Nilingon ko siya at nakitang nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa laptop. "Bagong client namin 'to." "Bakit ikaw ang personal na nag-me-message sa kaniya? Wala ka bang assistant para gumawa niyan?" "Meron, syempre. But personal ko ring chinecheck yung mga messages at sumasagot sa inquiry. Hands on ako sa mga business ko. Hindi ka ba gano'n sa club at gallery mo?" Ano bang iniisip niya? Pati ba naman client na hindi ko pa nakikita pagseselosan pa ata. Napapailing na tumayo ako para kumuha ng bowl at mug sa countertop. Nilalagyan ko 'yon ng cereal at coffee nang yakapin ako ni Gunter mula sa likuran. Ibinaon niya ang mukha sa balikat ko at sinimulan akong patakan ng maliliit na halik doon. "I don't know what I'm gonna with you. Kagabi may kausap kang lalaki. Ngayon naman may ka

