Hindi kumikibo si Cali habang nilalapatan ni Knight ng first aid ang kagat ng aso sa hita niya. Nakaupo siya sa couch sa loob din ng silid na pinagdalhan sa kanya nito habang nakaupo naman ito sa paanan niya at pinapahiran ng antibacterial ointment ang sugat niya. Nauna na nitong hinugasan ng warm water at sabon iyon nang dalhin siya nito sa banyo kanina.
It was awkward pero mukhang siya lang naman ang nakadama no'n. But when Knight sensed her awkwardness, he grabbed a robe and made her wear it. He also asked someone to collect her dress from the van. At ngayon nga ay iyon na ang suot niya.
Bahagya na lang niyang inililis iyon para magamot nito ang sugat niya.
Sa loob niya ay hindi siya maka-move on na kanina lang ay halos hubad siya sa harap ni Knight. Kahit na wala naman itong ginawa sa kanya at ni wala ngang sinabi na parang wala naman itong nakita, Cali still felt guilty inside as though she had done something bad behind Jordan's back.
She had never appeared in front of her boyfriend like that. Braso at binti pa lang ang inabot ng balat niya na nakita ni Jordan. Even the scar on her back was yet to be seen by her boyfriend.
Pero itong si Knight, halos nakita na lahat sa kanya gayong hindi naman niya ito kaanu-ano. She wanted to cry. But since Knight didn't seem to be bothered with what he saw, hindi na lang din siya nagsalita.
Gagawin niya lang katatawanan ang sarili niya kapag nagkataon. Besides, sigurado naman na walang panama ang katawan niyang hindi perpekto sa mga nakita na ni Knight.
Emily, for example. Ramp at commercial model ang pinsan niya. Napakaganda at halos perpekto. Kaya nga heto at gagawin lahat ni Knight para mabawi ang puso nito.
"I should be fine, right? Vaccinated naman ang mga aso nila Emily," sabi niya nang matapos na nitong lagyan na rin ng sterile bandage ang sugat niya sa parehong hita at braso.
Tiningala naman siya nito. "Hindi pa rin natin pwedeng balewalain," he said gently bago apologetic na tiningnan siya sa mata. "I'm sorry."
"It's alright," she dismissed at agad bumitaw sa tingin nito dahil pakiramdam niya para siyang hinihigop ng bluish gray eyes nito. She didn't realize before that he has a lovely set of eyes.
Tumayo ito at naupo sa katapat na couch na parang pagod na pagod.
"Ako na lang ang mag-iisip ng susunod na gagawin, okay?" Sabi niya. "Nakakatakot ka magplano. Muntik na akong maging dog food!" She playfully rolled her eyes at him.
Naiinis pa rin siya rito pero he already looked so guilty at hindi siya komportable na gano'n ito. For some reason, mas gusto niyang naka-angil ito sa kanya.
"Dog food?" Natawa ito nang slight, showing off a gorgeous half smile. "I honestly didn't expect that Em would do that." He continued in a serious tone. There was disappointment in his voice.
"Her reaction is valid. Galit siya sa'yo, 'di ba?" Aniyang hindi nagustuhan ang tono nito.
"She should've figured out that there's a person inside that bear. It was cruel na pakawalan ang mga aso niya."
"Wala kang karapatan na pagsalitaan ang pinsan ko nang ganyan," she said na tumayo bigla. "I'll talk to her." She loves her cousin, hindi siya papayag na pinag-iisipan ito ng gano'n na tunog hindi maganda. Na para bang wala itong konsensya.
"Nakaalis na si Emily," tugon ni Knight na parang hindi makapaniwala sa reaksyon niya.
"Oh, eh 'di uuwi na ako," tumuloy pa rin siya sa paglabas ng silid.
Pero napahinto siya. Sa laki ng pasilyong bumungad sa kanya, hindi niya alam kung saang direksyon pupunta. Kaliwa ba o kanan?
"Ihahatid na kita on my way to my clinic," sabi ni Knight na lumabas na rin at nilampasan siya.
Sumunod siya sa binata. "Okay."
Habang naglalakad ay hindi niya mapigilang humanga sa karangyaang nasa paligid niya. Nasaan ba sila? Palasyo?
Dahil nalilibang ang kanyang mga mata, hindi niya namalayang huminto pala si Knight sa paglalakad.
"Ouch!" Reklamo niya nang tumama ang mukha niya sa likod nito. Napaatras siya't hinimas ang nasaktang ilong. "Pwede namang magsabi na hihinto ka,'di ba?"
"Pupunta ako sa kwarto ko, sasama ka ba?" Hinarap siya ni Knight na may bahid ng panunukso ang itsura.
She blushed. "Malay ko ba! Sana sinabi mo kasi kanina. Paano ba lumabas dito?" Iniiwas niya kaagad ang tingin.
