Chapter 7

3072 Words
Shantal POV: "Huwag kang mahiya iha. Tara na samahan kita sa kuwarto ng batang yun" Ngiting aya sa akin ng matanda. Nahihiyang sumunod na lang ako sa kanya dahil yung kasama kong multo ay hindi ko na alam kung saan na, nauna kasi itong maglakad sa amin. Simula pagkapasok ko kanina dito sa bahay ay sobrang namamangha na ako dahil ang ganda sa loob. Kung maganda na itong tingnan sa labas ay mas maganda kapag nakapasok kana. Mga mamahalin ang mga kagamitan at mga muwebles ang disenyo. Tanging black and white lang ang pintura at salamin ang iilang dingding at bintana. Puro yari din sa kahoy ang mga upuan at lamesa. Ang kanilang tiles naman ay kumikinang dahil sa kulay nitong parang kristal. Gusto ko sanang ilibot pa ang aking paningin pero pinigilan kong tumingin kahit saan-saan dahil nakakahiya lalo na't hindi ko alam kung bakit ako nakapasok sa ganitong bahay dahil lang sa multong 'yun. "Ang aga mo naman iha. Nag almusal ka na ba?" Tanong nito kaya biglang napatanggo na lang ako sa kanya kahit hindi pa naman ako nag-aalmusal. "Opo nag-almusal na ako" Nahihiyang sagot ko sa kanya. Agad itong bumaling sa akin habang naglalakad kami paakyat ng hagdan. "Ako nga pala si Manang Lea" Pakilala nito sa akin na agad ko naman siyang nginitian. "Katulong ako sa bahay na ito. Matagal na din akong naninilbihan dito at alaga ko din yung nobyo mo" Nakangiting dagdag na sabi pa nito sa akin kaya agad akong nabigla dahil sino ang sinasabi niyang nobyo ko. "Po?" Curious na tanong ko sa kanya. "Si JV, Ako ang nag-aalaga 'dun. Simula bata siya ay ako na ang kinuha ng kanyang ina kaso ngayon ay wala na ang mama niya at yung alaga ko naman hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na magigising ito" Malungkot na ani nito sa akin kaya mas lalo akong naguguluhan dahil wala naman akong alam sa mga sinasabi niya. Saka lang nag-sink sa isip ko na baka yung sinasabi niyang JV ay yung kasama kong multo. JV pala ang pangalan niya. Ano kaya ang nangyari dito dahil sabi ni Manang Lea ay umaasa pa rin siya na magigising ito. Bigla tuloy akong kinilabutan dahil baka nga patay na talaga ito pero bakit umaasa pa rin si Manang Lea na magigising ito. Napalunok na lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Tahimik na lang akong sumunod sa kanya ng maglakad na ito. "Ito yung kuwarto niya. Ano ba ang kukunin mo at ng masamahan kita?" Tanong nito sa akin na agad ko namang kina-tunganga dahil hindi ko naman alam kung ano ang kukunin ko dito. Basta yun lang ang naisabi ko kanina dahil yun din ang sinabi ng kasama kong multo na idahilan ko na may kukunin ako sa kuwarto niya. "Ahmm... " Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil biglang tumunog yung telepono sa baba at agad na naagaw ang aming atensyon. Si Manang Lea ay agad na nagpaalam sa akin nang mabuksan niya yung pinto ng kuwarto. "Sandali lang sasagutin ko muna yung tawag. Pwede mo nang hanapin yung kukunin mo tutulungan na lang kita mamaya, ba-baba muna ako" Ngiting paalam niya sa akin at tumalikod na pababa. Mukhang nagmamadali itong sagutin ito dahil baka importante ang tawag. Napabuntong-hininga na lang ako at umiling bago pumasok sa kuwartong binuksan niya. Para akong tanga dahil hindi ko alam ang gagawin ko dito. Basta lang ako naka-tunganga na naglalakad papasok dito sa kuwarto. Parang matagal na walang gumagamit nitong kuwarto dahil may mga alikabok na ang bawat sulok. Linibot ko ang aking paningin sa kabuoan ng kuwarto. Gray, white and blue ang kulay ng pintura at sadyang nakakaayang tingnan dahil ang liwanag sa paningin. Mukhang lalaki ang nagmamay-ari nitong kuwarto dahil may iilang gamit na panglalaki. Humakbang na ako para sana puntahan yung malaking kabinet sa may gilid dahil may isang picture na lalaki na naka-display dito. Hindi ko masyadong makita dahil medyo malayo ito ngunit napatigil ako sa paghakbang at napalingon dahil may biglang pumasok din dito sa kuwarto hindi ko pala nasarado yung pinto. Akala ko ay si Manang Lea na ngunit hindi naman pala dahil yung kasama kong lalaki na multo ang pumasok. Diretso siyang naglalakad na parang naguguluhan ang kanyang mukha at diretsong tumingin din sa akin na agad ko namang ikinagulat. Samantalang siya ay hindi na nabigla kung nasaan ako dahil expected niya na siguro ito. "This is my room" Agad na sabi nito pakalampas sa akin dahil agad itong dumiretso papasok at naglakad na patungo sa kabinet na syang pupuntahan ko din sana subalit hindi na ako natuloy dahil nauna na siyang tumungo dito at nakatunganga na lang ako sa aking kinatatayuan habang nakasunod ang aking paningin sa kanya. Napa-awang ang labi ko dahil sa pakakabigla matapos niyang sabihin na sa kanya pala itong kuwarto. Kaya naman pala parang panglalaki ang itsura at ayos nito. Saka ko lang napagtanto na parang wala nang gumagamit nitong kuwarto dahil ganito na ang kanyang kalagayan, multo na siya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, sa ngayon ay halos sumabog na ang isip ko dahil gulong-gulo na ako. Bawat drawer ay binubuksan niya na parang may hinahanap siya dito. Hindi ko alam kung tutulungan ko siya dahil napako na ako sa aking kinatatayuan at hindi ko na magawang humakbang pa. "We need to hurry up because you have a classes. It's already 7:00 o'clock" Dagdag na sabi pa nito habang may binubuklit na papel. Agad akong natauhan dahil may klase pa pala ako. Feeling ko kasi ang bagal ng oras ngayon. "Ano bang gagawin ko dito?" Mahinang tanong ko sa kanya at nanatili pa rin akong nakatayo sa aking puwesto. Agad naman siyang lumingon sa akin kaya napabuntong-hininga ako. Huminga din muna siya ng malalim bago ako sinagot at ibinalik niya na ang tingin sa hawak niyang papel. "I don't know if what happened to me. I saw some hospital papers in my father room and my name was there" Mahinang sagot niya sa akin na agad niya akong binalingan ng tingin ulit. Parang ang lungkot ng kanyang mata at naguguluhan din. Napalunok ako dahil parang nagpoproseso na sa akin ang mga nangyayari. Kung may mga hospital paper siyang nakita na nakapangalan sa kanya ay maaaring may nangyari nga dito at nasa hospital siya. "Siguro kailangan nating mahanap yung katawan mo" Suggest ko sa kanya na agad niya namang kinabuntong-hininga ulit. "Iha, sino kausap mo? Nahanap mo na ba yung kukunin mo?" Bigla akong napalingon sa may pinto dahil sa pagtawag ni Manang Lea. Kinakabahan ako dahil baka narinig niya na nagsasalita ako mag-isa at magduda siya. "Ah h.. Kanina pa ba kayo dyan? Nagulat po kasi ako" Mahina at nauutal na sabi ko sa kanya dahil nagulat talaga ako. "Naku, hindi pa naman kakarating ko lang. Pasensya na iha kung nagulat kita narinig ko kasi na may kausap ka" "Ah.h.. May tumawag po kasi sa cellphone ko" Palusot ko na lang sa kanya dahil narinig niya pala na may kausap ako baka kung ano-ano isipan niya at mapagkamalan akong baliw dahil nagsasalita akong mag-isa, wala siyang nakikita. Ngumiti naman siya sa akin akin at naglakad na rin papasok dito sa kuwarto. "Yan ba yung hinahanap mo?" Turo niya sa akin kaya agad akong tumingin dito. Mga papel sa sahig. Namilog ang aking mata dahil yun yung hawak na papel kanina ng kasama kong multo. 'Bakit nandiyan na yan?' Tanong ko sa aking isipan. Agad kong linibot ang aking paningin at nakatayo na siya may kama. Agad niyang sinenyas sa akin ang mga papel na nasa sahig na hawak-hawak niya lang kanina. Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin. Ilang sandali din bago ako sumagot kay Manang Lea sa kanyang tanong. "Opo, yan yung hinahanap ko" Sagot ko sa kanya at agad na akong naglakad para kunin ang mga ito. Hindi na ako nag-abala pang basahin o tingan ang mga ito dahil kaagad ko na itong dinampot. Narinig ko ang buntong-hininga ni Manang Lea at nang tingan ko siya ay nakatingin na siya sa kabuoan nitong kuwarto, parang naiiyak siya. Agad na akong tumayo at medyo lumapit sa kanya. "Sobrang na mimiss ko na ang alaga ko. Sana magising na siya" Sabi ni Manang Lea habang nakatingin sa kabuoan nitong kuwarto at pinunasan niya ang kanyang pisngi. Tama nga ako na naiiyak siya. Bigla din akong naaawa sa kanya. Tiningnan ko yung kasama kung multo. Nakatinghala siya sa kisame na parang pinipigilan niya din ang maiyak dahil siguro narinig niya ang sinabi ni Manang Lea. "Lumabas na tayo. Ma-lalate kana" Sabi niya sa akin at nauna ng maglakad palabas ng kuwarto kaya kahit naka-tunganga pa ako ay agad na akong nagsalita para mag paalam na kay Manang Lea. "Manang Lea, aalis na po ako baka po kasi malate ako sa klase. Salamat po ulit" Lumingon naman siya sa akin at pinilit ngumiti kahit tutulo na ang luha sa kanyang mga mata. Agad naman akong gumanti ng tipid na ngiti kay Manang. "Sige iha, hatid na kita sa ibaba. Sa susunod gusto ko ulit na makita ka dito at pumunta" "Opo babalik pa ako dito" Yun na lang ang sinagot ko kahit hindi ko naman alam kung makakabalik pa ako dito dahil ano naman ang gagawin ko ulit. "Basta pag may libre kang oras bisita ka ulit dito ah" Tumango na lang ako sa kanya dahil panay sabi siya sa akin na bumalik daw ulit ako dito. Habang pa-baba kami ay nakita ko yung kasama ko sa may pintuan parang hinihintay niya din kami. "Say to her that you get my car" Napakunot-noo ko sa kanya at magtatanong sana ako ngunit nandito si Manang Lea baka magduda siya kung sino ang tinatanong ko. Sa halip ay sinabi ko na lang kay Manang Lea na kukunin ko yung sasakyan ni JV. Buti na lang ay naalala ko yung sinabi niya kanina na pangalan ng kanyang alaga. "Oh sige, alin pa dun yung itim o yung isa?" Matagal muna akong hindi nakasagot dahil hindi ko naman alam kung alin doon. Wala naman kasing sinabi siya sa akin kung alin doon siguro marami siyang sasakyan kaya yung itim na lang ang sinabi ko kay Manang Lea. Wala na kasi doon sa may pintuan si JV hindi ko alam kung saan na siya pumunta siguro ay nauna na sa amin. Napabuntong-hininga na lang ako habang naglalakad kasama ni Manang Lea patungo sa may garahe dahil nandoon daw yung sasakyan. Nang makarating kami dito ay namangha ako dahil ang dami ng sasakyan nila. Hindi ko alam kung alin dito yung sinasabi niya. "Yun yung itim niyang sasakyan kadalasan na ginagamit niya papunta sa paaralan" Turo sa akin ni Manang Lea kaya agad na kaming tumungo dito. Agad na sumulpot si JV kaya nabigla din ako sa kanya. Tumabi siya sa akin kaya napatingin ako sa aking gilid. Inabot niya sa akin yung susi pero nasa may bulsa na ng palda ko nilagay niya kaya nabigla ako sa kanyang ginawa. "Sino ba tinitingnan mo dyan Iha? " Ah hh wala po" Agad na sagot ko kay Manang at nahihiyang ibinalik ko na