"Single ako pero hindi ako available?" Amused pero halos magdikit ang magagandang kilay na tanong ni Knight. Nagmamaniobra ito ng sasakyan nito palabas ng parking lot. Tinatanong siya nito tungkol sa sinabi niya sa mga aggressive patients nito kanina na tila nais siyang kuyugin nang makitang hawak ni Knight ang kamay niya. They asked if she was his girlfriend. She quickly said no. Takot niya lang na hindi makalabas ng buhay roon. Then Knight added that he was single. Na ginatungan naman niya na yes single ang Doktor pero hindi ito available. "Ibig kong sabihin, hindi ka available kasi kay Emily ka na," paliwanag naman niya. Did she say something wrong? Totoo naman 'yon eh. Hindi ba nga't nakikipagbalikan ito sa pinsan niya? "Single lang status mo but your heart's already taken. Saka