"Just wait for me in my room," he suddenly grabbed her hand and continued walking in big strides.
"Hoy!" Protesta niyang hindi makaagapay. "Ba't ako maghihintay sa kwarto mo? I don't want to be in your room, Knight! Just show me the way out! Hindi naman ako bata!"
"I don't want to explain, okay? Saka kanina pa tayo magkasama roon po sa isang kwarto, bakit ngayon ka lang nag-panic?" He asked as he stopped to open a door on their right. "Don't worry, Ms. Molina, kung may plano ako sa'yo, dapat kanina ko pa ginawa." Binitawan siya nito sabay pasada ng tingin sa kanya mula ulo hanggang paa at pabalik. Saka ito umiling.
"Ha!" Aniya. "Don't worry, hindi rin naman kita type!" Dagdag niyang nainsulto nang slight. Alam niyang hindi siya kasingganda ni Emily o no'ng babaeng kahalikan nito noong nakaraan, pero alam niyang hindi naman siya pangit. Otherwise, Jordan wouldn't fall for her, right? And her boyfriend was claiming she got him at first sight.
"The feeling is mutual then," sumeryosong saad ni Knight. "Walang rason para maging uneasy ka." Tumalikod na ito. "Wait for me, hindi ako magtatagal."
Inirapan na lang niya ang likod nito as she made herself comfortable on the luxurious couch. Parang may living room pa ang kwarto nito kasi may naghihiwalay pang glass divider doon at sa pinaka-bedroom nitong bahagya niya lang nasisilip.
The room had a minimalist masculine design. Classy at napakalinis na parang kada oras ay may naglilinis. Bukod pa sa tiyak niya na kahit ang kinauupuan niyang couch ay mahal pa sa buwanang sahod niya.
Knight De Silva was undoubtedly every inch a rich man. Kaya maraming babaeng naghahabol dito. Bukod sa may hitsura rin naman talaga, napakayaman pa.
Pero hindi siya kasali sa mga babaeng hibang sa binata. Walang appeal sa kanya ang mga katulad nitong babaero at manloloko.
Besides, may mahal na siya. Her boyfriend of several years, Jordan Enriquez.
Cali wondered what Jordan's room looked like. Alam niyang hindi kasingganda ng silid ni Knight because like her, her boyfriend lives an ordinary life. Pero ayos lang 'yon, hindi naman niya hangad ang marangyang buhay.
Ang kailangan niya ay lalaking tapat at mahal siya.
"Let's go," narinig niyang sabi ni Knight after more or less ten minutes.
Nang mag-angat siya ng paningin ay nakita niya itong nakasuot ng blue scrubs at sa braso nito ay tangan nito ang isang white coat. He looked like a medical professional kaya napakunot noo siya.
"What exactly is your profession?" Aniyang tumayo na rin.
Parang nag-iba ang dating ni Knight sa ganoong suot nito.
'Parang mas gumwapo, Cali?' Tanong ng isip niya na kaagad din naman niyang sinaway.
"I'm a Dentist, Ms. Molina," sagot naman nito habang palabas sila.
"Oh, so you're a Doctor, huh?" Iyon lang ang nasabi niya. Hindi niya kasi alam iyon. Ang alam lang niya ay mayaman ito dahil lagi niya itong nakikita sa mga party ng mga kaibigan ni Jordan. At hindi rin nabanggit ni Emily sa kanya. "Why do you live in such a big house? Sinong kasama mo rito?" Tanong pa niya nang pababa na sila sa grand stairs.
"I live here with my younger sister and the helpers. Our parents are in the US," tugon naman nito.
Sa isip ni Cali ay parang malungkot ang buhay ng binata. Malaki ang tirahan pero hindi naman kasama ang mga magulang.
"Do you also plan to live abroad?"
"Not really. I like it here. But Keisha and I would frequently fly to New York to be with our parents. You know, social duties."
Tumango siya at tumahimik na. Sinalubong sila ng isang unipormadong kasambahay sa baba ng hagdan para itanong kung may kailangan pa ang binatang amo nito.
Umiling si Knight at sinabing okay na sila.
Ibang sasakyan na ang minaneho ng binata para sa pag-alis nila.
"You and Em are practically neighbors…" Sabi niya nang madaanan nila ang bahay ng pinsan niya. "Did you meet here in the village?"
"No, we were introduced to each other."
Cali stopped asking. Hindi na rin kumibo pa si Knight hanggang sa makarating sila sa kanto papasok sa kanila. Hanggang doon na lang kasi siya nito pwedeng ihatid dahil masikip na ang daan papunta sa kanila.
"I will call you," saad nito bago siya makababa.
"Okay," she rolled her eyes. As if naman may choice siyang tumanggi. "Thanks for the ride," dagdag niyang sumilip na lang ulit sa hindi na nakatinging binata.