ang aking tingin sa may sasakyan dahil baka nagdududa na siya sa akin. "Teka, may susi ka ba?" Tanong ulit sa akin ni Manang kaya agad kong na realize yung binigay na susi sa akin ni JV. Napabuntong-hininga ako dahil kung hindi niya sa akin ito binigay malamang magtataka na talaga sa akin si Manang Lea. " Meron po. Binigyan niya ako ng duplicate dati" Nauutal na sabi ko kay Manang at kinuha ko na ito sa aking bulsa. "Buti naman. Sige na baka mahuli ka sa iyong klase" Nakahinga ako ng maluwag sa mga katanungan niya kaya agad akong tumango na kay Manang Lea. Pumaroon na din ako sa kotse at linabas ang susi para buksan ito. Kahit nanginginig ang kamay ko ay pinilit kong maging kalmado. Pakabukas ko nito ay nandito na pala si JV sa loob at naka-upo na. Parang naiinip na siya at nakakunot na ang noo sa akin. Magtatanong sana ako pero hindi ko muna itinuloy dahil nandito pa si Manang Lea. Bumuntong-hininga ako at pumasok na dito. Pagka-upo ko ay agad naman siyang lumabas kaya mas lalo akong naguguluhan. Isinarado ko na lang ang bintana nitong kotse dahil baka makita ni Manang Lea ang reaksyon ng mukha ko at magtaka siya na para na akong timang sa aking mga reaksyon. "Move. Ako ang mag da-drive" Sabi niya sa akin sa labas kaya umurong ako sa kina-uupuan niya kanina at agad naman siyang tumagos sa sasakyan at naka-upo na sa driver seat. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin na hinihingi ang susi kaya agad ko naman itong ibinigay sa kanya. Buti na lang siya ang magmamaneho dahil para akong tanga'ng pumasok sa kotse hindi naman pala ako marunong mag drive. Hays. Buntong-hininga ko. Nang umaandar na ang sasakyan ay agad na ding binuksan ni Manang Lea ang gate at lumabas na kami. Hindi na ako nag-abala pang buksan ang bintana at mag paalam ulit dahil baka makita niya na hindi naman ako ang nagda-drive pero umaandar ito. Hindi ko sigurado kung nakikita ba ang tao kapag nasa loob nitong sasakyan parang tintative glass kasi ito, pero tiyak na hindi naman kita ang tao sa loob. Pagka-alis namin sa bahay niya ay nakahinga na ako ng maluwag. Parang grabe yung mga pinagdaanan ko ngayong araw. Napatingin ako sa hawak kong papel na kinuha ko kanina sa kanyang bahay. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dito kaya tumingin ako sa kanya. Tahimik lang siyang nagmamaneho at parang ang layo ng iniisip. Naramdaman niya siguro na nakatingin ako sa kanya kaya naman bumaling siya sa akin. Ibinigay ko sa kanya yung hawak kong papel na agad niya namang tiningnan. Kinuha niya ito sa isang kamay niya habang yung isang kamay naman niya ay patuloy sa pagmamaneho. Tahimik niyang inabot sa akin ang mga papel at inilagay na sa harapang nook ng kanyang sasakyan. Napatingin din ulit ako doon. May isang papel akong nabasa na 'C. A. D Hospital' ang panglan kaya tinitigan ko itong maigi dahil doon si mama nagtatrabaho. Babasahin ko pa sana yung iba ng biglang isuksok niya na ito kaya naman hindi ko na nabasa pa ulit. Napaisip ako na baka doon siya. Tama! Sambit ko sa aking isipan at parang may nag sink na detalye sa isip ko. Baka doon ang katawan niya at doon ito mahahanap. "What are you thinking?" "Hah?" Biglang tanong ko sa kanya dahil nabigla din ako kaya naman agad akong napatingin sa kanya na siya namang kinakunot ng kanyang noo. "It's already 7:30" Ani nito sa akin. Mag-aalas otso na pala baka mahuli ako sa aking klase. "Saang school ka?" Dagdag na tanong niya pa sa akin na agad ko namang sinagot. "South Park Academy" "SP Academy" "Hah?" Tanong ko ulit sa