugustuhan kahit nga ako ay naiinis sa kanya"
Mas lalo tuloy akong naguguluhan sa sinasabi niya.
"Bakit?"
Napa-irap na lang siya sa akin dahil panay ako tanong.
"Yung mga lalaki'ng lumapit sa atin kanina kasama si Gio at yung isa doon ay yun ang kapatid ko"
"Alin ba dun?" Apat kasing lalaki sila kaya hindi ko alam kung alin doon ang kapatid niya.
"Yung pangit dun" Irap na sagot niya sa akin kaya mahinang napatawa ako dahil parang ang sama ng loob niya sa kanyang kapatid.
Nag-ring bigla ang phone kaya agad ko itong kinuha nang makita ko na si Papa ang tumatawag.
"Hello Papa"
"Saan ka na anak, dito na ako sa may gate"
Agad kong linibot ang aking paningin kaya natanaw ko na ang kanyang taxi.
"Sige po Pa, nakita ko na sasakyan mo"
"Sige anak" Ibinaba niya na din ang tawag kaya napatingin ako kay Edellyn.
"Nandiyan na si Papa, uuwi na ako"
"Uuwi na din ako"
"Saan ka sasakay?"
"Aabang na lang ako ng sasakyan"
"Sama ka na lang kaya akin"
"Hindi na Sha, salamat na lang. Sige na bye.. Hahanap na din ako ng masasakyan"
"Sigurado ka?"
"Oo. Sige na bye, bukas naman ulit"
Ngiting paalam na siya sa akin at naglakad na paalis dahil mag-aabang daw siya ng sasakyan. Kaya naman ay naglakad na din ako patunggo kay Papa.
Pagkapasok ko sa taxi ay pina-andar na ito ni Papa. Ilang minuto din ang tinagal ng byahe at agad na kaming nakarating sa bahay kaya bumaba na ako.
Si Papa naman ay ganon din. Dumiretso na ako kaagad sa kuwarto para magpalit ng damit pero pagkabukas ko lang ng pinto ay halos mapa-sigaw ako ng makita ko si JV na naka-upo sa study table ko at parang hinihintay din ako.
Hindi ko alam kung tutuloy ako pumasok o aalis pero kailangan ko din siyang maka-usap. Kaya mariin muna akong napapikit ng aking mga mata bago naglakad papasok ng aking kuwarto.
"Ba't ang tagal mo?" Diretsong tanong niya sa akin kaya medyo napataas ang kilay ko sa kanya.
"Eh ikaw ano ginagawa mo naman dito sa kuwarto ko?" Balik na tanong ko naman sa kanya kaya napabuntong-hininga siya at iniling ang ulo.
Hindi niya pa rin ako sinasagot kaya ibinaba ko na ang aking bag sa mesa. Napatingin din ako sa kanya dahil naka-sunod din siya sa galaw ko.
"Alam mo kung hindi ka lang multo hindi kita hahayaan na nandito sa kuwarto ko" Sabi ko sa kanya na agad naman siyang napa-ngisi.
"Hindi ka man lang ba mag-papasalamat?" Tanong nito sa akin na medyo naka-ngisi pa din sa akin. Alam ko ang tinutukoy niya kaya napa-irap ako sa kanya.
"Salamat huh? Hindi mo ba alam kung ano ginawa mo? Ang dami tuloy natakot at nagtataka. Siguradong yung iba ay paghihinalaan nila ako kung ba't nagka-ganon ang baseball sa akin"
"Hayaan mo sila kung ano isipin nila. Ang importante hindi ka natamaan ng baseball"
Napa-titig ako sa kanya pagkatapos niyang magsalita at ganon din sa akin na naka-titig din sa aking mga mata. Ako na lang ang umiwas dahil hindi ko alam ba't parang lumakas pintig ng puso ko.
"Hindi naman yun ganon kadali. Ang hirap naman kasing magpaliwanag sa kanila na nakikita kita baka hindi sila makapaniwala at kung ano-ano ang sabihin sa akin"
Mahinang sabi ko sa kanya habang hinuhubad ang aking sapatos para maiwasan ko ang kanyang titig dahil naka-sunod pa din ang kanyang mga mata sa bawat kong galaw.
