Nagmamadaling pumasok si Marie ng opisina. Halos wala ng tao doon nang dumating siya at nakapatay na ang karamihan sa mga ilaw. Dumeretso siya sa itaas, sa opisina ni Ms. Princess. Sumilip muna siya sa salaming bintana ng opisina at nakita niya ang mayamang babae na nakaupo, may hawak na baso na may lamang alak, at naghihintay. Himinga muna ng malalim si Marie at humugot ng lakas ng loob. At pagkatapos ay dahan-dahan siyang kumatok at agad namang tumugon ang boss niya para buksan ang pinto. “I was about to go home. Why did you call me?” agad na tanong ni Ms. Princess kay Marie nang makapasok ang dalaga. “Pasensya na po kayo. Kailangan ko po kasi ng tulong ninyo,” sagot ni Marie. “May kaibigan ako at may hinala akong magpapakamatay siya,” dugtong ng dalaga na lumapit sa kausap at hindi n

