Kung dati kalaban ang tingin niya kay Knight, ngayon naman malapit nang maging knight in shining armour niya ito sa mga mata niya. Knight saved Cali many times already. Una, noong kakatakbo niya palayo rito at hindi niya namalayang tinakbo niya ang mga green traffic lights. Had he not stopped her, nasagasaan na siya. Pangalawa, nang makagat siya ng aso. He was there to give her first aid. Pangatlo, nang iwan siya ni Jordan nang nagdaang gabi. Knight offered to give her a ride and brought her home safely. Pang-apat, muntik siyang masagasaan ng tren kung hindi siya maagap na napigilan ni Knight bago siya makaapak sa dadaanang riles no'n. Panglima, when nobody else could help her, heto at higit pa sa tulong na kailangan niya ang ibinigay nito sa kanya. Nagawa na ang CT scan. Na-admi

