When the rich kids could do just whatever they wanted, si Cali tahimik lang sa tabi ni Jordan. Nasa sinehan sila, isa sa mga pinaka-advanced sa viewing experience pero ginawa lang bar ng mga magagaling. Nagpasok ng hard drinks ang mga ito at halos 'di naman nanood ng romantic action movie na nasa ikalawang beses na sa screen. Naka-set din sa low ang volume at nakabukas ang mga ilaw sa sinehan. She couldn't quite get the point of being there, when in the first place, they weren't going to watch the movie. Sana sa kung saan na lang sila nagpunta. Cali watched them with boredom. Lasing na nga ang mga ito. Maliban sa kanya dahil 'di naman siya umiinom, kay Jordan na paminsan-minsan lang mag-shot at kay Knight na minsan pa lang niyang nakita na uminom. Hindi naman sa pinapanood niya ito.

