PUMARADA ang kotse ko sa kabilang kalsada kung saan natanaw kong huminto ang kotse ni Lester sa tapat ng isang lumang clinic. Sabay na lumabas ng sasakyan ang dalawa. Palingon-lingon pa si Alex na sumunod kay Lester na nangunguna papasok sa clinic. Anong gagawin nila sa isang laboratory clinic ng ganitong oras? It's already past 6PM. Alam ko hanggang alas singko lang ang mga ganito. Kinuha ko ang cellphone sa ibabaw ng dashboard at dinial ang number ni Lester. Nakatatlong ring pa bago siya sumagot. "Hello?" Bungad niya sa akin. Lumingon ako sa labas ng bintana at nakitang lumabas galing sa clinic si Lester, hawak ang cellphone. "Bakit ka tumawag?" "What? Masama bang tawagan ko ang fiancè ko?" Sarcastic na sagot ko sa kaniya. "I'm busy. Wala akong panahon sa walang kwentan

