"Ate Genesis." Tumayo si Alex na nakaupo sa couch sa living area paglabas ko ng kwarto. Tipid ko siyang tinanguhan habang isinusuot ang earrings ko. "Nag-breakfast ka na ba? May cereal diyan, kung gusto mo kumain." Nahihiya siyang ngumiti saka umiling. "Wala akong ganang kumain kapag umaga, isinusuka ko rin kasi. Saan nga pala tayo pupunta?" Nabanggit niyang hindi pa siya nakakapag-pa-check up mula no'ng 'di na siya magkaroon ng menstruation. Nalaman lang niyang buntis siya through, pregnancy test. Kaya hindi rin siya sigurado kung ilang weeks na ba talaga ang fetus. Estimated lang niya na apat na buwan. And as I've agreed on helping her, I need to take care of her too for the baby. Timing naman na parehas kaming walang pasok kapag Saturday kaya pinapunta ko siya ng maaga rito sa

