- Six -

1619 Words
"No!" Mariin niyang tanggi nang malaman kung ano ang planong ipagawa ni Knight sa kanya. Nasa loob na sila ng subdivision nina Emily at nakaparada ilang metro mula sa bahay ng pinsan niya.  Pareho silang nakatayo sa gilid ng van habang ipinapaliwanag nito sa kanya ang gagawin niya. Nakabukas ang sasakyan at sa loob niyon ay isang bear mascot, flowers at balloons.  Dadalhin niya ang mga bulaklak at lobo habang nakasuot siya ng mascot. "You don't have a choice. Binigyan kita ng oras para mag-isip ng sarili mong diskarte, pero heto ka, walang ginawang kahit ano," sabi ni Knight na hinila siya sa braso nang akmang magwo-walk out na naman siya.  "Okay. I'll bring the flowers and the balloons. But I won't be inside that bear!"  "Don't test me, Cali." Nag-isang linya na ang mga labi ni Knight at inaamin ni Cali na medyo kinabahan siyang ma-offend niya ito.  So, she sighed at helpless na napatingin sa suot niyang hanggang tuhod na pencil cut dress at high heels. She couldn't possibly move inside that mascot wearing that. "What? Do you want me to help you undress?" Sarkastikong tanong ni Knight na sinundan pala ng tingin ang ginawa niya.  "No!" Sikmat niya at sumakay sa van. "'Wag kang titingin!" Sabi pa niya bago hinila pasara ang pinto kahit pa alam niyang heavily tinted ang mga bintana.  Bahagya niya lang narinig na tinawanan siya ni Knight. 'The nerve!' Asar niyang bulong. Malaki ang personalized van at ang taas no'n sa loob ay kaya siyang i-accommodate kahit nakatayo siya. It was also surprisingly spacious. Ni hindi siya nahirapang makapagbihis.  Hindi na nga sana niya kailangan ng tulong kung hindi lang nasa likod ng mascot ang zipper. Matagal siyang nakipagtalo sa sarili niya kung hihingi siya ng tulong kay Knight. Paano kasi, by doing so, she would have to expose her bare back to Knight.  Hindi naman kasi enough ang back side ng kanyang front closure bra para takpan ang buong likod niya. And although it was as simple as exposing her back na alam naman niyang hindi magiging bago kay Knight dahil madalas naman ay naka-backless ang mga kaibigan nito sa tuwing may party.  Just for example, ang kahalikan nito noon ay naka-backless gown. Si Emily, madalas gano'n din. Hindi nga backless lang, with his lifestyle and elite circle, parati rin itong exposed sa mga naka-two piece bikinis pa. At higit sa lahat, imposible naman na hindi pa nakakakita ng hubad na babae si Knight!  'What the hell, Cali?' Kastigo niya sa sarili sa inabot ng kanyang iniisip.  In the end, atubili niyang binuksan ang van. Walang mangyayari kung magiging OA siya. Hindi sila matatapos. "Knight," she called the man whose back was toward her. Lumingon naman ito kaya nagpatuloy siya. "I need help." Napakunot noo naman ito but eventually understood what she meant nang ituro niya ang likod niya. "Hep!" Pigil niya nang lumapit ito. "Close your eyes." "Close my eyes?" Hindi ito makapaniwala.  "Yes, close your eyes," kumpirma naman niya. "Okay! Pero kakapa ako hanggang sa makapa ko kung 'asaan ang zipper," sabi ni Knight na binigyan pa siya ng malisyoso pero sarkastikong ngiti.  Nagpigil siyang sumagot pa dahil narealize niyang tama ito. Pero binigyan niya ito ng warning look.  Pumasok si Knight sa van habang hinawi naman niya ang buhok at tumalikod dito. Pakiramdam niya naging crowded bigla ang maluwag na sasakyan kanina lang.  Para ring biglang nilamig ang likuran niya. "Bilis na!" Angil niya nang maramdaman na tila natigilan ito.  There could only be two reasons why. Una, nabighani ito sa likod niya which was impossible because of the second reason. Mayroon kasi siyang mahaba at pangit na pilat sa likod mula sa tapat ng dibdib niya hanggang sa halos baywang niya.  Tahimik na marahang iniangat ni Knight ang zipper hanggang sa makaabot iyon sa batok niya. Nakahinga naman siya nang maluwag. “Teka naman!” Protesta niya nang walang pasabing isinuksok nito sa ulo niya ang ulo ng bear.  “We’re running out of time, Cali. Aalis si Emily in an hour.” Bumaba ito sa van at umikot papunta sa driver’s seat.  “Pa’no mo alam? Kung may communication kayo, dapat hindi mo na ako sinasali sa plano mong ‘to!”  “Hindi siya ang kausap ko. Can you just stop complaining, Ms. Molina?” Iritang sabi nitong pinausad ang van hanggang sa tapat ng bahay nila Emily. “Bumaba ka na. I will send a message to Em so she would look outside.” “Okay, okay!” Gigil niyang sang-ayon na bumaba ng van tangan ang mga balloons at bulaklak. “Ang hirap gumalaw!” Asar niyang sabi na siya na lang ang nakarinig dahil iniwan na siya ng mokong. Manonood daw ito mula sa malayo.  She walked closer to the gate and pressed the buzzer. Nakatingin siya sa silid ni Emily na nasa harapang bahagi ng ikalawang palapag ng mansyon ng mga ito. Inaabangan niya kung sisilip ang pinsan niya.  