"Nakita ko na ang katawan ko" Mahinang sabi niya sa akin kaya agad akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi nito.
"Saan?"
Hindi muna niya ako sinagot sa halip ay humingga siya ng malalim at iniwas ang tinggin sa akin. Kaya naman ay naglakad ako papalapit sa kanya.
"Ano, patay kana ba? Nasaan yung katawan mo? Saan mo nakita?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya kaya napa-angat tingin siya sa akin dahil naka-upo pa din ito. Ako naman ay agad napa-iwas ng tinggin nang magka-salubong ang aming mata.
Ang punggay kasi ng kanyang mata na parang maiiyak kaya hindi ko kayang tumingin ng diretso dito.
"Hindi, nasa hospital ako" Mahinang sagot niya sa akin.
"Hospital? Saang hospital?" Kaagad na tanong ko naman sa kanya at t'saka biglang pumasok sa isip ko yung papel na kinuha namin sa kaniyang bahay.
" Sa C. A. D Hospital, nandoon yung katawan mo?"
Napatanggo naman siya sa aking tanong.
"Ano bang kalagayan ng katawan mo dun?"
"Hindi ko alam. Nakita ko lang na nakahiga ako"
"Puntahan natin" Aya ko sa kanya na agad niya naman akong tininggnan na nagka-salubong ang kanyang dalawang kilay.
"Wag na" Sagot niya at umiwas na ng tinggin sa akin. Tumayo na siya at naglakad-lakad habang nakapa-mulsa.
"Anong wag na, paano natin malalaman ang kalagayan mo? Diba sabi mo tulungan kitang mahanap ang katawan mo at malaman kung ano ang nangyayari sayo?"
Napa-titig siya sa akin pagkatapos kong magsalita parang inaalam niya kung desidedo ba akong tulungan siya. Kaya naman ay lumapit ako sa kanyang harapan na halos ilang metro na lang ang layo namin sa isat-isa.
Nakita kong napalunok siya lalo na ng lapitan ko siya at tinghalain ang kanyang mukha dahil matangkad siya sa akin. Diretsong tinitigan ko siya sa kanyang mga mata na parang nabigla din ito sa aking ginawa.
"Tutulungan kita para malaman mo kung ano talaga nangyayari sayo'ng katawan at kung bakit ka nagka-ganyan"
Matagal muna siyang napa-titig sa akin bago iniwas ang tingin sa akin at napahawak sa kanyang buhok.
"Paano" Tanong nito at lumayo na sa akin. Na-upo ulit siya sa upuan ng aking study table at napapikit ng kanyang mata na parang naguguluhan din siya kung ano ang gagawin.
"Ako ng bahala" Ngiting sabi ko sa kanya na agad siyang napatingin sa akin na naka-kunot ang noo. Dali-dali akong kumuha ng aking damit at diretsong pumasok sa cr para mag-bihis kasi hindi naman puwedeng maghubad ako na nandoon si JV kaya dito ako sa cr mag-bibihis.
Narinig ko pang tinawag ako niya ako pero hindi ko na siya pinansin dahil alam ko na hindi niya maintindihan ang sinabi ko.
Pagka-bihis ko ay agad din akong nagsalamin para tinggnan ang aking mukha. Nag-suot ako gray pants at medyo oversized na T-shirt kulay puti. Itinali ko din ang aking buhok na pa-ponytail dahil medyo magulo na ito.
Pagkalabas ko ay agad napatingin sa akin si JV lalo na sa suot ko. Siguro nagtataka siya kung ba't ganito ang itsura ko pero tipid ko lang siyang nginitian kahit naka-kunot pa rin ang kanyang noo sa akin. Agad kong ibinulsa ang aking cellphone bago humarap ulit sa kanya.
"Tara na" Aya ko sa kanya pero hindi pa rin siya maka-imik kaya nauna na akong naglakad at lumabas ng kuwarto.
Pagkalabas ko ay agad kong nadatnan si Papa na nag-kakape kaya napatingin siya sa akin nang makita niya ang suot-suot ko.
"Saan ka pupunta? Kaka-uwi mo pa lang" Tanong ni Papa sa akin.
"Papa puwede mo ba akong ihatid sa hospital?"
"Hospital? Ano bang gagawin mo dun?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
"Ahh.. May bibisitahin lang po ako, yung kaklase ko na hospital kasi" Palusot na sabi ko sa kanya. Sana lang talaga ay maniwala siya sa akin.
"Oh sige, sandali lang uubusin ko muna itong kape ko"
"Sige po Papa" Ngiting sabi ko sa kanya.
Natanaw ko din si JV na nakatingin sa akin at kay Papa. Naka-salubong pa din ang kilay niyang nakatingin sa akin kaya tipid ko siyang nginitian.
"Saang hospital ka ba pupunta?" Tanong ulit ni Papa sa akin.
"Sa hospital pong pinag-tatraba-uhan ni Mama"
Napatango naman kaagad siya sa akin at kinuha na niya ang kanyang susi sa taxi. Agad kong sinenyasan si JV na sumunod na kaya agad din siyang naglakad habang nakapa-mulsa.
Pumasok kaagad ako sa sasakyan at sa likod na-upo. Si papa ay nakasakay na din kaya dumungaw ako sa bintana para tingnan kung saan na JV dahil hindi pa siya sumasakay. Nakita ko siya na nakatanaw pa sa labas kaya sinenyasan ko ulit siya na sumakay na. Hindi ko naman puwedeng tawagin siya dahil baka marinig ni Papa kaya agad na din siyang pumasok at na-upo sa tabi ko.
"Ano bang tinitingnan mo dyan?" Biglang tanong sa akin ni Papa kaya napaharap na ako sa unahan. Nakalingon na kasi siya sa akin at tumingin sa labas na kung saan ay doon din ako nakatingin kanina.
"Wala naman po Papa" Agad na sagot ko sa kanya at pilit akong ngumiti ng tipid.
Buti na lang ay hindi na siya ulit nag-tanong dahil in-start niya na ang sasakyan. Napalingon ako kay JV sa aking tabi na tahimik lang at parang ang layo ng iniisip. Hindi na ako nag-abalang mag-tanong dahil mapapansin ito ni Papa.
Naramdaman niya sigurong naka-tingin ako sa kanya kaya napabaling siya sa akin.
"Ayos din palusot mo" Iling na sabi niya at mahinang natatawa pa sa akin.
Napapa-iling na lang ako dahil nagawa ko'to. Kanina ay ninanais ko na hindi ko na siya makita pagkatapos kong masamahan siya sa kanilang bahay pero parang hindi sa akin na sapat na hanggang doon lang ang gawin ko. Naaawa ako sa kanya lalo na't maging siya ay hindi niya rin alam kung ano ang nangyayari sa kanyang sarili.
Naalala ko si Manang Lea, sabi nito na umaasa pa rin siya na magigising si JV. Ngayon ay unti-unti ko ng naiintindihan ang nangyayari kung bakit siya naging multo.
Nakalimutan kong mag tanong sa kanya kung nasaan ang pamilya niya kasi nang makapunta ako sa kanilang bahay ay si katulong lang ang mga nakita ko at si Manang Lea. Sabi ni JV ay pumunta siya sa kuwarto ng kanyang ama, nakalimutan ko siyang tanungin kung nasaan ito at ang iba pa niyang pamilya.
"Anak dito na tayo. Ano hihintayin ba kita?"
Napabalik ang atensyon ko ng magsalita si Papa, kasi panay ang kaka-isip ko tungkol sa nangyayari kay JV.
Ilang segundo muna akong natahimik dahil hindi ko alam kung matatagalan ako dito. Napalingon ako kay JV na nakatingin din kay Papa at t'saka tumingin sa akin.
