"Cali, apo," tawag sa kanya ng Lola niya. Abala siya no'n sa pakikipagpalitan ng mensahe kay Emily. Ang magaling niyang pinsan, ayaw pa ring makipagbalikan kay Knight. Natutuwa raw ito sa mga regalo na natatanggap nito galing sa binata. Kaya 'wag muna raw. "'La? Bakit po?" Nadatnan niya sa kusina ang Lola niya na may nilalagay na pork and chicken adobo sa isang tupperware. "Dalhin mo ito kay Doktor Knight," tugon ni Lola Clarita. Sunod nitong nilalagay ang kanin sa separate na disposable microwavable container. Pagkatapos ay mga sliced fruits sa isa pa. "Bakit po? May okasyon po ba?" "Cali, aba'y matuto ka namang magpasalamat do'n sa tao. Wala ka namang ginagawa, dalhin mo 'to sa clinic niya. Malapit lang naman, isang sakay lang," sermon ng Lola niya. Sabado no'n at hindi siya