Kilala niya si Emily. Mabilis itong matuwa sa mga sweet gestures lalo na kapag mamahalin at grand iyon. At itong life-sized bear na may balloons at favorite roses ni Em, pasok na pasok sa banga. Mukhang alam na alam ni Knight kung paano ito suyuin. Nang gumalaw ang kurtina sa bintana ng silid ni Emily, natuwa siya. Gumalaw-galaw siya para magpa-cute. Nakita niya pa itong sumilip. Kahit medyo malayo, nakita ng 20/20 vision ni Cali na nakasimangot si Emily. Mawawalan na sana siya ng loob. Pero biglang bumukas ang automatic na gate. Mukhang natuwa pa rin ito kahit nakasimangot. The bear sashayed in the front yard. Pero bigla siyang napatigil nang makarinig ng mga pagtahol.  Cali’s eyes grew wide when she saw Emily’s American Pitbull dogs running towards her. Hindi isa, hindi dalawa, but three angry dogs are coming to attack her!  Binitawan niya ang mga hawak at mabilis na tumakbo sa abot ng makakaya ng suot niyang oso. Pero mas mabilis ang mga aso na kaagad nag-unahang kumagat sa kanya nang abutan siya. Mabuti na lang at makapal ang mascot. Pero dahil tatlo ang nakasabit na sa kanya, nadapa pa siya nang makaabot na sa kalsada. “Knight!!!” Ubod lakas na sigaw niya. ‘Asaan na ba ang tinamaan ng magaling na lalaking iyon? Nagulat na lang siya nang makarinig ng sunud-sunod na mga busina. Pag-angat niya ng tingin ay nakita niyang papalapit ang van. Nakabukas na rin iyon kaya sasakay na lang siya. Mabuti at kahit galit pa rin ang mga aso, lumayo nang kaunti ang mga ito gawa ng nakabibinging busina ng sasakyan.  She took the opportunity para tumayo at sumakay sa tumigil na van sa tapat niya. When the dogs saw that, umatake na naman ang mga ito. Sinipa na lang niya ang lumapit sabay sara ng pinto. Hindi naman siguro animal cruelty iyon. “Sh*t! Are you okay?” Tanong ni Knight na nilingon siya habang nagdadrive. Kaagad naman niyang tinanggal ang nakasuot sa ulo niya. “Mukha ba akong okay?” Angal naman niya pabalik.  Gusto na niyang alisin ang suot para i-check kung may nakalusot sa kagat ng mga aso. May nararamdaman kasi siyang masakit sa bandang hita niya. “Hang in there, we’re near my house,” may bahid ng pag-aalala sa tinig ni Knight. Pero wala rito ang atensyon niya dahil sinusubukan na niyang abutin ang zipper sa likod niya. Kaya nagulat na lang siya nang biglang bumukas ang pinto ng van at sa isang iglap ay nasa tabi niya si Knight. Agad nitong ibinukas ang zipper at plano pa atang ito mismo magtanggal ng mascot sa kanya. “Hey!” protesta niyang tinabig ang mga kamay nito’t bahagya pang umatras palayo rito.  “We have to check if you got bitten!” Seryosong sabi ni Knight na akma na namang huhubarin ang suot niya. “Lumabas ka!” Singhal niya. “Magbibihis ako!”  Akala niya iiwanan na siya nito. But to her surprise, hinila siya nito't walang pasabing binuhat palabas ng sasakyan. Parang kung anong bagay lang na sinampay siya nito sa balikat nito. "Ibaba mo ako!" Sigaw niyang binayo ng kamao niya ang likod nitong abot ng kamay ng mascot. "Nakakalakad ako, ano ba?!" "Shut up, will you? 'Pag 'di ka tumigil, ibabagsak talaga kita!" Banta ng binata. She realized na pumasok sila sa isang bahay, isang magarang bahay! At ngayon pa nga ay paakyat sila ni Knight sa isang enggrandeng hagdan. 'Yon bang parang sa palasyo? Carpeted pa nga iyon.  Because she was upside down, ibabang bahagi ang mga nasusuri ng paningin niyang namimilog na sa paghanga sa kinaroroonan.  Where did Knight bring her?  Nagulat pa siya nang ibaba siya nito sa isang malambot na kama. Sa sobrang lambot, para siyang lumubog.  "Now, undress so we can check your body!" Knight demanded.  "Excuse me? Ako lang ang magchi-check," aniyang tumayo mula sa kama. "I have one problem though, Mister… Naiwan sa van ang mga dam--- Knight!!!" Napasigaw siya nang walang babalang hinila nito ang suot niya. Naka-unzip na iyon sa likod kaya agad iyong humiwalay sa kanya bagamat nakasuksok pa rin ang dulo ng mga kamay niya.  "Sh*t!" Malakas itong napamura nang makita ang sugat sa braso niya. Hindi tuloy siya nagkaroon ng pagkakataon na pamulahan sa biglang pagka-expose ng katawan niya dahil mukhang nasa sugat naman niya ang atensyon ni Knight at wala sa upper body niyang nakalantad sa paningin nito.  "Step out of the costume," utos nito. Dahil kinabahan na rin naman siya nang mapagtantong hindi pala gano'n kakapal ang suot niya, she obliged willingly.  May isa pa siyang sugat sa hita at dumudugo iyon.  "Knight!" Protesta na naman niya nang buhatin siya nito papunta sa banyo.  Seriously? Anong tingin sa kanya ni Knight? Hindi nakakalakad? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD