“So sino nga ang gwapong lalaki na ‘yon at bakit mo siya inaaway, Cali?”
Ayaw talaga siyang tantanan nina Joana at Almira na parehong nakatayo sa harapan ng mesa niya at hinihintay ang sagot niya.
“Kapag kayo nakita ni boss, lagot kayong dalawa," irap niyang itinuon sa computer monitor ang atensyon.
"At sa tingin mo, hindi nakarating sa boss iyong pagdating ng gwapo mong bisita? Eh halos lahat tumigil sa trabaho?" Pinaikutan siya ni Almira ng mga mata nito.
Na-stress bigla na napatingin siya sa kaibigan. Posible nga kaya? Pambihirang lalaki na 'yon, dadagdagan pa ata ang problema niya!
"Sino nga kasi 'yon? Mukhang mayaman, mukhang mabango, mukhang artista!" Saad naman ni Joana na kinikilig pa kahit malaki na ang tiyan. "'Yon na lang ang jowahin mo!"
"Tigilan n'yo nga ako." Tumayo siya at inabot ang teleponong nagri-ring. Mas malapit si Joana pero inunahan niya ito para lang makatakas sa pag-uusisa ng mga ito. "Accounting, hello?"
"Ms. Molina, to my office. Now."
Six words lang ang sinabi ng Manager nilang si Mrs. Carpio pero pakiramdam ng dalaga ay hinatulan na siya ng kamatayan.
"Y-yes, ma'am…" Para siyang tinakasan ng lakas nang tapusin ang tawag.
"Si boss?" Napatakip pa ng bibig ang dalawa.
Tumango siya at bagsak ang mga balikat na pumunta sa opisina ng manager nila. In her heart, she was already cursing Knight. Kapag siya nawalan ng trabaho, hindi niya ito tutulungan kay Emily.
'What about Jordan, Cali?' Singit ng isip niya. Sukat doon ay lalo siyang nanlumo. She should've just kept her mouth shut instead of telling Emily what she saw. 'So, hahayaan mong niloloko ang pinsan mo?'
She shook her head bago kumatok sa opisina ni Mrs. Carpio.
"Come in." She heard her boss say.
Kinalma niya ang sarili at inihanda ang puso sa ano mang sasabihin ng kanyang superior.
"Tapos mo na ba ang report na hinihingi ko sa'yo?" Umpisa nito na hindi na siya inanyayahang umupo.
"Yes, Ma'am. I was about to send it to your email," tugon niyang malakas ang kabog ng dibdib.
"Good. Then send it to me at once tapos magligpit ka na ng mga gamit mo---"
"Ma'am!" Agap niyang kaagad nag-shift sa pagmamakaawa ang itsura. "Sorry po, hinding-hindi na po mauulit! 'Wag n'yo po akong sisisantehin! Kailangan ko po 'tong trabaho ko, Ma'am. Please po…"
Lumalim naman ang pagkakakunot ng noo ni Mrs. Carpio na para bang may alien na nagsasalita sa harapan nito at wala itong naintindihan sa mga pinagsasabi niya.
"Hindi ko po alam na alam ng tao na iyon kung saan ako nagtatrabaho. Kahit po ako nagulat na bigla siyang nagpunta rito. Pero promise po, hindi na mauulit. Sa building lobby pa lang, ipapa-ban ko na po siya…"
"Bakit mo ipapa-ban ang may-ari ng building?"
Nabitin sa bungad ng mga mata niya ang mga luha niyang babagsak na sana. Ano raw?
"P-po?" Parang sirang aniya.
"Knight De Silva's family owns KJS Tower. Bakit mo siya ipapa-ban? Don't tell me na hindi mo alam 'yon? Ikaw pa naman in-charge sa pagbabayad ng mga dues natin sa kanila," sabi ni Mrs. Carpio.
Naloko na. Bakit nga ba hindi niya alam iyon? Mukhang dahil pa ro'n kaya siya masisisante!
"Bukod do'n ay inaanak din siya ng CEO natin. May permiso ni Mr. Arevalo ang pagdaan dito ni Mr. De Silva. At kaya ko sinasabi na magligpit ka na ay dahil ipinagpaalam ka niya na kailangan ka niya ngayong araw," patuloy nito.
Tuluyan na siyang nag-hang. Natulala siya nang kaunti.
Hindi siya nasisante? At kailangan daw siya ni Knight?
"Kumilos ka na. Hinihintay ka na niya sa lounge sa baba." Pagtataboy sa kanya ng kanyang boss. "Naka-leave ka na for today. Bukas ka na bumalik. But send me the report that I need from you first."
Napatango na lang siya at lutang na nagpaalam. She was confused. Gano'n kaimpluwensiyang tao si Knight na kahit CEO nila, kakilala nito? Ninong pa nga!
Cali realized na hindi lang pala trabaho ni Jordan ang nasa mga kamay ni Knight. Maging ang kanya ay isang pitik lang din nitong maiaalis sa kanya.
She really made a mistake when she quickly jumped to the conclusion that he was cheating on her cousin.