Gusto ko siyang tano'ngin kong matatagalan kami dito pero hindi puwede kaya itinaas ko nang kunti ang aking kilay para mag tanong sa kanya. Buti na lang ay medyo nakuha niya ang ibig kong sabihin kaya agad niya akong sinabihan.
"Hindi ka naman puwedeng magtagal dito dahil mag-gagabi na" Sabi niya sa akin kaya sumagot na ako kay Papa.
"Opo Pa, mabilis lang ho ako"
"Sige hintayin na lang kita dito. Yung mama mo baka alas otso pa yun uuwi"
"Sige po Papa" Kaya agad na akong bumaba si JV naman ay agad na din bumaba. Hindi na siya nag-abalang buksan ang pinto ng taxi dahil basta na lang siya tumagos dito palibhasa multo lang naman siya.
"Dito pala nag-tatrabaho ang Mama mo" Sabi niya sa akin habang naglalakad kami papasok. Tumango na lang ako sa kanya dahil hindi ako puwedeng magsalita madami pa namang tao dito.
Pagkapasok ko sa Entry ay hinintay ko na wala masyadong tao ang dumaan dahil tatano'ngin ko si JV kung saang room siya.
Kaya naman ng wala na akong taong makita ay agad akong lumingon sa kanya para mag-tanong pero naunahan nya na akong magsalita.
"Nasa private room 15 ako"
Hindi na ako nag-tanong dahil nasa sabi niya na siguro ay alam niya na magtatanong ako. Nauna na siya sa akin naglakad kaya naman ay napasunod na lang ako sa kanya dahil alam naman niya siguro kung nasaan yung room.
Hanggang sa tumigil siya sa isang pintuan. Binasa ko ang nakadikit na papel dito 'Private Room 15'.
Napatingin ako kay JV na lumingon sa akin.
"Dito ko nakita katawan ko"
Tipid ko siyang tina-ngoan dahil mababasa ang emosyon sa kanyang mga mata na parang ang hirap na makita niya na nandito ang kanyang katawan.
Hahawakan ko na sana ang doorknob pero kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang makikita ko sa loob nitong room. Ipinikit ko muna ang aking mata at t'saka huminga ng malalim bago ko hinawakan ang doorknob.
'Bahala na' sambit ko sa aking isipan at pipihitin ko na sana ito para buksan nang biglang may naramdaman akong kamay sa ibabaw ng aking kamay na nakahawak sa doorknob kaya agad akong napamulat.
Nakita kong nakapatong sa aking kamay ang kamay din ni JV kaya parang na-kuryente yata ako ng maramdaman ko ito. Nagtaka ako dahil multo siya diba? Pero parang ordinaryong tao lang ang kanyang kamay ng maramdaman ko ito.
Hindi ko alam kung ilang segundo muna akong napa-titig doon bago ko inalis ang aking kamay.
At hindi rin ako tumingin kay JV dahil nabigla ako sa nangyari at sa naramdaman ko na para akong kinuryente kaya hanggang sa narinig ko na lang ang pag bukas ng pinto dahil si JV na ang nagbukas nito.
Tumambad sa akin ang isang lalaki'ng nakahiga na walang malay ang katawan at maraming naka-konektang apparatus at machine sa kanyang katawan. Naka-benda ang kanyang ulo ng puting tela at may tubo sa kanyang ilong.
Hindi ko alam kung tutuloy ako papasok dahil para akong binuhusan ng malamig na tubig pag-kakita ko dito hindi ko akalain na ito pala ang katawan niya. Hindi ko rin alam kung maiiyak ako dahil nakaka-awa ang kalagayan niya.
Hanggang sa may naramdaman akong tumutulo sa aking pisngi at t'saka ko lang napagtanto na may pumatak na palang luha dito. Kaagad ko itong pinunas ng maglakad na si JV patungo sa kanyang katawan at isinarado na ang pinto.
Naka-yuko siya at diretsong nakatingin sa katawan niyang nakaratay. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko dahil ganito pala ang kalagayan niya.
Sobrang tahimik sa loob nitong room dahil wala sa amin ang umiimik. Tanging tunog lang ng machine ang maririnig dahil sa paghinga niya na naka-konekta dito.
Wala man lang nag-babantay sa kanya o kasama dito sa room.
"I can't believe that this is my body" Iling na sabi niya at mahinang natatawa pa kaya naman ay dahan-dahan akong lumapit dito.
Sinuri ko ang kabu-oan ng kanyang katawang nakaratay at walang malay. Tiningnan ko din ang kanyang mukha. Maputla na ang kanyang kulay at payat na din ang katawan nito dahil siguro matagal na siyang ganito.
Napatingin ako sa kanya bilang multo na mariin din palang naka-titig sa akin. Hindi ko yun pinansin sa halip ay nagsalita ako.
"Kailangan nating mag-tanong sa nurse tungkol sa kalagayan mo"
Napabuntong-hininga siya sa sinabi ko at tipid na tumango. Kailangan kong maka-pagtanong kung ano ang kalagayan niya para malaman ko kung ano ang nangyayari sa kanyang katawan.
"Wala man lang sayo'ng nag-aasikaso dito o nag-babantay" Sabi ko ulit.
Hindi niya ako pinansin sa halip ay umiwas na lang siya ng tingin. Magsasalita pa sana ako ng may marinig akong ingay sa labas at kaya nataranta ako kung ano ang gagawin ko baka may pumasok dito. Napatingin din ako kay JV na nataranta din kaya agad niyang linibot ang tingin dito sa loob ng room.
"Baka may tao doon ka muna" Turo niya sa akin sa isang pinto kaya napatingin ako doon. Hindi pa sana ako pupunta dun pero narinig ko na may pumipihit ng doorknob kaya agad akong tumakbo papasok sa loob ng itinuro sa akin ni JV at agad kong isinirado ang pinto.
Cr pala ang napasukan ko.
Ang lakas pa ng kabog ng dibdib ko dahil sa pinag-gagawa kong ito. May narinig akong ingay siguro ay nakapasok na sila. Isiniksik ko ang aking sarili sa pader at nakikinig sa kanilang usapan, mga boses ng babae ang narinig ko.
Baka nurse sila pero parang hindi naman dahil nagtatawanan sila kaya pinakinggan ko ulit ang kanilang usapan.
"Ano ka ba Althea, wala ka man lang sinasabi kayo na pala Lawrence"
Rinig kong sabi ng isang babae. Natigilan ako dahil Althea ang binanggit niyang pangalan. Baka yung kanina sa school? Pero hindi naman yata kaya nakinig ulit ako ng maigi para kilalanin ang boses niya.
"Tss. Mag mo-monthsary na nga kami"
Namilog ang aking mata at napatakip ako sa aking bibig dahil ka-boses niya si Althea yung kaibigan nila Gio, pero ano ang ginagawa niya dito? Siguro yung dalawang babae na palagi niyang kasama sa school na nandito rin.
"Grabe ka talaga Althea. It means matagal na pala kayo ni Lawrence?"
"Yes, Mga ti-three months na kami"
"What?! Eh nung kayo pa ni Jervey boyfriend mo na pala si Lawrence?"
"Oo,at t'saka hindi naman kasi ako seryoso kay Jervey pero siyempre need ko siya sa school natin para mas makilala ako bilang partner niya dahil sikat siya sa school, diba?"
"So, paano yan pag nagising na siya?"
"Eh ano naman kung magising siya? Mas okay nga para may kasama na ulit ako sa school"
"Ibig kong sabihin. Paano kong malaman niya na may boyfriend ka"
"Tss. Ano ka ba naman Jean siyempre katulad pa rin dati. Eh kahit nga siya alam ko na hindi naman siya sa akin seryoso kaya same lang kami Hahahaha"
"Sabagay"
Napakunot-noo ako dahil sino ba ang pinag-uusapan nilang magigising? Jervey daw.
Yun din ang narinig ko dati nang mag-usap-usap sila sa canteen, Jervey ang pangalan. Panay ako kakaisip dahil hindi ko maintindihan pinag-uusapan nila.
Baka si JV ito? kasi nandito sila ngayon pero iba ang pina-ngalan nila. Magka-ano-ano ba sila Althea? At kung may connection ba dito si JV?
Panay kaka-isip naman tuloy ako dahil naguguluhan na naman ako. Hinihintay ko pang may marinig ulit akong usapan pero wala na akong naririnig. Naghintay ulit ako ng ilang minuto pero wala na talagang boses. Siguro ay umalis na sila.
Dahan-dahan akong lumapit sa may pinto at pinakinggan ulit pero wala na talaga. Kaya naman ay nag desisyon na akong lumabas. Dahan-dahan kong binuksan ito at nakita ko na wala na talagang tao tanging si JV lang bilang isang multo ang nakita ko at naka-upo na siya sa isang maliit na sopa at naka-yuko na naman.
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya kaya napatingin siya sa akin.
"Sino ba yung mga pumasok dito? Kilala mo ba yun?"
Matagal muna siyang hindi sa akin naka-sagot hindi ko alam kung bakit naka-tiim bagang na siya ngayon at mariing pinipisil ang kanyang mga daliri kaya naman ay naupo ako sa tabi niya.
Nilingon niya naman ulit ako pero huminga siya ng malalim na parang pinapaklma ang kanyang sarili.
"Yes, she's my girlfriend" Mahinang sagot niya sa akin at sunod-sunod na huminga siya ng malalim kaya napa-awang ang bibig ko sa kanya dahil may girlfriend pala siya.
"Sino?"
"Don't mind her. She's not I like anymore" Diretsong sagot niya sa akin at diretso din akong tinitigan sa aking mga mata.
Ano bang pinagsasabi niya? Narinig kong banggitin na pangalan nung mga pumasok dito ay si Lawrence daw at Jervey. Baka siya ang tinutukoy ni Althea na Jervey?
Agad bumukas ang pinto kaya nanlalaki ang aking mga mata dahil sa pagkabigla. Nabigla din sa akin yung pumasok na isang nurse kaya hindi ako mapakali kung ano ang gagawin ko.
"Shantal" Mas lalo akong nabigla at nanlalaki pa ang aking mata ng marinig ko ang pangalan ni Mama.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya ulit sa akin kaya hindi ako maka-imik dahil hindi ko alam sasabihin ko sa kanya. Naglakad na siya papalapit sa akin kaya tumayo ako at lumapit sa kanya. Sinusuri niya ako mula ulo hanggang paa na tila hindi siya makapaniwala na makita niya ako dito.
"Bakit ka nandito?"
Tanong niya pa ulit sa akin kaya nag-isip ako ng sasabihin ko.
Ngumiti muna ako sa kanya at humalik sa pisngi pero si Mama ay naka-kunot pa din ang noo sa akin.
"Mama, binisita ko lang po kaklase ko" Turo ko sa kay JV sa naka-higa niyang katawan na walang malay.
"... at hindi ko rin po alam na dito pala kayo naka-assign sa kanya" Dagdag na sabi ko pa kay Mama.
Matagal niya muna akong tinitigan at napatingin siya sa pasyente niya. Siguro hindi si Mama makapaniwala na kaklase ko ito kahit hindi naman talaga, yun lang talaga ang pumasok sa isip ko na sabihin sa kanya.
"Kaklase mo pala siya" Sabi ulit ni Mama kaya dahan-dahan na lang akong napatango.
Nakita ko naman si JV na tumayo na at napatingin sa aming dalawa ni Mama.
Nang magka-salubong kami ng tingin ay agad siyang napatawa sa sinasabi ko kay Mama. Gusto ko sanang singhalan siya dahil ang lakas ng loob niyang tumawa samantalang dahil lang naman ito sa kanya.
Sobra na nga akong nahihirapan kaka-isip ng ipapalusot ko tapos pagtatawanan niya lang ako.