Nakasimangot na mukha ng mga investors ang tumambad kay Eric nang pumasok siya sa conference room. Isa’t kalahating oras na kasi siyang late at parang lango pa sa alak ng dumating. Namumutla na rin ang binata at hindi na masilayan ang ngiti nito. Maging ang pananamit nito ay nag-iba na. Madalas na lang itong naka T-shirt sa opisina. Makikita rin sa mga mata ni Eric na wala na siyang gana sa ginagawa at tila napipilitan na lang. Matapos humingi ng paumanhin ay sinimulan na ni Eric ang pulong. Pero halata sa kanyang pagsasalita at kilos na hindi siya handa. Nakita iyon ng mga investors at nadismaya sila sa ipinakita ni Eric. At kahit hindi pa tapos ang pagpupulong ay lumabas na ang mga ito. Napa-upo si Eric at agad na sinalo ang ulo na sa pakiramdam niya ay napakabigat. Ilang araw na niy