At ngayon, hindi lang trabaho nila ni Jordan ang nanganganib. Pati relasyon nila mismo ay pinagbantaan na rin ni Knight. Pero isa lang ang sigurado ni Cali, she wouldn't let him destroy what she and Jordan have.
"Anong sabi?" Salubong agad nina Joana at Almira na hindi man lang pinigilan ang pagkatsismosa bilang konsiderasyon man lang sana sa mukha niyang masama ang timpla.
"Leave na raw ako today," sagot na lang din niya na agad inatupag ang report na kailangan niyang i-email sa Manager nila.
"Leave? Hindi sisante?"
"Disappointed ka?" She rolled her eyes at Almira.
Tumawa naman si Joana.
"Hindi 'no!" Depensa ni Almira na bahagya ring natawa. "Kapag nawala ka rito, paano na lang ang almusal at lunch ko?" Bawi nitong pabiro pa siyang niyakap.
"Awat na, pinapalayas na ako ni boss," aniyang sinara ang unit pagka-send ng email. Dinampot na rin niya ang bag niya.
"Bukas ha, magkwento ka!" Pahabol ni Joana.
"Oo na…"
Mabigat ang loob na nag-out siya. What had she gotten herself into? Hindi pala madaling banggain ang isang Knight De Silva.
'Mangialam pa more, Cali!' Buska ng utak niya.
Nasa elevator na siya nang tawagan siya ni Knight. Walang ganang sinagot niya ang tawag nito.
"What is taking you so long, Ms. Molina?" Iritable agad ang boses ni Knight.
"Hindi mo ako tauhan, Mr. De Silva. Maghintay ka," pagsusungit niyang pinatay agad ang tawag. Kung impatient ito, puwes, siya rin. Wala siyang pasensya sa mga katulad nitong akala mo kung sinong umasta!
Nagring pa ang phone niya pero hindi na niya iyon pinansin dahil papunta na rin naman siya. Masyado lang atat? Kung pwede nga lang sadyain pa niyang magbagal para lalo itong inisin.
But Cali couldn't risk upsetting him more. Baka sa isang iglap, mawala lahat sa kanya.
Cali found Knight sitting in the lounge. Pero agad din itong tumayo nang makita siyang papalapit.
"Napakabagal mo sa lahat ng bagay," sabi nitong tinanguan siyang sundan ito.
She made a face nang nakatalikod na ito. Sarap tadyakan ang likod nito gamit ang high heels niya. Bumaba pa sila sa lower basement dahil doon naka-park ang sasakyan nito.
"Where are we going?" Hindi na nakatiis na tanong niya nang makalapit sila sa isang luxurious black van. She was expecting a sports car or something smaller than a van. Pero hindi naman siya nadisappoint natin luxury car pa rin naman ang sasakyan nito.
"To Emily's house," sagot naman nito na pinabayaan siyang sumakay mag-isa.
"Knight, hindi ko pa nakakausap si Emily," protesta niya. "Can you give me enough time para pag-isipan kung paano ko siya kukumbinsehin?"
"Binigyan na kita ng time," he answered. "Magaling kang gumawa ng kwento, 'di ba? Use it for good this time. Fix what you destroyed."
"Okay! Fine!" Imbyernang tugon niya. "I can go there alone! Hindi mo kailangang sumama!" Tapos ay walang pasabi na bumaba siya ng sasakyan bago mapaandar iyon ni Knight.
"Hey!" Sigaw nito.
Siya naman ay mabibilis ang mga hakbang na tumungo sa elevator lobby. Halos kakapindot niya lang ng UP button ay naabutan na siya ni Knight.
Marahas siya nitong hinila sa braso at walang ingat na itinulak sa sarado pang pintuan ng elevator.
"Ouch!" She exclaimed as her back pressed against the metal door.
"You owe me, Cali. I don't remember giving you the right to walk out on me!" He said, habang mariin pa ring hawak siya sa braso niya.
"Why? Are you so mighty that everyone must be so respectful of you?" Palaban naman niyang saad. "Who do you think you are, Knight De Silva?!"
"For someone who made a mistake, you are unbelievable, Ms. Molina. Alalahanin mo ang sinabi ko sa'yo. If you can't fix this mess, say goodbye to your boyfriend!" Marahas siya nitong binitawan at akmang tatalikuran na siya nang biglang bumukas ang kinakasandalan niyang elevator door.
Naramdaman niya ang pagkawala ng balanse niya and was almost ready to anticipate a fall. Pero nagulat siya nang mabilis siyang mahila ni Knight.
The next thing she knew, her body was pressed dangerously close to Knight na napasandal naman sa wall na katabi ng elevator habang yakap-yakap siya nito.
Cali was stunned for a moment as Knight's expensive perfume filled her nose. Hindi siya nakagalaw agad dala nang nagulat siya at dahil na rin sa ayos nila.
Natauhan na lang siya nang ilayo siya ni Knight sa pamamagitan ng paghawak sa magkabila niyang braso.
"Reflex," he murmured before walking away. "Let's go, Cali. Huwag mong hintaying kaladkarin pa kita!"
Wala sa loob na sumunod na lang siya.