kanya dahil hindi ko maintindihan yung sinabi niya pero hindi na siya ulit nagsalita at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho. Hindi na ako nag-abala pang magtanong pa ulit sa kanya dahil malapit na kami sa aking paaralan. Ilang sandali nga din ang nakalipas ay natanaw ko na ang gate ng paaralang pinapasukan ko. Marami na ang estudyanteng pumapasok kaya nagmamadali na rin akong makababa. Pagkatigil ng sasakyan ay tumingin ako sa kanya. Nakatingin din pala siya sa harapan at pinagmamasdan ang mga estudyanteng dumaraan papasok. Hindi ko mabasa ang reaksyon ng kanyang mukha dahil parang ang lalim naman ng iniisip niya kaya ako na lang ang unang nagsalita. "Ba-baba na ako" Agad naman itong lumingon sa akin. Hindi ko alam kung tama ba ang pakakasabi ko dahil isa siyang multo at iiwan ko itong kotse sa kanya. Hindi ko naman kasi ito puwedeng dalhin dahil hindi naman ako marunong magmaneho nito. "Sige" "Pero paano itong sasakyan?" Tanong ko sa kanya. Napabuntong-hininga muna siya bago sa akin sumagot. "I can handle this. You can go" Aniya niya sa akin. Kahit nalilito't naguguluhan ako ay agad naman akong tumango at bumaba na dahil malalate na ako. Agad ko ding isinarado ang pinto ng kotse at tiningnan ito pagkababa ko. Hindi mo naman talaga makikita ang tao sa loob kaya ayos lang na nandoon siya. Kung makikita ang tao sa loob ay tiyak na may mga tao'ng magtataka kung bakit ito umaandar nang wala namang taong nakikitang nagmamaneho. Ilang sandali din akong nakatayo at nakatingin sa sa sasakyang binabaan ko na umaandar na paalis. Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga bago tuluyang naglakad na papasok sa gate. Nagmamadali akong naglakad para makapasok na sa aking room dahil alam ko na malapit na ang time ng aming klase. At pagkarating ko nga dito ay sakto din na parating na ang aming subject teacher. Pinagpapawisan pa ako bago naupo sa tabi ni Edellyn na agad naman siyang nagtanong kung bakit daw ganito ang itsura ko. Siyempre hindi ko naman sa kanya sinabi dahil maguguluhan lang siya na kahit nga ako ay naguguluhan din. Umiling na lang ako at sinubukan ko nang ituon ang aking atensyon sa klase. Pinilit kong iwaglit muna sa aking isipan yung mga nangyari kanina dahil kailangan kong ituon muna ang aking atensyon dito sa paaralan. 'Hays Bahala na' sambit ko sa aking isipan sana tapos na ako sa kanya at sana hindi ko na ulit siya makita pero nag-aalala ako sa kanyang sitwasyon at gusto ko siyang matulungan. Mariin akong napapikit ng aking mga mata at nagpakawala ng buntong-hininga bago nakinig sa mga discussion ng aming gurl. Jervey POV: Gulong-gulo na talaga ako ngayon hindi ko alam kung bakit ako ganito. Matapos kong makapunta sa bahay kasama siya ay may nakita akong mga papel na nakapangalan sa akin at galing ito sa ospital. Wala akong ibang mahanap doon sa bahay kundi ito lamang. C. A. D Hospital, pangalan ng hospital na nakasulat sa bawat papel, parang mga bill ito at yung iba ay hindi ko maintindihan kung ano-ano ba mga impormasyon doon. Hindi na ako nag aksayang basahin ito isa-isa dahil pagkatapos ko siyang maihatid sa kanyang school ay agad na akong nagmaneho patungo sa hospital na nakita ko sa bawat papel. Baka nandoon nga ang katawan ko at sabi niya kailangan ko daw itong mahanap para malaman ko kung ano talaga ang nangyayari sa akin. Sabi ni Manang kanina ay umaasa siya na magigising pa ako. It means hindi pa ako patay kaya kailangan kong malaman ang katotohan ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD