"Jordan, does it have to be tonight?" "Cali, hindi laging narito si Steph. Gusto niyang manood ng movie with us. Pwede mo naman siyang pagbigyan, 'di ba?" Malumanay na tugon ni Jordan pero alam niya na kapag usaping Steph, hindi siya pwedeng tumanggi. "Oo naman," sabi na lang niya kahit sana gusto niyang 'wag sumama. "Saan tayo magkikita?" Halos wala siyang tulog nang nagdaang gabi dahil inabot sila ni Emily nang madaling araw sa mga plano nito kung paano pahihirapan si Knight. Gusto niyang kontrahin si Emily lalo na't ang ibig sabihin ng plano nito na iyon ay stuck siya kay Knight. Hindi niya raw kasi pwedeng sabihin that she was just playing hard to get. Ngayon tuloy, dalawa na ang lihim na dala niya. Ang ayaw ipasabi ni Knight at ang ayaw ipasabi ni Emily. Saan ba siya lulugar?

